Episode 27

1280 Words
Ella's POV TOK TOK TOK katok ko sa kwarto ni boss dahil 8:30pm na, monday ngayon at uwi kona sa amin, maya maya pa ay bumukas na ang pintuan ng kwarto ni boss, at niluwa doon si Boss Gavin, naka boxer lang at wala man malang damit pantaas kaya napatingin tuloy ako sa 6packs nyang abs, hindi ko alam kung bakit minsan diko maiwasan puriin ang ganda ng katawan ni boss, yung mga barkada ko magaganda rin naman ang katawan pero pag si boss parang iba, yung parang may bumabara sa lalamunan ko, "Do you like the View TIBO?"...wika ni boss Gavin kaya napataas ang tingin ko sa mukha ni boss Gavin at naka ngisi ang loko, "H...Huh??"... Utal kung wika dahil parang may bumara sa lalamunan ko at napalunok pa ako ng sarili kung laway, "You look enjoying the view! You can touch if you want!"... Wika ni boss Gavin, nanlaki ang mata ko sa sinabi nito, "Kadiri ka Boss bakit ko naman hahawakan yan?"... Asik ko sa kanya, at ngumisi lang ang loko, "Eh bakit titig na titig ka sa katawan ko?"...wika uli ni boss sabay lapit pa ng kunti sa akin, ang liit nalang ng ispasyo ng pagitan namin kaya amoy na amoy ko ang mabango nyang amoy, maya maya pa ay umatras na ako, "Kasi Gusto korin magkaroon nyan boss"...wala sa ayos na wika ko, dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya, para akong kriminal na nahuli sa akto sa pagtitig sa katawan nya, nagulat ako ng tumawa ito ng malakas mas nagulat ako dahil ngayon kolang sya nakita na tumawa ng ganon! Lagi kasing suplado na mukha ang nakaukit sa pag mumukha nya, at kung tumawa ay ngisi lang. "it's just funny that you also want to have abs"... Wika nito at tumigil na sa pagtawa, "Ano naman ang funny don?" "okey fine if you want you can use my Gym every weekend" "Hindi na boss nagbago na isip ko, nga pala nandito ako para mag paalam uwi na ako boss".. Wika ko kay boss. "Okey"... Wika naman nito tatalikod na sana ako ng bigla itong magsalita ulit, "TIBO!!!".. tawag nya sa akin, kaya napatingin uli ako sa mukha nya, "Yes boss?".. Tanong ko naman "Take care see you tomorrow"... Nagulat ako sa sinabi ni boss hindi dahil sa pinag iingat ako nito kundi dahil parang ang lambing ng pagkasabi nya, hindi ko alam kung tama ba ang pagka rinig ko sa tuno ng pagsalita nya, imposible maging malambing ang loko na ito, "Thank you boss ingat karin dito Goodnight".. Wika ko naman kay boss pero hindi man lang nag goodnight too ang loko, kaya imposible yung narinig ko na lumambing ang boses nya baka antok lang ako kaya iba ang pagka rinig ko sa tuno ng boses nya, Pagka sabi ko non ay tumalikod na ako at hindi na lumingon sa kanya alam kung nakatanaw lang sya sa pag alis ko dahil hindi ko narinig na sumara ang pintuan ng kwarto nya, hanggang sa tuloyan na akong makalabas ng condo nya, Nang makarating ako sa tenement ay dali dali akong lumabas sa kotse at dumipa sabay singhot ng hangin, "I miss you tenement"... Wika ko habang naka dipa pa ang dalawang kamay, naglakad na ako papunta sa bahay namin ni lola, habang naglalakad ako papunta sa loob ng building ng tenement ay naka salubong ko naman si Gab at nakita naman ako nito, naka ngisi pa ang loko sabay lapit sa akin. "Dude welcome back to tenement ".. Wika nya sabay pinag appear namin ang braso namin, "Loko ka Gab akala mo naman nangibang bansa ako at ang tagal hindi naka uwi dito sa Tenement"...asik ko kay Gab. "First time mo kasi hindi matulog ng dalawang gabi dito eh" "Wag ka ngang OA Gab! Kamusta pala bakit parang walang kang pasok maaga pa ahh"... Tanong ko kay Gab. "Hanggang 8pm nalang ako ngayon dude pero 8am din naman ang pasok ko" "Ah"...wika ko naman sabay tango, "Oonga pala dude sa sa sabado ng gabi may raket ang barkada sa G's Bar uli makakasama kaba?"... Tanong sa akin ni Gab, "Hindi ko alam ehh alam mo naman na tuwing weekend nandon ako kay Boss Gavin" "Sabagay pero diba bodyguard karin nya? Ibig sabihin malamang nandon karin sa G's bar dahil pupunta yun don" "Ano palang party yun Gab?".. Tanong ko kay Gab, "Yung kapatid ata nong isang boss ni Jay at Jass yung Billy daw ang pangalan dumating galing America eh iwewelcome ata nila at don gaganapin sa G's Bar may sikat nga na banda ang pupunta daw don eh yung silent Sanctuary"... Wika ni Gab at napatango tango ako dahil kilala kona si billy sya lang naman si Mr Baliw, "Astig ah sana nga pumunta si Boss Gavin at isama ako lalo na nandon ako sa condo nya nong araw na yun". "Isasama ka non don basta nandon kami lahat ng tropa, raraket din kasi kami sayang lang at mukhang hindi kana namin makakasama sa raket na yun dude, basta kung pwde ka sa sabado sumama kana pwde kapa naman namin isingit eh alam mo naman si Jay at Jass malakas sa manager don" "Sige susubokan ko magsabi kay Boss Gavin ichachat ko nalang kayo kung makalusot ako kay boss" "Sige Dude loves".. Wika ng loko at kindat na naman, "ikaw Gab ang baboy mo lagi may nalalaman ka pang loves loves mamaya paputukin ko yang labi mo eh".. Asik ko kay Gab. Sabay taas ng kamao ko at kunwari susuntokin sya, umiiril na naman kasi ang pagka loko nya, "Oh Relax Dude ikaw naman ang High blood mo eh"... Wika ni Gab, Sabay hawak sa kamao ko na nakayukom at binaba nya sa may ere, "Sige na akyat na ako hinihintay na ako ni lola ehh"... Paalam ko kay Gab, "Sige may bibilhin din kasi ako sa labas kita kits nalang sa sabado" "Sige ingat".. Wika ko at tinapik pa sya ng malakas sa balikat nya at naglakad na ako papunta sa hagdan paakyat sa second floor, Pagka dating ko sa bahay ay naabotan kung nakaupo si lola sa may bamboo sofa, at si ate let naman ay nagliligpit ng pinagkainan, "Lola!!"... Tawag ko kay lola ng makapasok ako sa bahay, lumapit ako sa kanya at nag mano, "Naku apo buti naman at nakauwi kana".. Wika ni lola sabay hawak sa kamay ko at hinila ako para makaupo, "Sabi ko naman sa inyo lola tuwing weekend lang ako don dalawang gabi lang" "naninibago lang ako apo na hindi kita katabi sa pagtulog" "Ako din naman lola naninibago rin wag poh kayo mag alala at masasanay rin poh tayo, dalawang gabi lang naman poh yun" "ano pa nga ba ang magagawa ko eh trabaho mo yan, ikaw ba'y kumain na?"... Tanong sa akin ni lola, "Opo lola tapos na poh".. Wika ko kay lola, nakita ko naman si ate let na papalapit sa amin ni lola at naupo sa may single chair sa may tabi ng TV. "Naku Ella buti nalang dalawang gabi kalang talaga don sa trabaho mo pano itong si lola bukang bibig ka"... Singit naman ate let. "Salamat talaga ate Let huh" "Naku wala yun Ella kayo paba o sya uwi na ako huh baka nandon narin si Bon sa bahay"... Wika ni ate Let tumayo na. Dahil may extra pa naman ako na pera ay inabotan ko si ate Let kahit paano, tumanggi pa nga sya pero pinilit kung kunin nya, Pasasalamat sa pag aalaga nya kay lola. Makalipas ang ilang minuto ay sinarado kuna ang pinto at pumasok na rin kami ni lola sa kwarto para makapag pahinga narin kami,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD