Chapter 1

2343 Words
HAYA'S POV "You turned down my brother again. Ganyan ka na ba kagaling magpaasa at manakit ng tao? Hindi ibig sabihin na gusto ka ng kuya ko ay may karapatan ka nang bastedin siya. Karma will hit you soon, b***h!" Pagkapasok ko pa lang sa classroom namin ay iyon na agad ang bungad sa akin ni Evelyn. I rolled my eyes in irritation at umupo na sa assigned seat ko. Palibhasa kasi ay may gusto siya sa Varsity player ng Basketball Team ng buong St. Therese na si King Argonza kaya todo nalang ang pagpupush niya sa akin sa kuya niyang si Paolo Arevalo na 2nd year college na at nag-aaral sa kabilang school ng St. Therese na Southern University. King Argonza already said that he likes me infront of me at narinig iyon ng lahat ng estudyante dito sa St. Therese kaya ganito na lang kabitter itong si Evelyn na araw-araw nalang akong pinaparinggan at iniinsulto for being 'paasa daw' kahit wala naman akong sinabing ligawan ako ni Paolo. Paolo is handsome, white, tall and very known famous in every girls in our town. May spanish blood sila ni Evelyn kaya mas kapansin-pansin ang itsura niya but I don't like him. Ni hindi ko pa nga gusto ng commitment at hindi ko na kasalanan kung may nanliligaw sa akin kahit hindi naman ako nagbigay ng permiso para gawin nila iyon. It's their choice and not mine. "Evelyn, I don't like your brother, okay? Siya 'tong araw-araw akong sinusundan at pinupuntahan dito sa school natin. Hindi ko na kasalanan kung naghahabol pa rin siya kahit sinabi ko na ng paulit-ulit na ayoko sa kanya." kalmado kong sabi na mas lalo pang ikinainis ni Evelyn. "You! You're such a shameless w***e! Sinabi ni kuya na pinayagan mo daw siyang manligaw sa'yo pero dahil nalaman mo na gusto ka ni King ay siya naman ang tinarget mo. Malandi ka talaga!" gigil na gigil niyang sabi. "What's happening? You're bothering Hyacinth again?" Thanks at dumating na rin sa wakas ang mga kaibigan kong sila Camille, TJ at Yuie. They can save me from Evelyn's bitchyness and bitterness. Hindi nakasagot doon si Evelyn at pasimple nalang niyang inirapan ang tatlong kaibigan ko na lumapit sa pwesto ko at naupo na rin sa mga assigned seats nila na malapit lang sa akin. Umupo si Yuie sa tabi ko dahil katabi ko siya sa upuan while Camille and TJ is in our back. Tiklop si Evelyn lalo na pagdating kay Yuie because Yuie is our Student council president. Gwapo si Yuie, chinito at matangkad, malabo nga lang ang mga mata niya kaya naka eyeglasses ito. He have so many fangirls in our school pero dahil sa pagiging matalino ni Yuie at palagi itong nangunguna sa klase ay medyo ilang rin sa kanya ang ibang mga babae. They think they can't reach Yuie because he's almost a perfect guy. "Next time you insult Haya then let's see each other in Principal's office." seryosong sabi ni Yuie na mas lalo pang ikinatiklop ni Evelyn. "Tsk!" Evelyn said at nagmartsa na ito papalabas ng classroom. "Thank you, Yuie." nakangiting sabi ko. Yuie smiled at me too na dahilan para tuksuhin na naman kami nina Camille at TJ na nasa likuran namin. "Bagay talaga kayong dalawa. Bakit ba hindi nalang maging kayo?" nakangising sabi ni Camille. "Paano magiging sila kung torpe naman 'tong si Yuie?" panggagatong pa ni TJ na bigla namang ikinapula ng mukha ni Yuie at napahawak pa ito sa batok niya na tila nahihiya. "Stop it guys! We're only friends, okay?" sabi ko naman. "Okay!" Nakangisi pa rin'g sabi ni Camille. I look again at Yuie at namumula pa rin ito. "Don't mind them. Nakahiligan na talaga nilang tuksuhin tayo but we're only friends, right?" sabi ko. Yuie nodded. "Y-Yeah, only friends." Umiwas ito ng tingin sa akin pagkatapos ay inabala nalang niya ang sarili sa pagchecheck ng attendance namin. Mabilis natapos ang klase namin ngayong araw kaya nang dismissal na ay sabay-sabay na kaming lumabas ng classroom. May kanya-kanyang lakad sila Camille at TJ kaya nauna na silang umuwi while Yuie will heading to a library dahil may kailangan pa raw siyang aralin at hiraming libro. Maglalakad na sana ako papunta ng Cafeteria para kumain nang may humarang sa dinaraanan ko. It's none other than Paolo na kasama ang kapatid niyang si Evelyn na nakataas ang isang kilay sa akin. "Who's that guy, Haya?" malungkot na sabi ni Paolo na para bang bigong-bigo na siya. Nakita niya siguro kami ni Yuie na magkasama bago ito magpunta ng library. Ayan na naman ang paawa at painosente effect niya. It's irritating! "Do I need to explain to you? Wala tayong koneksyon sa isa't-isa kaya aalis na ako." Maglalakad na sana ako paalis nang hinawakan ni Paolo ang braso ko para patigilin ako. "We've been textmates. MU tayo tapos nakikipag-usap ka pa sa ibang lalake? Hindi mo ba iniisip na nasasaktan mo ako?" sabi niya na nagdadrama na naman. Napahinga ako ng malalim at nakita ko na nagbubulong-bulungan na ang mga estudyante patungkol sa akin. Binansagan na nila akong 'The man's destroyer' dahil sa paulit-ulit kong pambabasted sa mga lalakeng nanliligaw sa akin pero wala na akong pakialam sa iisipin nila. Plus sikat pa si Paolo at may magandang reputasyon sa lahat ay mas lalo lang akong pag-iinitan ng mga estudyante dito. Hinarap ko si Paolo at binigyan siya ng bored look. "Oo, Paolo. Naging textmates tayo but I'm just being friendly. Hindi ko naman alam na may meaning 'yon sa'yo. Ilang days ba tayo naging textmates? It's only a day for sake! at ilang beses ko nang sinabi sa'yong ayokong magpaligaw sa'yo?" sabi ko. "Grabe talaga 'yang si Hyacinth! Masyadong mapanakit!" "Ang kapal naman ng mukha niyang tanggihan si Paolo Arevalo!" "Tinarget nga niya si King pero pinapaasa rin niya." "Maganda kasi kaya ang lakas ng loob mambasted at magpaasa!" Hindi ko pinapansin ang mga pinagsasabi nila patungkol sa akin na wala namang katotohanan. Sanay na sanay na ako sa pambabatikos nila sa akin. Ngiting-ngiti pa ang bruhildang si Evelyn habang naririnig ang pagpaparatang sa akin ng mali ng mga estudyante ng St. Therese. Kainis! Ang sarap niyang kalbuhin! "Bakit? Dahil may iba ka na?" Nangilid na ang mga luha ni Paolo na ikinarita ko pa lalo. Ito namang si Evelyn ay may paghagod pa sa likod ng kuya niyang baliw at may saltik ata sa utak. "Don't be a slut girl! Tignan mo nga ang ginagawa mo sa kuya ko. Hindi naman siya magkakaganito kung hindi mo siya pinaasa. Please, makonsensya ka naman. Huwag kang masyadong makati para sumampa sa ibang lalake!" sabi ni Evelyn dahilan para mas lalo pang magbulong-bulungan ang mga estudyanteng nasa paligid. No. Hindi ako magpapaapekto sa kanila. I just want to be normal student at wala naman akong ginagawang masama pero hindi ko alam kung bakit palagi nalang akong napag-uusapan dito sa St. Therese. Kadalasan ay lumalapit pa sa akin ang mga gwapo at sikat sa school na ito na manliligaw daw sa akin o hindi kaya ay sa kabilang school including Paolo but I didn't wish to get their attention. Hindi ko na kasalanan iyon. Sabi nga ni Camille ay maganda raw ako at mukha raw akong manika. At my age of 18 ay nasanay na ako sa papuri dahil sa itsura ko. I'm thankful for that but I don't want to boost myself dahil lang sa itsura ko. Nalahian lang naman ako ng pagiging Russian/British ni Mom kaya medyo kakaiba ang itsura ko kumpara sa ibang Pilipino dito sa Pilipinas. "Hindi ako sumasampa sa ibang lalake, Evelyn. Sabihin mo dyan sa kuya mo na tigilan na niya ako!" hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Doon na tuluyang nagalit si Evelyn at sinabunutan na ako. Hindi naman ako nagpatalo at sinabunutan ko rin siya. Si Paolo naman ay hindi man lang kami magawang awatin habang nakatingin na ito ng masama sa akin. "Malandi ka! Layuan mo si King!" sigaw ni Evelyn habang patuloy pa rin siya sa pananabunot sa akin. Sinabunutan ko rin siya at ubod ng lakas na hiniga sa sahig at umibabaw sa kanya. Hindi kami inaawat ng mga estudyanteng nakikiusyoso sa amin at mukhang tuwang-tuwa pa sila sa nakikita nilang gulo. "Una sa lahat, hindi ko nilandi si King. Hindi ko na kasalanan kung mas maganda ako kaysa sa'yo kaya siya nagkagusto sa akin!" Sabi ko naman at kinalmot siya sa braso na ikinahiyaw niya sa sakit. Pawis na pawis na kami at gulo-gulo na rin ang ayos ng mga damit namin. Napasinghap pa ako nang naglaglagan ang butones ng uniform ko sa kwelyo sa paghatak ni Evelyn kaya nakikita na ng ibang estudyante ang bra at cleavage ko. May narinig pa akong sumipol habang nagsasabunutan pa rin kami ni Evelyn. "Ang sexy talaga ni Haya, dude!" "Hindi na rin lugi si King sa girlfriend niya." "Tama ka dyan, pre! Sana may ganyan rin ako kaganda at kasexy na girlfriend." Ano daw? Kailan ko pa naging girlfriend ni King? "Evelyn, stop it." Kunwari pang concern na sabi ni Paolo. May pagsuway pang nalalaman si Paolo pero hindi man lang niya kami magawang awatin ni Evelyn? Ganyan na ba talaga siya kabitter dahil binasted ko siya? Natigil lang kami sa pagsasabunutan ni Evelyn nang may humila sa braso ko at kaagad akong itinago nito sa likuran niya. Nagulat ako nang makita si Kuya Duke. Ang nakatatandang kapatid ni Camille! Napatulala ang mga estudyanteng nakikiusyoso pagkakita nila kay Kuya Duke. Sino ba naman ang hindi mapapansin ang mala Greek-God niyang itsura? Malaking tao si Kuya Duke, gwapo, macho at matangkad pa. Pwede na nga itong magmodel dahil na rin sa height niya. Hindi niya kamukha si Camille pero mapapansin pa rin naman na magkapatid sila dahil pareho sila ng kulay ng mga mata. "K-Kuya Duke..." halos pabulong kong sabi. Sinapo naman niya ang mukha ko at inayos ang nagulo kong buhok. He also took his coat na suot niya at isinuot ito sa akin. "Your lips are bleeding." sabi niya kaya napakapa ako sa labi ko at nagdudugo na nga ito. Bumaling si Kuya Duke kina Evelyn at Paolo na sobrang sama na rin ng tingin sa kanya. "You!" turo ni Kuya Duke kay Paolo. "Bakit hindi mo man lang sila inaawat? Lalake ka at mukhang kapatid mo pa 'yang kasama mo. Do you think that girls are good to fight?" mariing sabi ni Kuya Duke kay Paolo na hindi na nagawang makapagsalita at nananatili pa rin ang matatalim na titig nito sa kanya. "Kung mangyayari ulit 'to ay talagang ipapasara ko na 'tong buong school niyo. Let's go, Haya." sabi ni Kuya Duke at kaagad na niya akong hinila papaalis. Nakarating kami sa Clinic ng school at doon ay pina-assists na niya ako sa isang nurse para gamutin ang sugat ko sa labi. Nang matapos na akong gamutin ng nurse ay tumabi sa akin si Kuya Duke at hinaplos-haplos nito ang buhok ko. "Do you feel well now?" Tumango ako saka ngumiti. "Thank you for helping me, Kuya Duke. Why are you here pala? Nakauwi na ng maaga si Camille ah?" tanong ko. "I went to Principal's office para ibigay ang donation ni Mom sa next project ng St. Therese." sabi niya. Tumango ako at hindi na nakapagsalita pa. Camille's family are very rich. Kayang-kaya nga nilang bilhin itong buong school kung gugustuhin nila pero instead ay nagdodonate pa sila para mas mapaganda at mapaayos ang school namin. Likas talagang mababait ang mga Melendrez kaya ganon rin kabait sina Kuya Duke at Camille. "Ahm.. Haya if you like, would you want to go to my birthday party tomorrow? Gusto ko kasi na nandoon ka, e. Susunduin ko kayo ni Camille bukas dito sa St. Therese after ng klase niyo." He gestured a praying sign kaya mas lalo lang akong natawa sa ginawa ni Kuya Duke. He's 10 years older than me and he treats me like his own little sister kaya parang kuya na rin ang turing ko sa kanya. "Matatanggihan ba kita, Kuya Duke eh malakas ka sa 'kin, e!" nakangiting sabi ko. Ginulo niya naman ang buhok ko at zinipper nito ang coat niyang nakasuot pa rin sa akin. "That's why you're my favorite girl. By the way, dadating na bukas ang bestfriend kong galing sa amerika. I want you to meet him." Kuya Duke said. Tumango na lang ako bilang sagot. Medyo naiilang ako dahil nakatitig lang sa akin si Kuya Duke pero di kalaunan ay umiwas na ito ng tingin sa akin nang marealize niya ang pagtitig na ginagawa niya. "Sorry for staring you, Haya. Para kasi akong nakakakita ng anghel kapag nasa harapan kita." he's massaging his nape at hindi pa rin ako magawang tignan ng diretso. Natawa ako ng mahina. "Ang galing mo pa rin talagang mambola pagdating sa akin, Kuya Duke." sabi ko na ikinalingon niya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang isang kamay ko. "I know everyone in this school are insecure with you because of your kindness and beauty but don't worry, I will protect you from them." Hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi ni Kuya Duke. The reason why I don't have any crushes or hindi ako nagpapaligaw sa iba ay dahil may crush ako kay Kuya Duke. Crush lang naman e, at hindi naman ako nangangarap na maging kami dahil sa laki ng age gap namin at hindi pa ako successful sa buhay hindi katulad niya. Pero kung dumating man 'yung time na pwedeng maging kami, why not 'di ba? Kuya Duke is perfect guy and I admire him too for being kind and sweet to me. "T-Thank you, Kuya Duke." nahihiyang sabi ko. "Don't forget my birthday party tomorrow. Your presence is enough for me." seryosong sabi niya. Hindi ko mapigilang mamula sa sinabi niya. I'm sure na magiging masaya ako bukas sa birthday party ni Kuya Duke. Ipapakilala pa niya ako sa bestfriend niyang galing sa amerika. Am I special to him kaya niya ako ipapakilala sa bestfriend niya? I'm so excited and happy for tomorrow!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD