Chapter Eleven: Misis Nagising ako nang wala na si Mathew sa loob ng kwarto. Dali-dali akong tumayo upang lumabas pero wala siya. Nsaan na kaya yon? Napabuntong hininga akong bumalik sa kwarto at kinuha ang aking isinuot kanina. Saglit akong pumunta sa aking kwarto para ilagay ang mga iyon. Nakaramdam ako ng panglalagkit sa katawan kaya minabuti ko nalang na maligo na muna. Nang pumasok ako sa shower room ay napansin ko ang malaking bathub. Wala sa sariling napangiti ako, nilapitan ko ito. Pakiramdam ko masarap dito maligo. Hindi naman yata magagalit si Mathew at isa pa, dito narin ako nakatira. Pinuno ko ang bathub sa shower room, gusto kong gumamit ng ganoon. Nakakatawa lang dahil parang pakiramdam ko ay nakagamit na ako ng bathub noon pa. Nang mapuno ay agad na akong lumusong. Sob