Episode 15

1737 Words
Ella POV's 8:00 in the morning Kakatapos kolang maligo. Ngayong araw na ito ang punta ko sa Condo ni Mr Bwesit. Labag man sa loob ko ang pumunta don ay wala akong magagawa dahil may kailangan akong bayaran sa kanya. Nagpapaalam narin ako kay lola at nabilin kona sya kay ate Letlet. Ang alam ni lola at ni Ate Letlet ay may nasira lang sa taxi na pinapasada at kailangan mo ng ayosin. Sinabi ko rin na hindi ako makakapasada dahil walang bakante na taxi. Buti nalang ay kahit paano ay may ipon ako galing sa mga nakaraang Raket ko. Kaya sa ngayon ay wala pang problema sa pera. Pero hindi naman pwde na umaasa lang ako sa ipon ko dahil mauubos din yun. At lalong hindi ko pwdeng galawin ang ibang ipon ko dahil nakalaan yun sa pag punta ko ng Quezon province para hanapin si Nica.. May pangako ako sa kanya na noon at kahit anong mangyari tutuparin kopa rin yun. Kaya kailangan ko dumeskarte kung pano ako magkaka trabaho ng may sahod. Alam ko naman kasi na hindi ako sasahod sa kung ano man ang ipapagawa ni Mr Bwesit dahil nagbabayad nga ako ng utang sa kanya. "La alis na poh ako".. Paalam ko kay lola na nasa may salah lang nakaupo kasama si Ronron nanonood ng palabas sa TV. "Apo wag kana kaya maghanap ng trabaho hintayin mo nalang maayos yung taxi mo na pinapasada mo"Wika ni lola sa akin. Yun kasi ang paalam ko kay lola maghahanap mona ako ng trabaho habang inaayos pa ang taxi na pinapasada ko. (lola patawad kung nag sisinungaling ako sa inyo. Ayuko lang mag alala kayo baka ano pang mangyari sa inyo.. Bulong ko sa aking sarili) "Eh lola sayang yung oras hindi ko pa poh alam kung kailan maaayos ang taxi na pinapasada ko".. Sabi ko sa aking lola. "Eh anong oras ka naman makakauwi nyan apo?". "Hindi ko poh alam lola basta pag ginabi ako wag nyo na poh ako hihintayin ha. Magpahinga nalang poh kaya"..bilin ko sa aking lola.. "Sige apo basta mag iingat ka ha"... "Opo lola" "Baby Ron bantayan mo si lola huh!" Baling ko kay Baby Ronron na nag lalaro ng Spider-Man toy sa lamesa. "Opo ate Ganda" wika naman nito ginulo ko muna ang buhok ni baby Ronron at humalik narin ako sa pisngi ni lola at sa may noo nya. Saka ako tuluyang lumabas ng bahay. Nasa first floor na ako ng hallway ng bigla kong marinig ang massage tone ng Cellphone ko kinuha ko yun sa may bulsa ko at binasa ko. (1 Messege from Jay) Jay-mag iingat ka! Pagkabasa ko ng messeng ni Jay at tumingin ako sa dulo ng hallway at hindi nga ako nagkamali nandon sya. naka sandal sa padar at naka tingin sa akin. Nandon lang kasi ang bahay nito sa sa my dulo ng Hallway. "JAY SALAMATTT!!!!!!!!sigaw ko sa kanya at kinawayan kona rin. Gumanti naman ito ng kaway at ngumiti ng tidip sabay pasok na sa tinutuloyan nito.. 15minutes ang binyahe ko papunta dito sa condo ni Mr Bwesit. Nag taxi ako para mabilis dahil yung mga jeep na pumapasada naghihintay pa ng mapuno eh baka tang haliin pa ako dahil 9:00AM na. Nandito ako ngayon sa may lobby ng building lumapit ako sa dalawang babae na empleyado dito sa DG's Condominium. Mga naka uniform ito ng kulay black dress na hipit sa katawan nila at hanggang hita naka stockings din sila ng kulay itim at naka heels naka Professional nila tigan... "Excuse me miss".. Sabi ko sa isang babae na abala sa pagtingin sa logbook.. "Yes ma'am what can i do for you?" tanong nito sa akin... "Ah..eh. M..Miss anong Room ni Mr De Guzman man pinapa punta kasi nya ako dito".. Paputol putol na tanong ko sa kausap ko. "Whats name again ma'am?".. Tanong nito na parang di makapaniwala sa tinanong ko sa kanya. "Si Mr Gavin De Guzman miss".. Ulit ko sa kanya. Na parang nag aalin langan na sumagot sa akin. Na parang di naniniwala na sa akin"... "wait ma'am i will call my boss to ask if there is a guest on what is expected today. What is your name ma'am?"tanong nito sa akin... "Ella Akatam"...Sabi ko. (Tsss ayaw talaga maniwala ng babaeng to. Sabagay sino ba naman kasi ang maniniwala na ako pinapapunta ng isang Gavin De Guzman sa condo nya. Bulong ko sa aking sarili) Hello Boss Someone is looking for you here in lobby. Pinapa punta daw nyo poh sya sa condo nyo? His name is Ella Akatam...Rinig kung sabi ng babae sa kausap nya sa Telephone... Maya maya pa lumapit ito sa akin. "Ma'am pwde na daw poh kayo pumunta nasa 13floor poh".. Wika nito. "Sa pinaka taas miss?" Gulat na tanong ko sa kaniya. "Yes poh ma'am".. Tugon naman nito. "Okey thank you miss".. Wika ko at naglakad na ako papunta sa may elevator. (Grabi nasa pinaka Toktok ang Tinutuloyan nya bulong ko sa aking sarili) Pagka dating ko 13floor ay nagtaka ako kung bakit walang hallway para sa mga room. Ang nakita ko lang ay nag iisang pinti sa Gitna ta sa may sulok ay may hagdan paakyat siguro ay hagdan yun papunta sa rooftop ng building na ito. Lumapit ako sa pinto at nag doorbell hindi na ako nag alin langan na mag doorbell dahil nakita ko sa may pinto na naka guhit ang pangalan na GAVIN DE GUZMAN ang ganda pa ng pagkaka guhit. DING DONG DING DONG DING DONG "Pambihira bakit naman ang tagal buksan? Naiinip na bulong ko... Maya maya pa ay bumukas na ang pinto. Niluwa ng pinto ang isang lalaking naka balot lamang ng towel sa babang bahagi ng katawan nito at kitang kita ang ko tuloy ang maganda nitong katawan na may anim na pandisal mukhang bagong ligo lang ito dahil basa pa ang buhok...bigla akong lumingon sa kaliwang bahagi para iiwas ang tingin ko. Nahagilap pa ng mata ko na ngumisi ito sa pag iwas ko ng tingin sa kanya. "Your here My slave TIBO. Akala ko hindi kana tutupad sa napag usapan natin. Akala ko mag papatawag na ako ng pulis para puntahan ka sa inyo at huliin".. Wika nito sa akin (ang aga aga lakas maka bwesit ng lalaking to. Bulong sa sarili ko) "Wag ka mag alala Mr Bwesit i mean Mr De Guzman. Marunong ako tumupad sa usapan at lalong alam magbayad ng utang.. Wika ko sa kanya. Habang nasa kaliwa bahagi parin ang tingin ko.. "Look at me when i talk to you"... Wika nito sa akin. Kaya humarap ako sa kanya at buong tapang na tinignan ko sya sa mata. "Sa susunod kasi Mr De Guzman bago ka mag bukas ng pinto mo sa kumakatok ay mag bihis ka muna kung ayaw mong kausapin ka ng naka talikod".. Deretsong wika ko sa kanya habang hindi parin inaalis ang tingin ko sa mata nya kaya ang nangyari eye to eye kami... "Bakit naiilang kaba pag ganito yung kaharap mo?" wika nito at tumingin pa sa sariling katawan bago bumalik ang tingin sa akin... "Hindi. Bakit ako maiilang? Wala akong pakialam sa katawan mo Mr De Guzman. KAYA TABI".. Asik ko sa kanya at tinulak kopa ng kunti ang dibdib nya para maka pasok ako sa loob dahil kanina pa kami naka tayo sa my pintuan. (in fairness ang tigas ng dibdib nya F**K bakit mo naman na pansin pa yun ell? Bulong ko sa aking sarili) "Feel at home?" wika nito kaya tumingin ako sa kanya. "Ohh bakit? pinapunta mo ako dito diba? Alanganin naman na sa labas lang ako! " Fine maupo ka muna kung gusto mo ng maiinom o ng pagkain pumunta ka sa kusina. Magbibihis lang ako. Wika nito... at umakyat na ito sa may hagdan na di naman masyado ka taasan Tanaw dito sa baba na may apat na kwarto dalawa sa Ginta at mag tig isang pinto sa Dulo. Habang hinihintay ko si Mr Bwesit sa ay naisipan kong libotan ang tinutuloyan nito. Kaya pala nandito sa last floor ang bahay nya dahil buong floor na ito ay sa kanya lang. Una kung pinuntahan ang kusina ang ganda ganda kulay grey ang mamga caben at kumpleto sa lahat ng gamit mya coffee machine pa at halos lahat din ng pagkain ata ay nandon na. At punong puno din ng laman ang malaking ref sa gitna naman ang table na tama lang ang laki. Pagka tapos ko sa kusina may nakita akong pinto sa may di kalayuan sa baba ng hadgan sa may right side pinasok ko yun at bumungad sa akin ang Malaking Gym nandon lahat ang gamit pang exercise. Kaya naman pala maganda ang katawan ni Mr Bwesit. Sa loob ng Gym na yun ay meron sa harap na dalawang pinto una kung pinasok ang nasa kanan banda na pinto. Napanganga ako ng. Makita ko na basketball courts yun na may tamang laki lang (WOW) at sa my right side naman ay may billiards at target sa may sulok. Lumabas na ako para tignan naman kung ano ang nasa left door buti nalang at puro mga naka bukas. Pagka pasok ko ay bumungad sa akin ang mga instruments pang music. May guitar piano at kung ano ano pa. Matapos ko yun ay lumabas na ako. Akala ko ay bumaba na si Mr bwesit pero wala parin ito (Ang tagal ahh nag mamake up pa ata ahh. Bulong ko sa aking sarili) Dahil wala pa sya ay pinuntahan ko ang pinto sa may kaliwa dahil yun nalang ata ang hindi ko pa nasisilip. Pag ka bukas ko ay bumulaga sa akin ang napaka lawak na swimming pool may nga ilang circle table din na may tig tatlong upuan. sa kanan bahagi naman ay may dalawang malalaking payong na meron tig dalawang higaan na may table na maliit sa gitna. Napanisin ko rin sa taas na may dalawang malaking bintana na pwding tambayan para matanaw ang swimming pool may table din at upuan nakikita kasi mula dito sa baba dahil glass wall kaya tanaw na tanaw parehong style din sa isang bintana. Bintana siguro yun ng dalawang kwarto sa taas. Hindi mo iisipin na isang condo lang ito dahil parang nasa bahay kalang talaga pag nasa loob kana. (Grabi kaya pala sya binansagan na billionaire. Bulong ko sa aking sarili
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD