Episode 23

1466 Words
Ella's POV KRING KRING KRING Nagising ako sa alarm clock na nasa may maliit na table sa may tabi lng ng ulo ko. kaya unabot ko yun para patayin. umupo ako tinignan kung anong oras na sakto 8:30am. bumangon ako at pumunta na sa banyo para maligo na sosyal din talaga pati ang banyo dahil may bathtub pa. halos kumpleto din sa gamit pang shower at mukhang mamahalin pa lahat dahil sobrang bango. pagkatapos kung maligo ay nagbihis na kaagad ako dinala kona kasi sa may banyo ang susuotin ko. ganon kasi ako nasanay. sa banyo na nagbibihis. lumabas na ako ng banyo at nagpupunas na ako ng basa kung buhok napa gawi ang tingin ko sa may dressing room. hindi kopa kasi nasisilip yun. kagabi kasi pagka akyat ko naligo na ako kaagad at nagpahinga na badtrip kasi ako sa mga pinagsasabi ni Boss Gavin. pumusok ako ng dressing room nagulat ako dahil kumpleto sa ang gamit don pabango/make up at iba pang gamit pampa ganda. binuksan korin ang lalagyan ng damit nagulat ako ng makita kung ang daming dress at ibat iba ang kulay baba nito at ay mga sapatos at high hells siguro ay mga 3 to 5 inches my mga flat sandals din. (sino kaya ang tumuloy dito bakit ang daming gamit pambabae?...bulong ko sa aking sarili) siguro ay kung nagsusuot ako ng dress at saktong sakto sa akin ang mga dress na nasa harap ko. kaso hindi naman ako nag susuot ng ganitong damit pagkaka alala ko 6 years old lang ako nong huli akong magsuot ng pambabaeng damit pagpatak ko ng 7 years old ganito na ako. karamihin sa dress ay hanggang taas siguro ng tuhod. meron din naman mga long dress pero iilan lang. pagka tapos ko tignan ang mga gamit don ay lumabas na ako don at sinira ng maayos ang pinto. pansin korin na may susi rin sa may pinto kayo nilock ko nalang dahil wala naman ako balak pasokin o pakialaman ang mga gamit na nandon. bakit ko naman pakikialaman eh ni isa don hindi ko naman inaapply sa sarili ko. Matapos kung patuyuin ang buhok ko itinali kona ito ng mahigpit at kinuha ang sumbrero ko. paglabas ko ay dumeretso na ako ng kusina para magluto ng breakfast namin ni Boss Gavin. as usual ganon parin ang lulutuin ko Pancake/french toast/Egg/Hotdog at ang fried rice ko. Patapos na ako sa paghahanda ng nakita kung pababa na ng hagdan si Boss Gavin. hindi ko nalang ito pinansin nilagyan kona rin ang plato nito ng pagkain at ako ay naupo narin. habang kumakain kami ay naisipan kung magpaalam sa kanya dahil bibili ako ng Pambansang Ulam na nakasanayan ko. "Boss lalabas ako mamaya huh pag katapos ko maglinis sa taas!"...paalam ko kay boss. "And where are you going?"...tanong ni boss ng hindi man lang ako tinignan at naka fucos lang sa pagkain nya. "May bibilhin lang ako sa labas boss saglit lang naman yun. wag ka mag alala dahil bago ako aalis ay tataposin ko ang trabaho ko sa bahay"..wika ko. "Okey make sure na babalik ka or else____" "Hep..hep..hep..hep wag mo ng ituloy yang or else mo lagi nalang kasi kababoyan ang kasunod nyan eh. basta babalik ako okey wag ka mag alala hindi ako tatakas"... wika ko sa kanya habang tinaas kopa ang kamay ko na may kutsara sa tapat nya. "Okey Good"...tipid na wika ni boss (himala hindi sya kumontra akala ko magtatalo na naman kami ng matagal tapos ang ending magkaka badtripan dahil masyadong mahalay ang bibig... bulong ko sa aking sarili) Habang kumain kami ay tumonog ang message tone ng cellphone ko sa may bulsa ko. dali dali ko naman kinuha yun para tignan. napa ngisi nalang ako ng makita kung sunod sunod ang message ng mga barkada ko sa Group chat namin. (Group Chat) Gab-mga dude what's up??? Jay-Tsss Gab-Hayop ka Jay. Sam-Hahaha Jass-anong meron at nag iingay ka Dude Gab? Gab-Namiss ko kasi sila Dude Ell punta tayo sa kanya mamaya! Ell-teka teka Ano na naman kalokohan ang naiisip mo Gab? Napapangisi nalang ako habang nagbabasa sa mga chatbox namin. Jay-ako ayos lang pumunta kay Ell wala naman gagawin eh. Gab-emoji clap Sam-emoji clap Jass-Emoji clap hanggang sa Group chat pag umiimik si Jay pumapalakpak ang mga Gag* HAHAHA. Ell-sige punta kayo dito mga 11:30 mamaya! sakto kasi may bibilhin ako sa palengke samahan nyo nalang ako. Jass-Yun sakto kulang narin ako sa gamit sa kusina kailagan ng mag grocery Gab-Dito rin paubos narin nauubos kasi agad ng magaling kung ama sa pulotan sa kakainom nya gabi gabi. Sam-Game ako na magdadala ng saskyan daanan ko kayo jn tenement mga dude. Gab-ay salamat nakapag isip din ng maayos si sam HAHAHA. Sam-F**k you Gab Ell-ohh sya kita kita nalang mamaya taposin kolang ang gagawin ko dito sa bahay ng magaling ko boss. Jass-Okey See yah mga dude. Gab-See yah Loves dude Ell! Ell-Middle finger emoji? Pagkatapos ko replayan ang mga barkada ko sa Group chat bumalik ako sa pagkain ko napapangisi ako dahil makikita ko mamaya ang mga sira ulo kung mga kaibigan. napa tingin ako kay boss Gavin na titig na titig sa akin at parang igting ang panga. (ano na naman problema ng taong to? bulong ko sa aking sarili) "Boss may problema ba?"...Tanong ko sa kanya pero hindi naman sumagot at binalik ang tingin sa pagkain nya. Ng matapos kaming kumain ni Boss ay nagmadali na ako sa Trabaho ko. si boss naman ay umakyat sa taas pero hindi ito tumuloy sa kwarto nya. pumasok sya sa may left door ang alam ko library ang room na yun. nilinisan ko muna ang kusina bago umakyat. pupuntaha ko muna si boss para ipaalam sa kanya na maglilinis ako ng kwarto nya. TOK TOK TOK Katok ko sa pinto. maya maya pa ay pinag buksan na nya ako. "what?"...tanong nya. "Ahh boss maglilinis na ako ng kwarto nyo itatanong kolang kung pwde na ako pumunta don?" wika ko sa kanya. "Go ahead"...wika nito sabay sarado sa pinto ng malakas. (Kita mo tong tao na to napaka bastos sarap hambalusin eh...bulong ko sa aking sarili) Nagmadali na akong pumasok sa kwarto nya para matapos ko kaagad ang trabaho ko dahil 11:30 ang usapan namin ng barkada ko. dadaanan nila ako dito mamaya. pagpasok ko sa loob ay nilibot ko kaagad ang mata ko sa buong kwarto nya. maganda ang room ni Boss Gavin mas malaki ng kunti ang room nya kesa don sa room na pinagamit nya sa akin. amoy na amoy ko ang panlalaking amoy ng kwarto ni boss. kinuha ko muna ang mga damit na nasa sulok ito marahil ang mga maduduming damit ni Boss medjo marami kasi puno pa ang basket eh. saka kona lalabhan pag kauwi ko galing palengke. pagka tapos kung ilabas ang mga damit na lalabhan ko mamaya ay nag nagsimula narin akong malinis sa buong kwarto ni boss. ng matapos ako sa kwarto ni boss Gavin ay sinunod ko naman ang isa pang kwarto na nsa dulo. pagka pasok ko ay nagulat ako dahil puro G's Wine ang nandon naka palibot sa buong kwarto meron din black table sa gitna at my office boss chair na kulay itim din. sa may tabi ng pintuan ay may sofa na hindi naman kalakihan. akala ko kwarto parin ito ng tulogan. sinarado kona nalang uli ang pintuan nakakatakot maglinis don at baka maka basag pa ako ng isang bote ng wine na nandon. putik umaabot paman din ng isang milyon ang kada isang bote ng G's wine. sakto 11:25am natapos kona ang lahat ng gagawin ko. dahil kwarto lang ni boss Gavin ang ang nilinis ko hindi ko naman malinis yung library room dahil nandon parin sya. dahil wala naman akong ibang gagawin nilabhan ko nalang yung mga damit nya pati yung sapin ng kama at sapin ng unan nya nilabhan kona rin iba kasi ang amoy. mamayang gabi ko nalang bibihisan ang kama nya pag natuyo na ang mga nilabhan ko. wala kasi ako makita na extra na pampalit kaya hintayin ko nlng matuyo ang nilabhan ko. nasa kwarto ako ngayon at nagpalit ako ng damit at naligo narin ng mabilis dahil maya maya lang nandon narin ang mga barkada ko sa baba nitong buliding. pagka labas ko ng kwarto sakto naman paglabas ni Boss Gavin sa may library nya. "Boss alis na poh ako mga 30minutes nandito narin ako"..wika ko kay boss. "Okey"...maikling sagot nya. (Ang suplado talaga minsan. ayy hindi pala minsan palagi Tsss...bulong ko sa aking sarili.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD