HAYA'S POV
Pagkapasok ko sa 7/11 store ay nakita ko si Yuie at ang mga kapatid niya sa isang table. Kumakain ang mga kapatid niya habang siya naman ay nakatanaw lang sa glass window ng store at mukhang malalim ang iniisip.
Pagkalapit ko sa kanila ay tumayo si Yuie mula sa pagkakaupo habang ang mga kapatid naman niya ay nginitian at binati ako.
"Haya, salamat at dumating ka." nakangiting sabi ni Yuie at napansin ko ang iilang sugat sa braso niya maging pati na rin si Shirley na busy sa pagkain ng cup noodles.
"Sinasaktan na naman ba kayo ng Mama niyo, Yuie?" nag-aalala kong tanong at umupo sa isang bakanteng upuan na nasa tabi ni Yana.
Bumalik mula sa pagkakaupo si Yuie at malungkot itong tumango. "Naabutan ko kanina si Mama na sinasaktan si Shirley. Haya, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Mama. Pati ang mga kapatid ko ay nadadamay sa galit ni Mama dahil sa pag-iwan sa amin ni Papa." bumuntong-hininga siya at tinitigan ang mga kapatid niyang kumakain.
Naaawa ako sa sitwasyon ngayon nila Yuie at ng mga kapatid niya. Alam kong lulong sa bisyo at sugal si Tita Aurora at napapabayaan na rin nito sila Yuie. Si Yuie na rin ang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Sumasideline ito sa St. Therese bilang librarian at kung minsan ay binabayaran rin siya ng faculty para sa mga pinapagawang plans and projects sa kanya ng school namin.
May kaya sa buhay sila Yuie pero nauubos na rin ang pera nila dahil sa walang tigil na pagsusugal at bisyo ni Tita Aurora.
"Sa amin muna kayo ulit makituloy. Wala naman sa bahay ang pamilya ko at baka bukas na sila ng gabi makauwi." sabi ko.
"Salamat talaga sa tulong mo, Haya. Ayoko rin talagang umuwi muna kami sa bahay dahil baka pagbuhatan na naman ng kamay ni Mama ang mga kapatid ko. Bukas nalang kami uuwi kapag kumalma na siya." pasasalamat ni Yuie.
"Wala 'yon, Yuie. You're my friend at kapag may problema ka ay tawagan mo lang ako." I said.
Mas lalong napangiti si Yuie sa sinabi ko. Dahil napansin ko naman na konti lang ang kinakain ng mga kapatid niya ay niyaya ko silang kumain sa Jollibee at ililibre ko sila since gutom na rin naman ako at hindi pa ako kumakain ng dinner sa bahay.
Tumanggi pa si Yuie nung una na ilibre ko sila pero sa huli ay napapayag ko na rin siya. Pinaorder ko sila ng gusto nilang meal at kita ko ang tuwa sa mukha ng mga kapatid ni Yuie na nakakain sila ng masarap na pagkain. Pagkatapos naming kumain sa Jollibee ay sumakay na kami ng taxi papunta sa bahay namin. Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami.
Sa guest room ko na muna pinatuloy sila Yuie at dahil malaki rin naman iyon at may dalawang malaking kama sa kwarto ay doon na muna sila pansamantalang matutulog. Kumpleto na rin iyon dahil may cr at bathroom sa loob nun na pwede nilang gamitin.
Sinilip ko sina Yuie sa loob ng guest room saka lumapit ako sa kanila para gamutin ang mga sugat nila sa katawan ni Shirley dala ang hawak kong first aid kit.
Umupo ako sa kama kung saan nakaupo rin doon si Shirley at inisa-isa ko ang paggamot ng mga sugat niya sa braso, paa at mga hita niya. Nang matapos na ako ay sinunod ko naman si Yuie. Dinampian ko ng bulak na may betadine ang ilang sugat sa parte ng braso at binti niya.
I feel he's staring at me habang ginagawa ko iyon but I chose to ignore it. When I finished doing that ay tumayo na ako at napansin ko na nakatulog na ang mga kapatid niya sa kama.
Tinignan ko ang oras sa suot kong wristwatch at alas 10 na pala ng gabi. Lumabas muna kami ni Yuie sa guest room at nagpunta sa living room.
"Salamat talaga sa lahat ng tulong mo sa amin, Haya. Kung wala ka ay baka hindi ko kayanin ang lahat ng 'to. Masyado pa akong bata para pasanin lahat ng responsibilad ng mga magulang ko pero wala akong magawa dahil ayoko rin'g pabayaan ang mga kapatid ko." malungkot na sabi ni Yuie at niyakap niya ako.
Niyakap ko rin siya pabalik at ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na nararanasan niya ngayon.
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan siya ng mariin. "You're the best kuya sa mga kapatid mo, Yuie at mas lalo pa kitang hinahangaan dahil do'n. I treat you as my brother too at hangga't kaya ko ay tutulungan ko kayo sa lahat." nakangiting sabi ko.
Napatitig sa akin si Yuie at napahinto ako nang bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. I can see some tears on his eyes behind his eyeglasses. "I never thought that you're the only one who I can stand on. Kung mawawala ka sa akin ay hindi ko kakayanin 'yon, Haya. Ikaw lang ang taong nagmamalasakit at tumutulong sa akin para magpatuloy pa rin sa buhay ko. Don't leave me, Haya because I don't want to let you go." seryoso niyang sabi.
Tumango ako at umiwas ng tingin sa kanya. Napabitaw siya sa pagkakahawak sa pisngi ko at umiwas rin ng tingin sa akin.
"I'm sorry," he apologized.
"It's okay."
Biglang nagring ang cellphone na nasa bulsa ng suot kong skirt. Tinignan ko ang tumatawag at napangiti ako nang makita kong si Kuya Kendrick ito. Kaagad ko itong sinagot habang nakikita ng peripheral vision ko na nakatingin lang sa akin si Yuie.
"Hello, Kuya Kendrick? Bakit napatawag ka po?" tanong ko.
[I just want to check you kung okay ka lang ba. I'm here at the gym. Kakatapos ko lang mag workout at pauwi na rin ako.] sagot niya sa kabilang linya.
Mas lalo akong kinilig sa sinabi niya at napakagat-labi nalang. I feel special dahil ina-update ako ni Kuya Kendrick sa mga ginagawa niya sa buhay niya.
"Gano'n po ba? Mag-iingat po kayo sa pag-uwi. Nandito na po ako sa bahay at maayos lang naman po ako." sabi ko.
Nang saglit akong mapatingin kay Yuie ay tahimik lang ito at napansin ko na nakatiim-bagang siya.
[It's good to hear that. If you don't mind kung puntahan kita diyan ngayon? Wala naman kasi akong magawa ngayon at gusto lang kitang makita.] sabi niya.
Kung pwede lang sumigaw dahil sa kilig ay kanina ko pa ginawa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Magkaibigan lang kami ni Kuya Kendrick at hanggang doon lang dapat ang maramdaman ko. Tama! Hanggang ganon lang dapat.
"Ahm.. sige po. Hihintayin po kita ngayon dito." nakangiti kong sagot.
[Thank you, Haya. I'll go to shower muna then I'll text you nalang kapag nakarating na ako diyan.]
"Okay po."
[Okay. See you later.]
Pagkatapos naming mag-usap sa phone ni Kuya Kendrick ay hindi ko na maialis ang mga ngiti ko sa labi. Saka ko lang ulit napansin si Yuie na kanina pa tahimik at sa ibang direksyon na nakatingin.
"P-Pupunta dito 'yung lalakeng nagpanggap bilang boyfriend mo kay King na bestfriend ni Kuya Duke?" tanong ni Yuie saka siya muling tumingin sa akin.
Tumango ako. "Ah oo, Yuie. Magkaibigan na rin naman kami ni Kuya Kendrick dahil mabait siya sa akin. Gusto mo rin ba siyang makita para ipakilala kita sa kanya?" sabi ko.
Yuie shake his head at tumayo na ito. "Next time na lang siguro. Sige, maiwan na kita at matutulog na rin ako para bantayan ang mga kapatid ko. Goodnight, Haya." sabi niya at hindi na siya nag-abalang tumingin sa akin hanggang sa makaalis na siya.
I have a feeling na mukhang nagseselos si Yuie dahil may bago na akong kaibigan. I need to talk to him tomorrow para linawin sa kanya na hindi ko naman siya ipagpapalit bilang isa na rin sa mga best of friends ko.
Pagkatapos ng isang oras ay nagtext na sa akin si Kuya Kendrick at sinabi niyang nasa labas na siya ng bahay namin. I confirmed na nandoon na nga siya dahil narinig ko ang pagbusina ng kotse niya. Okay lang naman siguro 'tong suot kong t-shirt na kulay pula na medyo mababa ang neck cleavage at black skirt? Hindi na rin ako nag-abala sa mukha ko at nagpulbo at liptint nalang.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko kaagad si Kuya Kendrick sa tapat ng gate namin. He's wearing a white t-shirt emphasizing tattoos in his neck and broad shoulders, and faded jeans with rubber shoes and rolex on his left hand. Basa pa ang buhok nito na halatang kakaligo lang. He smells so good. May dala rin siyang dalawang boxes ng pizza.
Ang gwapo niya sa itsura niya ngayon at iniwasan kong hindi matulala sa kanya. Kaagad ko siyang pinapasok sa loob ng bahay at inayang pumunta sa living room namin.
Pagkalapag ni Kuya Kendrick ng dala niyang boxes ng pizza sa lamesa ay pinaupo ko siya sa couch at tumabi naman ako sa kanya.
Napansin ko naman na kanina pa siya napapalunok at iniiwasang tignan ang suot ko.
Doon ko lang napansin na masyado ngang nakikita ang dibdib ko sa suot kong damit na mababa ang neck cleavage. Magsasalita na sana ako nang ngumiti siya at tumingin na ng diretso sa akin.
"How's your day so far, my little girl?" he asked.
"Okay naman po. Sa inyo po ba?" nahihiya kong tanong. Medyo naiintimidate pa rin kasi ako kay Kuya Kendrick.
"Boring as usual. Nag-gym lang ako magdamag at dahil sinabi mong hindi na ako mambababae ay hindi ko na 'yon ginagawa kahit tigang na tigang na ak- ah s**t! I'm sorry." bigla siyang napaiwas ng tingin sa akin nang marealize niya ang huling sinabi niya at hindi ko naman maiwasang hindi matawa.
"I understand po, Kuya Kendrick. Lalake po kayo at hindi maiiwasang hindi niyo hanapin ang... alam niyo na." uminit ang pisngi ko sa sinabi ko at siya naman ang tumawa do'n.
"You're very matured at your age, Haya. Don't worry, mabubuhay naman ako kahit walang gano'n." he chuckled.
Tumango ako kahit ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko.
"I bought pizza. Let's eat?" paanyaya niya.
Tumango ako at inumpisahan na naming kumain ng pizza. Sandali naman akong tumalikod sa kanya para lumapit sa may Television set at buksan ang TV. Yumuko ako para hanapin ang remote at parang ang awkward lang dahil alam kong medyo maikli ang suot kong skirt at baka makitaan pa ako ni Kuya Kendrick na nasa likuran ko lang.
Nang sandali akong mapatingin kay Kuya Kendrick ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi siya nakatingin sa akin at abala pa rin ito sa pagkain ng pizza.
KENDRICK'S POV
I'm trying my best not to look at Haya's sexy ass kahit nasa likuran ko lang siya at hinahanap siguro 'yung remote ng TV nila. Kanina pa ako nag-iinit pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
For sake! Hindi ko na namang maiwasang hindi magnasa sa kanya. I knew that when she turned 19 plus, she will be the hottest woman alive.
She has a pretty face, big breasts, long sexy legs and nice piece of ass. Hindi ko maiwasang hindi siya tignan habang nakatuwad at nakatalikod sa akin. I can see her pink panty at napakagat-labi ako.
Kinuha ko ang isang unan sa couch nila at itinakip ito sa lumalaki at tumitigas kong pagkalalake. Baka mapansin pa niyang pinagnanasaan ko na naman ulit siya.
Nang mukhang nahanap na niya ang remote ay binuksan na niya ang TV at nakangiti itong lumapit sa akin.
In my system right now, bumibilis ang t***k ng puso ko bukod sa pagtigas ng ibaba ko. This girl is really a goddess too. A goddess in front of me. f**k!
Hindi ko siya magawang layuan dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko si Haya. I can't allowed Duke to dictate me na layuan ko si Haya. Haya is not for him. Haya was not his property.
Kung pagkakaibigan lang ang daan para mapalapit ako kay Haya ay iyon ang tsansang kukunin ko. I never felt this way before and I knew to myself that I can't avoid this little girl.
"Sorry po kung natagalan, hehe." she said at umupo ulit ito sa tabi ko.
"It's okay." sagot ko at nginitian siya.
She focus herself on watching TV while I leaned closer to her at hinapit ang bewang niya gamit ang isang braso ko. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi naman siya umangal doon at nakatuon pa rin ang mga mata niya sa TV.
Para na akong baliw na kanina pa nakangiti. This little girl makes me crazy. I'm so happy to see her right in the middle of the night. I can't avoid her even if Duke likes her. I know that Haya can change me. Hindi na rin ako mambababae pa dahil ayaw niya nun. She's right, I'm already an adult guy at ayoko nang gawin 'yung mga ginagawa ko noon. I'm changing myself for my better life.
I'm surprised because she knows that some of my f**k buddies developed some feelings for me. She's right, may nasasaktan akong mga babae dahil sa pagiging womanizer ko. Most of them admitted that they love me pero hindi ko iyon iniintindi at patuloy pa rin sa pambababae. We're using a protection while having s*x dahil ayoko pang magkaanak. It's not my thing right now dahil hindi ko pa nararanasan ang matali ng seryoso sa isang babae.
I'm not in love to Allison, I'm attracted to her but not in love but Haya makes me feel something special for her, hindi ko pa makumpirma kung ano iyon pero alam kong sa lahat ng babaeng nakita at nakasama ko ay kakaiba siya at espesyal para sa akin.
"Haya, nandito ka ba-" sabi nung babaeng kadarating lang at nagulat ito nang makita ako.
What the? What is Patricia doing here? What is my ex-f**k buddy doing here?
"Ate Tricia!" gulat na sabi ni Haya kaya napakalas ako sa pagkakahawak sa bewang niya.
Lumapit siya kay Tricia na gulat na gulat pa rin habang nakatingin sa akin.
Tricia is Haya's sister?