01

673 Words
Chapter 1 3rd Person's POV; "Aba'y anak kegwapo naman nitong binatang ito may lahi pa yatang banyaga."komento ng babaeng nasa mid 50s habang pinagmamasdan ang binatang mahimbing na natutulog sa kahoy na papag. "Eh nay mukha namang may sayad yan nakita namin ni ate nasa ilalim ng mga ugat ng malaking puno dun sa gubat akala ko nga po lamang lu---aray!ate naman eh."reklamo ng batang lalaki ng batukan siya ng babaeng nasa edad 20s. "Wag ka nga ganyan mamaya marinig ka nan."saway ng dalaga bago tingnan ang natutulog na binata. "Saan kaya nanggaling ang mga sugat niya?"tanong ng dalaga habang nakatingin sa nakabendang ulo at kanang braso nito na may sugat na tila nahiwa ng matalas na bagay. "Hmm."napayakap ang batang lalaki sa kapatid ng magmulat ng mata ang binata at--. "Hala!iho!"nanlaki ang mata ng dalaga ng wala pa sa alaskwatro itong bumangon at sumiksik sa sulok ng kanilang kubo kubo habang nakatingin sakanila. Bahagya pa itong napangiwi ng kumirot ang ulo nito at tumama sa ding ding ang sugat sa braso. "Teka w-wag kang matakot nakikilala mo ako?"tanong ng dalaga ng makitang parang mangangain ang binata habang nakatingin sakanila. "Ate hindi niya yata tayo naiintindihan."bulong ng batang lalaki na kinakamot sa pisngi ng dalaga. "Hindi ako marunong mag english."sagot ng dalaga habang nakatingin sa binata na nakasiksik sa sulok na walang pang itaas. "Ano ba?ahm do y-you remember me?I--Im ahm--." "The girl in the tree!"dagdag ng batang lalaki na kinakunot ng noo ng binata. "Jusmiyo porsanto pano natin siya kakausapin nan."kakamot kamot sa ulong tanong ng matanda habang nakatingin sa estrangherong binata. "Naiintindihan mo ba kami?"tanong ng dalaga pero hindi sumagot ang binata kaya dahan dahan lumapit ang dalaga bago itaas ang kamay para haplusin ang buhok ng binata. "Naalala mo?"tanong ng dalaga bago marahang haplusin ang buhok ng binatang nakatitig sakanya. "Ako yung babae yung nakakita sayo sa mga ugat ng puno?"dagdag ng dalaga ng--. "Gosh naintindihan niya ako."ani ng dalaga ng marahang tumamgo ang binata. "Pinagenglish pa tayo eh naiintindihan naman pala."komento ng batang lalaki bago lumapit sa atehin. "Iho ano bang pangalan mo?dayo ka ba?"tanong ng ginang na kinatingin ng binata. "Hindi ka ba nagsasalita?"tanong ng dalaga hindi ulit sumagot ang binata. "May tattoo siya ate oh cool."komento ng batang lalaki na si Bimbo ng makita ang tattoo ng binata sa kaliwang dibdib. "Seven?"tanong ng dalaga na kinatingin dun ng binata. "Wala ka bang maalala?"tanong ulit ng dalaga na kinailing ng binata. "Hala ka!"react ni Bimbo na kinatigil ng dalaga. "Hayaan niyo nga muna siyang magpahinga hala Ara ayusin mo na yung hapagkainan ng makakain na tayo."utos ng ina ni Ara na si Aling Lucia. Habang nag aayos ng hapagkainan nanatili lang nakatingin ang binata sa likuran ng dalaga ng--. "Iho kumain kan---"bago pa matapos ang sasabihin ng ni Aling Lucia mabilis na tumayo ang binata. Susunggaban nito ang mga hinahandang gulang ng dalaga ng--. "Teka!"sigaw ng dalaga na kinatigil ng binata ng dadamputin nito ang gulay na nasa kawali. "Maghinaw ka ng kamay."dagdag ng dalaga ng makatingin sakanya ang binata. Nang makitang parang naguguluhan ang dalaga binaba nito ang hawak na mga plato at hinila ang binata palabas. "Bago kumain dapat naghihinaw ng kamay."ani ng dalaga bago umupo sa harap ng batya na agad ginaya ng binata ipapasok ng binata ang kamay niya sa batya ng tapikin ni Ara ang likod ng palad niya na dahilan para mapatigil ito. "Ano ka ba naman mahirap mag igib ng tubig okay?matuto kang magtipid."saway ng dalaga bago kumuha ng tabo at dun ilagay ang kamay ng binata at hinawan na kinailing ng dalaga habang napapangiting nakatingin sa binata ng makitang naaliw ito sa paglalaro ng tubig sa tabo. "Tara na nakahinaw kana kakain na tayo."yaya ng dalaga ng makitang masyado ng natutuwa ang binata sa paglalaro ng tubig gamit ang kamay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD