Chapter 21

2863 Words
HAYA'S POV Pagkatapos kong makausap si Kuya Kendrick ay nagkaroon na ng kapanatagan sa puso ko. Hindi ko talaga kaya na magalit at magtampo sa kanya. Ni hindi ko kayang hindi siya makausap man lang ng ilang araw. Baliwala rin ang tatlong araw kong pag-iwas at hindi pagkausap sa kanya dahil hindi siya tumigil hangga't hindi kami nakakapag-usap ng maayos kung ano ba ang dahilan ng pag-iwas ko sa kanya. Normal lang naman siguro na nasaktan ako noong nalaman ko na may nakaraan sila ni Ate Tricia? Aminin ko man o hindi pero sa tingin ko ay nagugustuhan ko na si Kuya Kendrick kaya siguro ay naging ganito ang reaksyon ko. Sa isang paliwanag lang niya ay nalusaw na kaagad ang tampo at kaunting galit ko sa kanya. Wala e, hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa isang tao dahil hindi iyon maaatim ng konsensya ko. Everybody makes mistakes before and I saw how Kuya Kendrick were doing everything to change himself to be a better man. Hindi naman lahat ng tao ay ipinanganak nang perpekto at wala ni isang maling nagawa sa buhay pero ang pagbabago para sa sarili ay pwedeng gawin anyt ime. I really understand Kuya Kendrick in any aspects of his life. Alam ko rin na may dahilan siya kung bakit siya hindi naging better man noon. He is not a trash to me. He is just a piece of paper that needs to pick up and taped to be complete again. Nandoon pa rin ang bakas ng punit pero ang mahalaga ay nabuo iyon. Kuya Kendrick invite me to his new condo unit na kakabili pa lang raw niya kahapon. Gusto niya na ipagluto ako sa condo niya ng dinner kaya pumayag ako. I want to spend time with him dahil tatlong araw ko rin siyang iniwasan at hindi kinausap bilang pambawi sa kanya. "Is it nice?" tanong niya pagkapasok palang namin sa loob ng condo unit niya. The motif of his condo are black and white. Maybe that's his favorite color dahil nung unang nakapasok rin ako sa kwarto niya sa bahay ng parents niya ay black and white rin ang motif. "Yes po. It's wide, clean, and beautiful." nakangiting sabi ko habang nililibot ng tingin ang kabuuan nito. Malapit lang pala ang condo niya sa school namin. Napansin ko na naka business suit si Kuya Kendrick. Maybe he's now working in his family's company. Kahit ano talagang isuot niya ay bagay sa kanya. He didn't noticed na siya ang center of attraction ng mga estudyante at ibang nasa labas ng school namin habang nakasandal siya sa kotse niya at hinihintay ako sa paglabas. He is not aware that he's a Greek God-like man and he's attractive in many ways. "I bought this para hindi na ako umuwi sa bahay nina Mom at Dad. Malapit lang rin 'to sa school niyo at sa kompanya namin so no hassle kung susunduin kita sa school niyo at papasok ako sa work." he smiled at inaya akong maupo sa mahabang sofa na kulay itim. "Ang yaman niyo po pala talaga, no? Kami po may kompanya rin pero hindi po kami kasing yaman niyo." I said. While Kuya Kendrick immediately bought a car and a condo unit, doon na nagsusumigaw ang pagiging 'rich kid' niya. He stretching his arms at tinanggal ang coat na suot niya pagkatapos ay ipinatong niya sa sandalan ng sofa. "Ang pamilya ko naman ang mayaman at hindi ako. It's my own money kaya nakabili ako ng kotse at condo unit ko. I don't need to rely on them 'cause I don't want to abuse their kindness to me sa mga naging kapalpakan at ginawa kong masama noon." he said and sighed. Mas lalo akong humanga kay Kuya Kendrick dahil sa sinabi niya. He's being sorry for everything that he'd had done before. "You have a pure heart, Kuya Kendrick." sabi ko na ikinatitig niya sa akin. "No. That's you, little girl. You are too good for me and I'm not deserving for you in the first place but I can't help myself to love you more. I don't want to avoid you too, because as I said, it literally kills me when I'm not with you." he seriously said that makes my heart fluttered. He loves me so much and now, I'm starting to like him. Good sign na ba ito? "I..." Hindi ko mahanap ang salita ko dahil sa sobrang pagka-overwhelm sa mga sinabi sa akin ni Kuya Kendrick. Bumuntonghininga ulit siya at ngumiti ng tipid. "I will cook our dinner now. What do you want to eat?" tanong niya. "Ahm... kahit ano nalang po basta masarap." nahihiya kong sabi. He chuckled. "Do you eat pork sinigang and chicken adobo? Doon ako magaling magluto, e." he proudly said. Tumango ako. "Oo naman po. Ayon nalang po ang lutuin niyo." he nodded and patted my head. "Wait for me here, magbibihis lang ako at susunod na tayo sa kitchen." sabi niya at kinuha ang coat niyang nasa sandalan ng upuan. "Okay po." he smiled at me once again at umalis na siya. Ilang minuto lang ay nakabalik na si Kuya Kendrick and he's now wearing a plain black t-shirt na may mahabang manggas at cargo shorts na hanggang tuhod niya. How can he looks so good in any clothes he's wearing? "Let's go or do you want to watch me while i'm cooking?" tanong niya nang nakatayo sa harapan ko habang ako ay nananatili pa rin'g nakaupo sa sofa. Kailangan ko pa siyang tingalain dahil matangkad siya. "I want to watch you while cooking po." I said. He grabbed my hand hanggang sa mapatayo rin ako at naglakad na kami papunta sa kitchen area. As I expected ay wala pang gaanong gamit dito sa loob ng condo unit ni Kuya Kendrick dahil kakabili palang niya nito but I'm glad that he has a full stock of groceries and foods in his refrigerator. "I'm busy now in our company kaya 'yung maids nalang namin sa bahay nina Mom at Dad ang inutusan kong mamili nito. I don't know kung ano ang mga pinaglalagay nila dito but I think it's enough for us." sabi niya habang kinukuha sa freezer ang frozen meat ng baboy at manok. "Hindi lang po enough, sobra-sobra pa." sabi ko habang tinitignan ang maraming bags ng groceries na nakalapag sa gilid ng ref at sa ref na maraming laman na may iba't-ibang pagkain at mga inumin. Kuya Kendrick chuckled. "Go get what you want to eat and drinks on that freaking refrigerator. Sa'yo rin naman 'yan." he winked at me dahilan para mamula ang pisngi ko. "S-Sige!" sagot ko at kumuha sa ref niya nang dalawang Dutchmill yoga drink at isang bag ng Chips Delight cookies. "Kumuha ka pa. Gusto ko na magdala ka rin niyan kung gusto mong umuwi mamaya. I don't need that dahil sa office na ako kumakain." sabi ni Kuya Kendrick habang busy na sa paglilinis ng karne ng baboy at manok sa kitchen sink. "Ayos na po 'to." sagot ko at dinala sa kitchen dining table ang mga pagkaing kinuha ko sa ref. Habang kumakain ako ng cookies ay pinagmamasdan ko lang kung paano magluto si Kuya Kendrick. Mukhang sanay na sanay na siyang magluto and I assumed na palagi rin siyang mag-isa. I can't believe that base on his appearance ay isa siyang sobrang sweet at maaalalahanin na lalake. In our first encounter ay tila nabastusan ako sa ginawa niyang pagsipat sa buong katawan ko pero ngayon ay hindi na niya iyon ginawa ulit like what he promised to me and now, I felt the comfort and happiness while I'm with him. He is like a big brother to me. Kaedad lang siya nila Ate Tricia, Kuya Riley at Kuya Duke but I don't care about that as long na nakikita ko na ginagawa niya ang lahat para mapalapit sa akin. He's courting me kahit hindi pa niya alam kung sasagutin ko ba siya kaagad o hindi. I can see that he's so happy being with me at ayokong ipagkait sa kanya ang kasiyahang iyon dahil sinabi niya na isa ako sa dahilan ng kanyang pagbabago. His body was almost covered with tattoos. He's a badass handsome, successful, and attractive guy and yet he'd fallen in love to a girl like me. "I'm done. Let's eat." Kuya Kendrick said. Matapos niyang magluto ay inihanda na niya ang lahat ng mga kakailanganin namin sa pagkain. I insists to help him pero tumanggi siya at sinabing special visitor niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya. Tinikman ko ang luto niya at napathumbs-up ako sa sarap. He's such a good cook at mas masarap pa ang luto niya kaysa kina Kuya Riley at Ate Tricia. "It's delicious, Kuya Kendrick!" I praise him while eating his cooked chicken adobo and pork sinigang with rice. Nakita ko ang pamumula ng tenga niya habang napahawak sa batok niya. "T-Thanks that you like it." parang nahihiya niyang sabi. I pinched his left cheek na mukhang ikinagulat niya. "Ang cute n'yo po kapag nagba-blush." I turned to tease him. He smiled that turns into a playful one. "You're being a teasy girl now, huh?" Ako naman ang namula sa sinabi niya at nahihiyang pinagpatuloy ang pagkain ko. I heard his slight chuckled at pinagpatuloy na rin ang pagkain niya. After we eat at magpababa ng kinain namin ay napatingin ako sa labas ng bintana. Sobrang malakas ang ulan at mukhang may bagyo pa dahil kumukulog ang kalangitan. Lumapit ako kay Kuya Kendrick na nakatanaw lang sa labas ng bintana habang naninigarilyo. Nang makita niya ako ay kaagad niyang pinatay ang upos ng sigarilyo sa ashtray na nakalagay sa gilid ng bintana. "Ang lakas ng ulan, little girl. Pwede bang bukas nalang kita ihatid pauwi? Delikado kasi ang daan kapag hinatid pa kita pauwi." sabi niya. Napakagat-labi ako hanggang sa bigla nalang siyang tumingin sa labi ko. "W-Wala po akong dalang extra shirt ngayon at saka baka mag-alala po sina Ate Tricia at Kuya Riley kapag hindi ako umuwi ngayon." I stopped biting my lips dahilan para matauhan si Kuya Kendrick at tumikhim ng mahina. "You can text them at sabihin mo na nasa bahay ka lang ng kaklase mo or maybe you should tell them that you're in my condo unit. Little girl, I want your family to know that-" "Hindi po madali 'yon, Kuya Kendrick. Sige, sasabihin ko nalang na nasa bahay ako ng kaklase ko at dito na muna magpapalipas ng gabi." I sighed at kinuha ang phone ko sa bulsa ng suot kong uniform skirt at tinext ang mga kapatid ko para magpaalam. Sobrang lakas ng ulan at mukhang matagal pa bago ito hihinto. Pinatigil ko na rin si Kuya Kendrick sa sasabihin niya pa sana. It's not the right time para sabihin ang totoo sa pamilya ko kahit alam na ni Kuya Riley na nanliligaw sa akin si Kuya Kendrick. My parents will surely get mad kapag nalaman nila iyon and maybe Ate Tricia too dahil may naging nakaraan sila ni Kuya Kendrick. Tumango lang si Kuya Kendrick sa sinabi ko. "You can use my clean clothes in my cabinet. May banyo sa kwarto ko. Doon ka nalang maligo at magpalit." sabi niya at biglang hinila ang kamay ko papunta sa loob ng kwarto niya. "Ikaw na ang pumili ng susuotin mo. I know that my shirts are too large for you but at least may maisuot ka lang just for this night." sabi niya. I nodded at binuksan ang cabinet niyang naglalaman ng mga damit niya. His clothes smells so good. I get a simple printed white t-shirt na malaki nga sa akin and boxer shorts na parang short na rin 'yon nga lang ay maikli pa rin sa akin. Without looking at Kuya Kendrick ay kaagad na akong dumiretso sa banyo ng kwarto niya at nilock ito. Mabuti at may nakasabit nang tuwalya sa loob ng cr niya kaya hindi na ako magre-request pang maghingi. I took off my uniform and underwear at ipinatong sa sink ng cr. I turn the shower faucet at nagsimula nang maligo. Nang matapos na ako ay doon ko lang naalala na wala nga pala akong ibang underwear na dala! Ano 'yon? Hindi ako magsusuot ng panty at bra? Alangan namang suotin ko pa ang used underwear ko ngayon. Napapikit ako at napatampal sa noo ko dahil sa pagkadismaya. Kinuha ko ang towel na nakasabit sa cr at pinunasan ang basa kong katawan. Pagkatapos ay sinuot ko ang boxer at malaking t-shirt ni Kuya Kendrick. Naging dress na tuloy ang kinalabasan ng sinuot ko ang t-shirt niya. Sa laki ba naman niyang tao ay medium lang sa kanya ang extra large na t-shirt na ito para sa akin. Kumportable ako sa suot kong boxer shorts niya iyon nga lang ay mukhang naging panty na ito sa akin at hindi na ito makikita dahil natakpan na ng suot kong malaking t-shirt. I'm not wearing any bra kaya mababakat pa dito ang korona ng hinaharap ko. Hays! Sana talaga hindi mapansin masyado ni Kuya Kendrick 'tong suot ko. Nagtoothbrush na rin ako sa loob ng cr gamit ang stock ng unused toothbrush ni Kuya Kendrick at nang matapos ako ay pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya niya. After I fully cleaned myself ay lumabas na ako ng cr dala ang hinubad kong uniform. I saw my bag on Kuya Kendrick's bed na kinuha niya siguro kanina sa sofa habang siya naman ay busy sa panonood ng TV na mukhang football match pa nila Cristiano Ronaldo at ng team nito. Nang umangat ang tingin niya sa akin ay napanganga ito at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. I automatically put my two hands in my breasts na walang bra because of embarrassment. He blink a few times bago tumikhim at pinatay na ang TV. "I didn't know that you look so good while wearing my clothes." he said at muling tumingin sa akin. My cheeks flushed at nilapitan ang bag kong nakalagay sa kama para ilagay doon ang uniform ko, my phone at kunin ang hairbrush ko. "I-I will take a shower, too." tumayo na siya habang namumula at kaagad dumiretso sa cr na pinagliguan ko. Why is he turning red? Pagkatapos kong magsuklay, magpulbo at magpabango ng cologne ay naupo ako sa kama ni Kuya Kendrick. Dito rin ba ako matutulog? Pwede naman siguro dahil malaki ang kama niya at kasya kami ditong dalawa. Ilang saglit pa ay lumabas na si Kuya Kendrick sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya na ginamit ko kanina ang bewang niya at basa pa rin ang buhok nito. I'm avoiding to look at his good and well toned body with tattoos dahil kung titignan ko pa iyon ay mas lalo lang akong mamumula dito. He took a black boxer shorts in his drawer at hindi ko na siya ulit tinignan nang nag-umpisa na siyang magbihis. When I look at him ay nakabihis na siya iyon nga lang ay wala siyang pang-itaas. "Little girl, hindi ka ba maiilang kung topless ako? Hindi kasi ako sanay na may damit kapag matutulog, e." he concernly said. Napakagat labi ako at tumango. "O-Okay lang po." Bakit ba ako mag-cocomplain sa gusto niyang dress code e, hindi ko naman pag-aari 'tong condo unit niya? He smiled. "Dito nalang siguro ako matutulog sa lapag. Diyan ka na sa kama ko." sabi niya at kumuha ng isang unan sa kama at nilagay sa lapag katabi ng kama. "Ha? Bakit diyan po kayo matutulog sa lapag? Malaki naman po 'tong kama niyo at kasya tayong dalawa dito." Inosente kong sabi. Bigla siyang nagmura ng mahina at hinilot ang sentido niya. "Little girl, h-hindi kasi pwede na magtabi tayo sa kama..." tila nahihirapan niyang sabi at ilang beses siyang bumuntonghininga. "Bakit naman po?" Umiling siya ng paulit-ulit at kaagad pumwesto sa lapag at doon na siya nahiga. Lumapit ako sa kanya at hinila siya patayo. "Kuya Kendrick, dito ka na sabi sa kama matulog. Malamig diyan sa lapag at baka sipunin ka pa." pakiusap ko habang hinihila siya. Malakas pa rin ang ulan sa labas kahit gabi na at rinig na rinig ang bawat pagpatak nito. "You're killing me. Aish!" rinig kong bulong niya bago tumayo. Wala siyang nagawa kundi ang kunin ulit ang unan niya sa lapag at ibinalik ito sa kama dahil sa mapilit ako. Umupo siya sa kama habang nakasampa ako dito. Ganon na lang ang pagkagulat ko nang biglang patayin ni Kuya Kendrick ang ilaw ng lampshade sa bedside table niya at itinulak ako sa kama at kaagad sinunggaban ng halik sa labi. "Little girl, I will not take you now but please...? let me kiss you for a while. Kanina pa ako nagpipigil at hindi ko na kaya," bulong niya na tila napapaos habang hinahalikan pa rin ako. Sa bilis ng t***k ng puso ko at sa paraan ng paghalik niya sa akin na nagugustuhan ko ay tumango ako sa sinabi niya. Naramdaman ko naman ang pagngiti niya sa gitna ng mga halik niya. I can't help myself but to kiss him back that surprise him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD