HAYA'S POV
Pagkatapos ng birthday celebration ni Kuya Duke ay hindi ko na maialis sa isip ko ang bestfriend niya. Hindi dahil sa may interes ako doon or what pero naaalala ko pa rin ang mga titig niya sa akin at sa katawan kong para na akong huhubaran kung sipatin niya.
Halata naman sa itsura nun na may pagka badboy rin siya.
Sa laki ng katawan niya ay sobrang maiintimidate ka talaga. Plus iyong mga tattoo pa niya sa braso na para bang sinakop na ng ink iyon. Isa pa ay napakamanyakis rin niya. Sa edad kong ito ay tititigan niya ako ng ganon? Pwede ko na nga siyang kasuhan ng s****l harassment sa ginagawa niya, e.
Natigil lang ako sa pag-iisip ko nang hindi ko namamalayan na nasa harapan ko na pala si King Argonza na isa sa mga sikat at gwapo na Varsity Player dito sa St. Therese kasama ang mga kateammates niyang sina Jerson Lopez at Kyohei Yurishima na isang half Japanese/Filipino.
"Hi, Haya!" bati ni King sa akin. Ngumiti nalang ako ng pilit at nanalangin na sana ay bigla nalang sumulpot out of nowhere ang mga kaibigan/kaklase kong sila Camille, TJ at Yuie para mailayo na ako dito kay King.
Kapag nakita na naman ako ni Evelyn na kasama si King ay sure akong pag-iinitan na naman ako nun at magsusumbong sa kapatid niyang feelingerong manliligaw ko.
"Hi rin. Sige, aalis na ako at dadaan pa ako sa library." pagdadahilan ko at aalis na sana nang hinarangan ni King ang daraaanan ko.
"Wait lang! Pwede ba tayong mag-usap muna? Kahit sandali lang." pakiusap niya.
"Ano namang pag-uusapan natin? Nag-usap na tayo nung isang linggo, King. Hindi pa ako handa sa pakikipagrelasyon kaya tigilan mo na ako. Kilala mo naman si Evelyn Arevalo, 'di ba? Ayon ang ligawan mo at alam kong patay na patay siya sa'yo." nasabi ko na iyon dahil talagang naiinis na ako kay King.
Pabor pa kay Evelyn itong ginagawa ko dahil alam kong patay na patay siya sa lalakeng ito.
"Evelyn Arevalo? The sister of Paolo Arevalo from Southern University?" tanong naman ni Kyohei.
Tumango ako. "Oo, siya nga."
Hindi ba nila kilala si Evelyn? Eh President nga iyon sa fansclub na ginawa ng mga babaeng estudyanteng patay na patay kay King, ah?
"Ah, I saw her sometimes pero hindi ko naman type 'yon. Ikaw ang type ko, Haya." seryoso namang sabi ni King at akmang hahawakan na sana niya ang isang kamay ko nang iniwas ko ito.
Napapikit na ako sa inis. Mabuti nalang talaga at wala pang masyadong mga estudyante ang nakakakita sa amin dahil medyo maaga pa kung hindi panigurado ay ako na naman ang magiging usap-usapan sa buong school.
"King, please stay away from me. M-May boyfriend na rin ako kaya tigilan mo na ako."
Para matahimik na si King at layuan na ako ay nagsinungaling na ako sa kanya. Alam kong bad itong ginagawa ko pero nakakainis na kasi siya. Alam kong hinding-hindi niya rin ako titigilan katulad ni Paolo hangga't wala silang nakikitang magiging dahilan para tigilan na ako.
"What? Who's your boyfriend?" galit na tanong ni King.
Aba at may gana pa siyang magalit ngayon?
"S-Si.." sabi ko at nag-isip kung sino ba ang pwede kong banggitin na boyfriend ko.
"Sino? o baka sinasabi mo lang 'yan para tigilan na kita?" tinaasan ako ng kilay ni King at humalukipkip ito. Natawa sa likuran niya sina Jerson at Kyohei.
"Meron talaga. S-Si K-Kendrick! Oo! Siya nga ang boyfriend ko. Kendrick ang pangalan niya."
Jusko! Sa kakaisip ko kay Kuya Kendrick ay siya na ang nabanggit ko bilang boyfriend ko. Sana lang ay hindi niya ito malaman.
Kumunot ang noo ni King sa sinabi ko at nagtiim-bagang ito. "Who's that guy? Is he also a senior? Sa kabilang school ba 'yan?" sunod-sunod niyang tanong.
"Wala ka na do'n! Ayan at nasagot ko na ang tanong mo. Kendrick ang pangalan ng boyfriend ko kaya please lang King.. stay away from me!" mataray kong sabi at naglakad na papaalis.
"Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa akin, Haya ay malalagot ka talaga sa akin. Boyfriend pala, huh? Lagot sa akin 'yon kapag nakita ko kung sinuman ang Kendrick na 'yan!" rinig ko pang sabi ni King habang patuloy pa rin ako sa paglalakad.
I rolled my eyes at hindi ko maiwasang hindi matawa. Siya pa nga yata ang malalagot kapag nakita niya si Kuya Kendrick. Matangkad at medyo malaki si King pero alam ko na sa isang suntok lang sa kanya ni Kuya Kendrick ay tumba na siya kaagad.
Pagkarating ko sa classroom ay wala pa sina Camille at TJ at si Yuie lang ang nakita ko. Tatlo palang kaming nandito sa classroom kasama si Melvin na Top 2 sa buong klase namin. Nasa sulok ito ng classroom nakaupo habang busy sa pagbabasa ng libro.
"Ang aga mo yata ngayon, Yuie." nakangiting sabi ko at umupo na sa upuan ko.
Ngumiti si Yuie sa akin at inayos nito saglit ang suot niyang salamin. "I went earlier to a faculty. May mga inedit kasi akong papers para sa newspaper ng school natin na ire-release next month. Ikaw ba, bakit ang aga mo?" tanong niya.
"Hindi kasi ako nakakain ng breakfast sa bahay. Wala na namang luto sina Ate at Kuya dahil ginabi na sila nakauwi sa trabaho nila kaya nagdesisyon nalang akong maagang pumasok para kumain sa Cafeteria." sabi ko.
Tumango si Yuie. "Gusto mo bang dalhan kita palagi ng breakfast at lunch para naman may makain ka?" tanong niya.
Umiling ako ng paulit-ulit. "Nako, hindi na, Yuie. Kaya ko namang magluto. Tinamad lang talaga ako kaninang umaga magluto kaya nagdesisyon nalang akong kumain sa Cafeteria." pagtanggi ko.
"I insists, Haya. Ako kaya palagi ang gumagawa ng breakfast para sa mga maliliit kong kapatid na nag-aaral rin. Isasabay nalang kitang gawan para naman matikman mo rin ang luto ko." ngumiti siya sa akin at dahil do'n ay hindi na ako nakatanggi kay Yuie.
I know him very well, he's very persistent at ayaw niyang tinatanggihan siya. Siya rin ang panganay sa kanilang magkakapatid at nakakapag-aral lang ito sa St. Therese dahil sa pagiging topnotcher niya at scholar dito. Hindi sila ganon kayaman pero hindi rin naman sila mahirap.
"Okay." pagsuko ko na ikinangiti pa lalo ni Yuie.
Unti-unting nagsisipagdatingan ang ibang mga kaklase namin including Camille and TJ na nakangisi kaagad pagkakita sa amin. Si Evelyn naman na kadarating lang rin ay inirapan lang ako pero hindi ko nalang siya pinansin.
"Ke aga-aga ay nagsosolo moment na silang dalawa, oh?" panunukso ni Camille habang nakangisi naman si TJ.
Pumula ang mukha naming dalawa ni Yuie pagkasabi ni Camille. "Ayan na naman kayo sa panunukso sa aming dalawa ni Yuie. Ang awkward na sa totoo lang!" sabi ko at inirapan sila.
Tumawa lang ang dalawa doon at umupo na rin sila sa kanya-kanya nilang mga upuan.
Nang muli kong tinignan si Yuie ay namumula na rin ang batok nito habang nakahawak siya doon. Napailing nalang ako hanggang sa dumating na ang teacher namin at nag-umpisa na rin ang klase.
Mabilis na natapos ang isang araw ko sa St. Therese at dismissal na kaya nagkanya-kanya na ulit kaming magkakaibigan sa pag-uwi. Magkakalayo kami ng bahay kaya hindi kami nagkakasabay pauwi. Si Camille ay nagcocommute lang rin katulad ko at kung minsan na hindi busy si Kuya Duke sa trabaho niya ay sinusundo niya si Camille at hinahatid rin ako pauwi sa amin.
Nagcocommute lang ako papunta at pauwi mula dito sa St. Therese dahil wala namang magdadrive sa akin at parehong busy ang parents ko pati na rin sina Ate Tricia at Kuya Riley sa mga trabaho nila. Palagi akong mag-isa sa bahay at hindi naman rin ako mahilig lumabas at maglakwatsa.
Nasa labas na ako ng gate ng St. Therese at naghihintay ng taxi pauwi nang nakita kong papalapit na naman sa akin sila King at ang mga kateammates niya sa basketball.
Mukhang kakatapos lang nilang magpractice sa basketball dahil mukhang mga bagong paligo sila at nakasuot ang mga ito ng Varsity Jacket at jersey shorts with rubber shoes. May nakasukbit rin na mga backpack sa balikat nila.
Hindi maipagkakaila na gwapo at matatangkad sila King, Jerson at Kyohei kaya maraming mga babae ang nahuhumaling sa grupo nila.
"Are you going home, Haya? Ihatid na kita." pangungulit na naman ni King.
"No thanks." sabi ko at hindi nalang siya pinansin habang nakatingin pa rin sa daan at naghihintay ng masasakyan.
"Hindi ba at sabi mo may boyfriend ka? Bakit hindi ka magpasundo sa kanya? Napakawalang kwenta naman niyang boyfriend kung ang girlfriend niya ay pinagcocomute niya pa rin kahit maggagabi na." humarap ako kay King at ngumisi ito sa akin at humalukipkip.
"You're right, King or maybe wala naman talagang boyfriend si Haya at nagkukunwari lang na meron to avoid you?" sabi pa ni Jerson at nginisian rin ako.
Alam pala talaga nilang nagsisinungaling ako at walang boyfriend. Kilala na kasi ako sa buong St. Therese na nire-reject ang lahat ng manliligaw ko at ayaw sa isang commitment. Ang akala ko ay makakalusot ako kay King pero hindi pa pala. Argh!
"So, Where's your Kendrick?" tanong ni Kyohei at mas lalo pang lumiit ang singkit nitong mga mata dahil pinanliitan niya ako ng mga mata.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may humintong itim na kotse sa harapan namin at halos nanlaki ang mga mata ko nang lumabas kung sinuman ang driver ng kotse na iyon.
Si Kuya Kendrick!
Nakasuot ito ng puting v-neck shirt at kitang-kita pa lalo ang maganda niyang pangangatawan at mga tattoo nito sa braso. Nakabrush up ang itim niyang buhok at nakasuot ito ng faded jeans at puting rubber shoes. His handsome face was emphasize with his pointed nose, strong jawline, thick eyebrows and long eyelashes. This guy is a definition of a Greek God look.
Ngumiti si Kuya Kendrick nang makita ako at lumapit siya sa akin pero nawala rin kaagad ang ngiti niyang iyon nang mapatingin siya kila King at sa mga kaibigan nito na gulat na gulat rin nang makita siya.
Hindi hamak na mas malaki nga si Kuya Kendrick kaysa sa kanila. Kayang-kaya niya rin mapatumba ang tatlong ito nang walang kahirap-hirap sa laki ng katawan niya at sa tangkad na rin.
"Here! He's Kendrick. My b-boyfriend." sabi ko at pilit nilalabanan ang nerbiyos ko saka kumapit sa isang braso ni Kuya Kendrick.
Mukhang nagulat si Kuya Kendrick sa sinabi ko at tumingin ito sa akin. Tinignan ko naman siya ng 'makisakay ka nalang sa akin look' at mukhang nagets niya iyon. Nabigla ako nang hinapit niya ang bewang ko at ubod ng tamis na nginitian.
"Yes. I'm Kendrick. Haya's boyfriend. Any problem with that?" malamig na sabi ni Kuya Kendrick na mukhang ikinatakot nina Jerson at Kyohei pero hindi ni King.
"What? You're Haya's boyfriend? Eh mukhang Tatay ka na nga niya kung tutuusin, e." Tumawa ng sarkastiko si King at nakita ko kaagad ang galit na ekspresyon ni Kuya Kendrick.
"I love her and what's wrong if I'm older than her? At least we're so much in love with each other. Why? Are you jealous?" ngumisi si Kuya Kendrick at nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko maiwasang mapamulahan ng mukha.
Hindi nakasagot si King do'n at sumama nalang ang tingin nito kay Kuya Kendrick. Padabog naman itong umalis na kaagad rin sinundan nina Jerson at Kyohei.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag at kaagad lumayo kay Kuya Kendrick na nakahawak pa rin sa bewang ko.
"S-Sorry kung sinabi ko kay King na boyfriend kita, Kuya Kendrick. Ayaw niya kasi akong lubayan, e." sabi ko at hindi magawang tumingin ng diretso sa kanya.
He chuckled. "Its okay, Haya. That guy was nothing and he's no match for you. I came here to fetch you dahil gusto kong mag-usap tayo." seryoso niyang sabi.
"How did you know na dito ako nag-aaral?" tanong ko.
"Duke told me. Tara na, let's get inside in a car at mag-usap tayo." he insists.
Wala naman akong nagawa kundi ang sumakay nalang sa loob ng kotse niya na mukhang kakabili palang. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at sumakay ako sa front seat saka naman siya pumaikot at sumakay sa driver's seat.
Hindi katulad kahapon sa birthday party ni Kuya Duke ay wala na iyong mga malilisyosong tingin ni Kuya Kendrick sa akin. Magaan na ang mga mata nito at nakangiti na para bang masaya siya ngayong araw na ito.
Habang nagdadrive siya ay hindi ko maiwasang hindi titigan ang gwapo niyang mukha. Sigurado ako na marami na itong mga babaeng napaiyak. Marami na rin siguro siyang experience sa buhay at mukhang badboy pa at basagulero. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at isinandal ito sa bintana ng kotse niya.
"Haya, I'm really sorry kung lumabas man akong bastos sa paningin mo kahapon. I really admit you're sexy kaya hindi ko napigilang titigan ka so I'm sorry, at hindi pwede 'yung ginawa ko sa'yo." he apologize while driving.
Nabigla ako sa sinabi ni Kuya Kendrick. Now, he's admitting that he did wrong by lustfully looking at me at nagpunta pa talaga siya dito sa school para lang makausap ako.
I smiled. "Okay lang po 'yon, Kuya Kendrick pero sa susunod ay 'wag niyo na po ulit 'yon gagawin dahil talagang naiilang po ako kapag tinitignan niyo ako ng ganon." pag-amin ko.
"I know, Haya. I did wrong so I want to make it up to you. Where do you want to go?" nakangiti niyang tanong at tumingin ito saglit sa akin.
"Talaga po? Libre niyo?" masaya ko namang tanong. He nodded.
"Pwede po ba tayong pumunta sa amusement park? Gusto ko po kasi sakyan ang lahat ng rides sa Starworld Amusement Park kaso palagi po akong busy sa school at walang nakakasama papunta doon kaya hindi ko po ma-experience iyon." sabi ko at napangiti ng malungkot.
Hindi ko masisisi ang pamilya ko kung palagi silang busy sa work dahil ginagawa lang nila iyon para makapag-aral ako ng mabuti at maibigay ang lahat ng pangangailangan ko pero nalulungkot pa rin ako dahil hindi ko sila nakakasama man lang para pumasyal sa isang theme park o sa iba pang pasyalan.
"Great! I know that amusement park dahil nung high school ako ay nagpupunta kami diyan ni Duke. Don't worry, Haya I will make sure that you will going to enjoy our first bonding as being friends." ngumiti sa akin si Kuya Kendrick kaya hindi ko na rin napigilang ngumiti.
"Okay po. Friends na tayo."
He smiled widely at inabot niya sa akin ang isang kamay niya as a sign of shake hands. Tinanggap ko naman ito at ngumiti ulit.
And this is the first day that Kuya Kendrick was now my friend.