Chapter 6

2444 Words
HAYA'S POV "For you, Haya." Ngumiti si Yuie sa akin saka nito inilagay sa armchair ng upuan ko ang isang kulay puting lunchbox. Tinotoo nga niya ang sinabi niyang araw-araw na niya akong gagawan ng breakfast para matikman ko ang luto niya. Ngumiti nalang rin ako sa kanya pabalik at binuksan ang laman ng lunchbox. It's a pasta with cherry tomatoes on top. Sa kabilang layer naman ng lunchbox ay may slices ng lasagna. "Here's your fork." Inabot ni Yuie sa akin ang hawak niyang tinidor. Kinuha ko ito at sinimulan nang tikman ang niluto niya. Infairness, ang sarap talaga niyang magluto. Kumbaga ay lahat nalang kayang gawin ni Yuie. Bukod sa pagiging matalino niya ay husband material rin siya. Maswerte talaga ang magiging girlfriend ng kaibigan kong ito. "It's delicious, Yuie. Pwede ka nang mag-asawa nito!" pabiro kong sabi na ikinapula ng buong mukha niya. "Ah, hehe. W-Wala pa nga akong nagiging girlfriend tapos asawa na kaagad?" sagot niya. "Mag-girlfriend ka na kasi para naman may palagi na rin'g tumikim ng mga luto mo." I wiggled my eyebrows pero bumuntong-hininga lang siya at umiwas ng tingin sa akin. "I'm waiting for someone, Haya and all I want is her." seryoso niyang sabi dahilan para matahimik ako. I don't want to put any meaning in his words. May napapansin na talaga ako sa kanya noong una pero ayoko nang malaman pa iyong sagot. Hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang. Sina Camille at TJ naman ay wala pa dito sa classroom. Palagi nalang talagang nagsosolo ang dalawang iyon at alam kong magkasama lang sila. Hindi ko nga alam kung nililigawan na ba ni TJ si Camille dahil obvious naman na may gusto siya sa kaibigan namin. Ganon rin si Camille sa kanya at bagay naman sila dahil pareho silang gwapo at maganda. Ilang minuto lang ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin including Camille and TJ at syempre hindi na nawala sa kanila ang panunukso sa amin ni Yuie. Nag-umpisa na rin ang klase nang magdiscuss na ang teacher namin na kakarating palang. After 4 subjects done ay nagpunta na kaming tatlong magkakaibigan sa Cafeteria para kumain ng lunch. Nagkukuwento lang si Camille nang mga kaganapan na nangyayari sa buhay niya kanina nang may lumapit sa amin. It's King again with his friends. "Good afternoon, Haya!" nakangiting bati ni King. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain ko ng macaroni salad. "Sorry nga pala if I didn't know na may boyfriend ka na pala at mukhang Tito mo na." tumawa ito na ikinatawa rin nina Jerson at Kyohei. Gulat na gulat ang mga kaibigan ko sa sinabi ni King at lahat sila ay napatingin sa akin. "May boyfriend ka na, Haya?" gulat na tanong ni Camille. Magsasalita na sana ako nang bigla namang sumabat si King. "Hindi mo alam? May boyfriend na si Haya na Kendrick ang pangalan. Sinundo pa nga siya dito sa school, e. Guess what? That guy looks older than her tapos mukha pang adik dahil maraming tattoo sa katawan." King is mocking me at saka ako tinaasan ng kilay. Sa inis ko ay tumayo na ako at hinarap siya. "You don't need to invade my personal life, King. Wala ka na rin'g pakialam kung may boyfriend man ako o hindi na mas matanda sa akin. Just move on and pay attention to your fangirls in our school." I said. Ngumisi siya. "No, Haya. Alam mo bang wala pang tumatanggi sa akin. Hindi ko naman ginagawa 'tong paghahabol sa'yo, sa'yo ko lang ginagawa 'to dahil alam mo rin na babae ang unang lumalapit sa akin para sa atensyon ko. Pinahiya mo ako dito sa St. Therese! Ipinamukha mo sa iba na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko kaya hindi mo ako masisisi kung patuloy pa rin kitang guguluhin." nakatiim-bagang niyang sabi. King Argonza really think that he can get all the girls he wants by his charms and looks. Nakahanap siya ng katapat niya at ako iyon. I don't care about his looks because he has a bad personality. He's a bully and I don't like that kind of guy. Never! "King, kahit anong gawin mong pambubwisit sa akin ay hinding-hindi pa rin kita magugustuhan. Humanap ka nalang ng atensyon sa ibang babae at 'wag sa akin dahil wala ka namang mapapala." sabi ko at humalukipkip. "Ang tapang talaga. Walang kinatatakutan," side comment ni Jerson at tumawa ito ng sarkastiko. Si Kyohei ay nakangisi lang sa akin. Biglang tumayo si Yuie mula sa kinauupuan niya at hinarap nito si King. "Stop bothering, Haya Mr. Argonza. You already violating and invading her personal matters. Gusto mo bang makarating pa sa Dad mo ang lahat ng gulong ginagawa mo sa school na 'to?" banta ni Yuie dahilan para sumama ang tingin ni King sa kanya. "Oh? Here you go our Mr. Student Council President na palaging nakabuntot kay Haya. Subukan mo lang magsumbong kay Dad kundi malalagot ka sa akin." matigas na sabi ni King na may halong pagbabanta kay Yuie. "Hindi ako natatakot sa'yo, King. Marami ka nang nalabag na rules sa school natin at sa isang iglap lang ay baka patalsikin ka na dito sa oras na guluhin mo pa ulit si Haya. Choose your options, bother her or stay away from her?" Yuie said. Pwede nang mamatay si Yuie dahil sa mga masasamang tingin sa kanya ni King. Halata naman ang pagpipigil ng galit ni King dahil nakakuyom na ang mga kamao nito at nakatiim-bagang. Sandaling may binulong si Kyohei kay King pagkatapos ay huminga ito ng malalim at binalingan ulit si Yuie. "I'm not yet done with you, Yuie Fajardo." madiing sabi nito pagkatapos ay umalis na rin kasama sila Jerson at Kyohei. I sighed in relief at muling umupo sa upuan ko. Ganoon rin si Yuie na nakatingin sa akin. "Is that true, Haya? M-May boyfriend ka na?" tanong ni Yuie na may seryosong ekspresyon. Kaagad akong umiling. "Wala. I only said that to King para layuan na niya ako pero totoo na sinundo ako ni Kuya Kendrick dito sa school kahapon." sabi ko. "Kuya Kendrick? 'Yung bestfriend ni Kuya Duke na nagpunta sa birthday party niya?" tanong naman ni Camille. Tumango ako. "Oo. Siya nga." Hindi na nagsalita si Camille kahit mukhang gusto pa nitong magtanong sa akin. Si TJ naman ay naging abala nalang sa paggamit ng phone niya. "By the way, sleep over tayong apat sa bahay. Friday naman ngayon kaya pwede tayong magpuyat." biglang paanyaya ni Camille. "That's a great idea! What do you think Haya and Yuie?" nakangiting baling sa amin ni TJ na itinigil saglit ang paggamit niya ng phone. "Okay lang. Wala naman akong gagawin bukas." sabi ni Yuie. "Me too." sabi ko. "Ayon! Magmovie marathon tayong apat or maglaro nalang sa entertainment room namin. Okay 'yon, 'di ba?" Tumango kaming lahat sa suggestion ni Camille. Hindi na rin bago sa aming apat na magkakaibigan ang magsleep-over sa bahay nila Camille. Minsan pa nga sa bahay naman nila TJ. Magkakakilala na ang pamilya namin kaya wala nang kaso sa kanila kung magsi-sleepover kami ng magkakasama. Pagkatapos naming kumain sa Cafeteria ay bumalik na rin kami sa classroom namin at ilang subject pa ang nagdaan ay natapos na rin ito at dismissal time na. Sabay-sabay kaming apat na lumabas ng classroom at nagdesisyong magkikita mamayang 6pm sa may 7/11 na malapit lang sa lugar namin. Uuwi muna kami saglit ng bahay para kumuha ng mga extra shirts and other stuffs para sa sleep over sa bahay nila Camille mamaya. Nauna nang umalis sila TJ, Camille at Yuie dahil may sasakyan na sila pauwi sa mga bahay nila. Nag-insists pa nga si Yuie na ihahatid na ako sa amin pero tumanggi ako. Masyado na kasing malayo ang bahay nila sa amin at baka gabihin pa siya sa daan kung ihahatid ako. While I was waiting for a taxi ay nakita ko na naglalakad papalapit sa akin si Paolo. Wala itong kasama kahit pa si Evelyn. Mukhang kakalabas lang nito sa school nila dahil may nakasukbit pang backpack sa balikat niya at naka uniform pa siya ng Southern Academy. "Haya," malumanay niyang sabi nang makalapit na ito sa pwesto ko. Hindi ko siya pinapansin. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako dahil sa ginawa niya. Hinayaan niyang magkasakitan kami ng kapatid niya dito sa school. "Galit ka pa rin ba sa 'kin?" tanong niya. Hinarap ko siya. "Buti alam mo." mataray kong sabi. Napayuko siya na parang nasasaktan. Isang sadboy na para bang sinaktan ko ang buong pagkatao niya. "Sorry kung hinayaan ko man kayong mag-away ni Evelyn. Naiinis at nagseselos lang kasi talaga ako dun sa lalakeng nakasalamin na kasama mo. You know how much I love you and I only did that because of my stupidity." malungkot niyang sabi. Bigla akong nakaramdam ng kaunting awa kay Paolo. I know he only likes me but he annoys me so much kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ayokong magpaligaw. Hindi ko alam kung paano siya nagkagusto sa akin. Gwapo siya, sikat at maraming fangirls. Kahit sa kabilang school pa siya nag-aaral dahil college na siya ay kilalang-kilala pa rin siya sa buong St. Therese. He's a soccer player in Southern Academy at nananalo ang team nila sa mga Regional competition sa buong Pilipinas na related sa soccer. "You don't need to be jealous dahil kaibigan ko lang 'yung lalakeng nakita mong kasama ko." I said. Ewan ko ba kung bakit iyon ang nasabi ko. Siguro dahil ayoko na rin'g nakikitang may lalakeng nasasaktan dahil sa akin. Wala na nga dapat akong i-explain kay Paolo but he needs to know that para kahit papaano ay mapagaan ko ang loob niya. Compare to King, Paolo is nicer and smarter. Talagang na inlove lang siya sa isang katulad kong NBSB at ayaw pang magkaboyfriend. Umaliwalas ang mukha ni Paolo sa sinabi ko at ngumiti ito. "Talaga ba? Then can I court-" "As I said Paolo, ayokong magpaligaw sa'yo." diretso kong sabi. He nodded. "Kung ganon, pwede bang maging magkaibigan nalang tayo? K-kahit pagiging magkaibigan nalang, Haya. I just want to know you better." pakiusap niya. I sighed. "Sigurado ka ba diyan? I don't want to hurt your feelings lalo na at alam kong may nararamdaman ka para sa akin." Umiling siya. "Hindi na muna ako aasa na magiging higit pa sa magkaibigan ang maibibigay mo sa akin, Haya. Gusto ko lang mapalapit sa'yo. Please let me prove how much I love you. Hindi ko na hinihiling na maging tayo kaagad." he held my hand and I see that he's serious on what he said. Wala naman siguradong masama kung maging magkaibigan kami kahit palagi niya akong kinukulit at ginugulo para ligawan niya? At least right now he knows his place at kung mahal talaga niya ako ay rerespetuhin pa rin niya ang magiging desisyon ko sa huli. "Okay." sabi ko at nginitian siya. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ni Paolo. "Thank you. If you don't mind, can I treat you to Starbucks? Mag-usap lang tayo, Haya." he insists. Tinignan ko ang suot kong wristwatch at 4:30 pa lang ng hapon kaya may time pa para makapag-usap kami ni Paolo. I nodded. "Sige. Saang Starbucks ba?" tanong ko. "'Yong malapit lang dito. Let's go." sabi niya at hinila na ang isang kamay ko para makaalis na kami. Nilakad nalang namin ang Starbucks na tinutukoy niya dahil malapit lang naman ito sa school namin. Pagkapasok namin sa loob ng Starbucks ay kita ko ang paglingon sa amin ng mga taong nandito sa loob ng shop na hindi ko nalang pinansin. Umorder muna kami ni Paolo ng drinks at dessert. Ililibre niya daw ako at wala naman akong nagawa kundi ang sumang-ayon nalang. Pagkaorder namin ay umupo na kami sa isang bakanteng upuan. Paolo was smiling at me habang inilapag nito sa upuan niya ang backpack niya. Walang duda, tama nga ang sinasabi ng mga kaklase ko na effortless sa pagiging gwapo at charming si Paolo Arevalo. Hindi ito gaanong maporma unlike King. Simple lang ang itsura at medyo bagsak ang itim niyang buhok. Nakasuot ito ng black wristwatch na tanging accessory lang niya sa katawan. Malinis itong tingnan at mukha talagang good boy. "Nasaan pala si Evelyn? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ko. Wala naman akong maisip na sasabihin kaya nagtanong nalang ako tungkol kay Evelyn kahit kinasusuklaman ko ang babaeng iyon. "Baka siguro kasama ang mga kaibigan niya at nagmall sila. She's a shopaholic so, yeah." he said. Tumango ako hanggang sa dumating na ang order naming dalawa na dala ng isang Starbucks crew. Nang ininom ko na ang Frappucino na inorder ko ay laking gulat ko nalang kung sino ang lalakeng nakita kong papasok sa loob ng Starbucks. It's Kuya Kendrick at may kasama itong isang maganda at sexy na babae habang nakapulupot ang braso nito sa bewang niya. Napalingon siya sa gawi ko at nakita ako. Mukhang nagulat rin siya nang makita ako hanggang sa mapatingin siya kay Paolo. Bigla ay dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Kuya Kendrick at naglakad sila sa bakanteng table na nasa likuran lang namin ni Paolo at doon sila umupo. Kahit kinakausap si Kuya Kendrick ng babaeng kasama niya ay ramdam ko ang pagtitig nito sa akin. Kinakabahan ako na ewan dahil parang galit na siya sa hindi ko malamang dahilan. Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko kay Paolo kahit parang tinatarak ng kung ano ang puso ko. "Haya, ako na humihingi ng sorry sa nagawa sa'yo ni Evelyn. I will promise to you na hindi na niya gagawin 'yon. She will listen to me." paghingi ng sorry ni Paolo. Lumunok ako at pilit pa rin'g iniiwasan ang mga tingin ni Kuya Kendrick sa peripheral vision ko. "Okay lang 'yon, Paolo. Kalimutan nalang natin 'yon. It's not your fault." sabi ko at ngumiti ng pilit. Paolo smiled at me at bigla nitong itinapat sa bibig ko ang isang kutsara na may lamang chocolate cake. "Eat this, Haya," "Ako na lang, Paolo," sabi ko at akmang kukunin na sa kanya ang kutsara nang kaagad niya itong isinubo sa bibig ko. Out of my instinct ay napatingin ako bigla kay Kuya Kendrick at ganon nalang ang pagkagulat ko nang hinampas niya ng malakas ang table nila nung babae kaya napatingin sa kanya ang mga customer na nasa loob ng Starbucks maging pati na rin si Paolo. Tumayo na ito at nag-walk out nalang saka lumabas ng shop habang nagmamadali naman siyang hinabol nung babaeng kasama niya. "Baby, wait!" sabi nung babae hanggang sa makalabas na rin ito at sinundan si Kuya Kendrick. Anong nangyari? Bakit nagalit na lang bigla si Kuya Kendrick?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD