DUKE'S POV
Kung hindi lang masamang pumatay malamang ay kanina ko pa nasakal 'tong walang kwentang si Pamela. Paano kaagad nalaman ni Kendrick ang mga plano namin para lang masira siya kay Haya?
"Wala ka talagang silbi! Paano na ngayon 'yan?" gigil kong sabi kay Pamela na nakatingin ng masama sa akin.
"Excuse me? You're the one who called me suddenly then you're asking for my help. It's not my fault any more kung ang plano natin ay nabuko kaagad. I'm scared of Kendrick at kahit kailan ay hindi na ako makikisali dyan sa mga plano mo, selfish brat!" singhal niya.
"Umalis ka na. Wala kang kwenta!" inis kong sabi.
"Ang kapal naman ng mukha mo para isisi sa akin ang lahat ng mga plano na gusto mong mangyari. Don't ask for my help anymore. Bye!" padabog siyang umalis at sinarado ng malakas ang pintuan ng opisina ko.
Sa galit ko ay nahampas ko ng malakas ang office table ko. Kahit kailan talaga ay ang bilis makatunog ni Kendrick. Kaagad nang pumasok sa kukote niya na ako ang may pakana kung bakit bigla nalang sumulpot si Pamela sa kompanya nila na pinagtatrabahuhan niya. f**k! Paano na 'to? Hindi ko kakayanin na tuluyan nang maagaw sa akin ni Kendrick si Haya. Hindi ako papayag do'n!
Hapon pa lang ay kaagad akong umalis ng kompanya at tinawagan si Camille.
[Hello, Kuya Duke? Bakit ka napatawag?] sagot ni Camille sa kabilang linya.
"Nandyan ba si Haya? Kasama mo ba siya?" tanong ko habang nagda-drive papunta sa St. Therese.
[Yeah, we're eating at Cafeteria right now. Saktong tumawag ka at break time namin. Why?]
"I'll go there. Gusto ko siyang makausap ng personal." sabi ko.
[Ha? Bakit?]
"Huwag ka na ngang maraming tanong dyan! Basta pupunta ako at hintayin niyo ako." naiirita kong sabi. Mainit na nga ang ulo ko tapos marami pang tanong itong si Camille.
[S-Sorry, Kuya. Sige, hihintayin ka namin.] lumungkot bigla ang tono ng boses niya. I rolled my eyes at kaagad ibinaba ang tawag.
Makalipas ng ilang minuto ay nakarating ako sa St. Therese. Dahil kilala naman ako ng lahat dahil sa mahilig magdonate si Mom ng funds para sa school na ito at ako ang pinapag-asikaso niya nun ay nakapasok ako sa loob ng walang kahirap-hirap.
I don't know why my family were such a kind hearted people. They are spending too much money for this cheap and ugly school. Kung hindi lang dahil kay Haya ay hindi ako magtitiyagang pumunta dito minsan para lang makita siya.
I went to Cafeteria at hinanap ng mga mata ko sina Haya at Camille. When I saw them ay lumapit ako sa table nila habang nakangiti. I need to act sweet and gentle again kahit hindi naman talaga ganito ang personality ko.
"Hello, girls!" nakangiting bati ko at umupo sa tabi ni Haya na ginantihan ako ng pilit na ngiti.
I looked at Camille saying na 'umalis-ka-na-dito' at nakuha niya iyon kaagad kaya tumayo na siya at nagpaalam.
"Sige, Haya at maiwan ko na muna kayo dito ni Kuya Duke. Mauuna na ako sa classroom." Camille said.
"Okay, Camille. Susunod ako mamaya." sabi ni Haya.
Tumango lang si Camille at tumingin pa siya sa akin saglit bago naglakad papaalis. Nang kaming dalawa nalang ni Haya ang naiwan ay hinawakan ko ang isang kamay niya na ikinabigla niya.
"Namiss kita, Haya..." nakangiting sabi ko.
Napakunot-noo ako nang tanggalin niya ang kamay niyang hawak ko. Napatiim-bagang ako sa ginawa niya
"Ano po bang pag-uusapan natin, Kuya Duke?" she asked.
I control my irritation at muli siyang tiningnan ng diretso sa mga mata niya habang nakangiti. "Alam ko na nililigawan ka na ni Kendrick at sinabi ko na 'yon sa kuya mo."
Napahinto siya sa sinabi ko at pinaglaruan ang mga kamay niya. "P-Pinayagan ko naman pong manligaw sa akin si Kuya Kendrick. Nagbabago na po siya at ginagawa niya ang lahat para lang makuha ang tiwala ko." mahinang sabi niya.
Natawa ako ng pabiro. "Alam mo naman na sigurong naging f**k buddy niya ang ate mo? Any time ay pwede rin niyang gawin 'yon sa'yo. And are you sure na talagang nagbago na siya? Haya, once a playboy will always be a playboy kaya 'wag ka nang umasa na magbabago siya para lang sa isang babae." Hindi ko na mapigilang sabi dahil sa galit at selos na nararamdaman ko kay Kendrick.
Mukhang nasaktan si Haya sa sinabi ko kaya sumama ang tingin niya sa akin. "Kuya Duke, bakit sinasabi mo ang lahat ng 'yan sa sarili mong bestfriend? Hindi ka ba nagtitiwala kay Kuya Kendrick na magbabago siya? Ikaw ang dapat na lubos na makaintindi sa kanya dahil magkaibigan kayo." Haya said defending my traitor bestfriend.
Napakuyom ako ng kamao at pilit pa rin nilalabanan ang naiinis kong emosyon. "I'm just protecting you, Haya. You're too young for him at masyado kang mabuti para sa kanya. Yes, sabihin na nating nagbabago na si Kendrick pero paano kung panandalian lang 'yon? Paano kung magsawa rin siya sa'yo katulad ng pagsasawa niya sa ate mo at sa iba pang mga naging babae niya noon?" I said. I smiled secretly nang matahimik si Haya at napayuko ito.
"He's my bestfriend but I don't tolerate him. Pwede nga siyang makasuhan dahil sa pilit niyang ginagawang panliligaw sa'yo. Baka sa isang iglap nga lang ay bigla ka nalang niyang buntisin at iwanan sa ere." sabi ko habang natutuwang pinagmamasdan si Haya na tahimik nang umiiyak habang nakayuko pa rin.
Ganyan nga Haya, masaktan ka lang para tuluyan mo nang layuan si Kendrick. Sa akin ka lang dapat pero simula nang dumating siya sa buhay mo ay ginulo na niya ang lahat ng mga plano at pinaghirapan ko para lang mapalapit sa'yo.
Ilang saglit pa ay tumingin sa akin si Haya na umiiyak pa rin at nagpahid ng mga luha niya. "I'm sorry Kuya Duke but I trust Kuya Kendrick. Kahit ngayon lang, umaasa at nagtitiwala ako sa mga pangako niya sa akin. It's his choice anymore kung lokohin niya ako at saktan but I trust him." she said seriously.
Nawala bigla ang magandang mood ko sa sinabi niya at tinitigan siya ng mariin. "Haya naman, 'wag kang maging tanga! Ang mga katulad ni Kendrick ay wala nang pag-asang magbago-"
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin at galit na nakatitig sa akin. Napahawak nalang ako sa pisngi kong sinampal niya at hindi ko na napigilang samaan rin siya ng tingin.
"How could you say that, Kuya Duke? I didn't expect from you na makakapagsalita ka ng ganyan. Wala kang karapatang diktahan si Kuya Kendrick dahil hindi mo pa siya lubos na kilala!" sigaw niya. Napatingin sa amin ang iilang mga estudyanteng nandito sa loob ng Cafeteria at mukhang nagulat sila sa pagsampal at pagsigaw sa akin ni Haya.
Sa galit ko ay napatayo na ako at tumawa ng mapang-asar. "At sa tingin mo mas kilala mo si Kendrick kaysa sa akin na since high school palang ay magkaibigan na kami? Akala ko ba matalino ka, Haya? Bakit bulag ka sa katotohanang lolokohin ka rin niya-"
She slapped me for the second time na ikinabigla ulit ng mga estudyanteng nanonood sa amin at dahil sa ginawa niya ay kinaladkad ko siya palabas ng Cafeteria hanggang sa dinala ko siya sa likod ng school nila.
Hinawakan ko ng mahigpit ang panga niya at isinandal siya sa pader na ikinagulat niya. I see the fear in her eyes habang nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Did you just... slap me?" madiin kong tanong na mas lalong ikinatakot niya.
"Haya, wala kang karapatang saktan ako pati ang damdamin ko. You're nothing but a weakling and bland lady!" galit kong sabi at padabog na binitawan ang panga niya.
Umiyak siya ng tuluyan sa ginawa ko pero wala na akong pakialam. Hindi na ako nakapagtimpi at nailabas ko na ang totoo kong pagkatao sa kanya. Mas maganda 'to dahil hindi niya alam kung sino ang binabangga niya. Ni wala ngang sumampal sa akin kahit pa ang mga magulang ko tapos siya ay may gana pa talagang gawin iyon?
"Nagulat ka ba dahil hindi mo inaasahan na ganito ako? This is the real me, Haya. At ngayong alam mo na ang tunay kong pagkatao ay sana matakot ka na sa akin." I warn her at muling inangat ang mukha niyang nakayuko habang patuloy pa ring umiiyak.
"You're worst," sabi niya sa madiin na tono.
Ngumiti lang ako at pinunasan ang mga luha niya. "I like you, Haya. Kaya ako nagkakaganito ay dahil 'yon sa'yo." Kalmado kong sabi na ikinabigla niya.
"At hindi rin ako bulag para makitang may gusto ka kay Kendrick but sorry to say this, kid. Sa akin ka lang!"
I finally said that I like her na matagal ko nang gustong sabihin at kinimkim sa matagal na panahon. And I'm not dumb para hindi makita na gusto niya si Kendrick kaya wala siyang nagawa nung niligawan siya nito at pinagtatanggol niya pa ang walang silbing lalakeng iyon sa akin.
"I-I can't believe you're saying this, Kuya Duke," hindi makapaniwalang sabi ni Haya at umiling ng paulit-ulit.
"I know that your parents like me so much for you at kapag nalaman nilang nililigawan ka na ng isang basurang kagaya ni Kendrick ay mas ilalayo ka lang nila sa kanya. Gusto mo bang mangyari 'yon, baby?" masuyo kong sabi at hinaplos ang magandang mukha niya na punong-puno ng mga luha.
"Just obey me dahil mabait naman ako kahit papaano. Pwede mo pa rin'g maging kaibigan si Kendrick pero dapat alam mo nang sa akin ka lang at hindi ka na pwedeng magpaligaw sa kanya. Dahil kung patuloy pa rin 'yang ligawan portion niyo ay sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay niyong dalawa." pagbabanta ko.
I really hate rejections. Lahat ng babaeng sineryoso at minahal ko noon ay ginago lang ako nang dahil kay Kendrick. This time ay hinding-hindi ako magpapalamang sa kanya. Nasa akin ang alas ngayon dahil mas nauna kong nakilala si Haya kaysa sa kanya at may utang na loob rin sa akin si Riley na kapatid nito. Ano bang kaparatan niya kay Haya? He's just a piece of s**t na bumalik lang sa Pilipinas para sirain ang masaya at kuntento kong buhay kasama si Haya. I'm planning to court her already pero naunahan lang talaga ako ng gagong iyon.
"H-hindi na kita makilala, Kuya Duke..." humahagulgol na iyak ni Haya.
Napangiti ako. "Dahil hindi naman talaga ako ang Duke na nakilala mo noong una palang, baby. It was all act para lang mapalapit ang loob mo sa akin. I think that I'm almighty of all and that's true. Walang gusto ko ang hindi ko nakukuha and it includes you."
I will do everything para lang makuha siya. Ginawa ko ang lahat para lang makapunta dito sa kalagayan ko. I even transferred Camille in Haya's class para lang may dahilan ako para makita at makasama siya. I'm obsessed with Haya and this obsession will go too far hangga't hindi ko pa siya nakukuha.
"I will never like you and you don't own me." she said in whisper tone.
I closed my eyes because I feel ache in my chest. Nang nagmulat ako ng mata ay sumigaw ako at nagmura ng paulit-ulit.
"s**t! Tangina!" Lumayo ako kay Haya at pinagbuntunan ko ng galit ang mga nakadisplay na halaman sa likod ng school. I threw it all hanggang sa mabasag at masira ito lahat.
Mabilis ang paghinga ko at tinignan ulit si Haya. I pushed her on the wall at kaagad siyang hinalikan ng marahas. Nagpupumiglas siya sa ginagawa kong paghalik sa kanya hanggang sa naramdaman kong may sumuntok sa akin ng malakas at napaupo ako sa sahig.
"Stay away from my friend!"
Tinignan ko ang pangahas na sumuntok sa akin at may kasama itong dalawang lalake sa likuran niya na nakangisi sa akin.
"K-King..." mahinang banggit ni Haya habang nakatingin sa lalakeng sumuntok sa akin.
Shit. My nose are bleeding!
Lumapit 'yung lalake kay Haya at itinago niya sa likuran niya. Sinubukan ko namang tumayo habang sapo ang ilong kong nagdudugo na.
"Look what you've done to me!" sigaw ko at tinignan ng masama ang lalakeng kaharap ko.
"That's what you deserve!" huling sinabi niya pagkatapos ay hinila na si Haya papaalis kasama ang dalawang lalake na nginisian ako at tinignan ng nakakaloko. Sinamaan ko sila ng tingin hanggang sa makaalis na sila.
"Arghhh! Mga tarantado!" sigaw ko at inis na ginulo ang buhok ko.