Chapter 1
Easton slammed his hand on the table in frustration, feeling overwhelmed by stress. Ang kanyang ama ay humiram kamakailan ng malaking halaga, na naging sanhi ng pag-aalala ni Easton, marami siyang plano tungkol sa negosyo. Pakiramdam niya ay pinapagod niya ang kanyang sarili nang walang dahilan, alam niyang ang lahat ng kanyang pinaghirapang ipon ay mauubos na sa pagsusugal.
"Ihanda mo ang sasakyan! Pupunta tayo sa bahay!" In a cold and authoritative tone, inutusan niya ang kanyang Butler na ihanda ang sasakyan para sa kanilang pag-alis. Agad namang tumalima ang Butler, na nag-akay palabas ng opisina ni Easton. Nang dumaan sila sa ibang mga empleyado, iniiwasan nilang makipag-eye contact kay Easton, sa takot sa galit nito.
Pagpasok sa kanyang pribadong elevator, si Easton at ang kanyang pamilya lamang ang pwedeng sumakay dito. Paglabas nila ng gusali, nakita nila ang kanyang makinis na itim na Mitsubishi Ralliart na nakaparada at naghihintay. Binuksan ng bodyguard ang pinto ng kotse para kay Easton, na tahimik na pumasok bago sila mabilis na nagmaneho patungo sa kanilang mansyon.
"Bilisan mo Mr. Flores, baka hindi ko na madatnan si Tanda!" Malamig niyang utos, binilisan na ng ginoo ang pagpapatakbo sa sasakyan.
Pagpasok nila sa subdivision inayos na ni Easton ang kanyang sarili. Hindi nagtagal ay nasa tapat na sila ng malaking gate. Kusa itong bumukas, pagparada sa garahe ang sasakyan nauna na siyang lumabas.
Napatayo mula sa pagkakaupo ang kanyang step mother nang makita siya.
"Nasaan si Tanda?" Malamig niyang tanong dito, habang nakatingin sa paligid.
"Wala ka na ba talagang galas Easton?" Pabalik na tanong ng ginang sa binata.
"Ano sa tingin mo? Gagalangin ko pa kayo pagkatapos niyong iwaldas ang perang pinaghirapan ko!?" Seryoso niyang tanong sa ginang bago talikuran.
Umakyat papuntang second floor ang binata. Agad naman siyang sinundan ng kanyang step mother.
"Kakauwi lang ang iyong ama, hayaan mo muna siyang matulog." Pakiusap ng ginang sa kanya.
"Busy akong tao! Ngayon kami mag-uusap, oras na naulit pa itong pag labas niyo ng perang pinang-susugal lang ninyo. Wala na kayong makukuha sa akin kahit na singkong duling!" Napalunok naman ng sariling laway ang ginang.
Sunod-sunod na kinatok ni Easton ang pinto ng kwarto ng kanyang ama. Agad namang nagising ang ginoo, galit na galit siyang bumangon sa kama.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang madilim na mukha ni Easton.
"What the hell are you doing here? Alam mong natutulog ang tao, wala kabang konsiderasyon!?" Galit niyang sigaw sa panganay na anak. Nag-panting ang tenga ni Easton dahil sa sinabi ng ama.
"Buti ka pa patulog-tulog lang samantalang ako stress na stress dahil sa wina-waldas mong pera! Tumawag sa akin yung bangko, lahat ng laman ng account mo ubos na. Tapos naglabas ka pa ng pera sa savings ni bunso! Ginamit mo pa talaga si Allessa, hindi ka na nahiya!" Ganting sigaw ni Easton, lalong nag init ang ulo ng ginoo dahil talo na nga siya sa sugal nakakarinig pa ng sermon.
"Baka nakakalimutan mo Easton, ama mo parin ako may karapatan pa rin akong maglabas ng pera kung gugustuhin ko!" Umigting ang panga ni Easton dahil sa pagpipigil ng galit.
"Yang baluktot niyong pag-iisip ang magpapabagsak sa kompanya! Yang mga wina-waldas mong pera, may panggagamitan ako dyan! Parang hindi niyo hinawakan ang Harrison's Corporation! Oras na malugi 'to hindi niyo na ako maaasahan pa, tandaan mo yan tanda!" Mariin niyang sabi sa kanyang ama, walang ekspresyon ang mukha nitong tumingin sa stepmother niya.
"Isa kapa! Simula noong dumating ka sa buhay namin nagkanda malas-malas na!" Nagngingitngit sa galit si Easton na bumaba sa hagdan.
Padabog siyang sumakay sa kanyang kotse, pinagsusuntok niya ang manibela ng sasakyan niya. Pinaharurot na ni Easton paalis sa mansyon. Kailangan niya muna magpalamig. Dahil walang mangyayari kung laging mainit ang kanyang ulo.
Tinawagan niya ang kanyang sekretarya, agad naman itong sumagot.
"Magbabakasyon ako ng isang linggo, ikaw muna ang bahala dyan. Lahat ng meetings ko i-cancel mo." Malamig niyang sabi bago ito babaan ng tawag. Hindi man lang niya hinintay na makapagsalita ang ginang.
Umuwi muna siya sa condo niya dahil kukuha ng mga gamit. Balak niyang pumunta sa Baguio para mag unwind.
Simula namatay ang kanyang ina, tuluyan ng nagbago ang ama ng binata. Hindi naman ito lulong sa sugal, natuto lang siya nang makilala ang stepmother niya ngayon. Simula noong mag-asawa muli ang ama ay hindi na siya umuwi sa kanila. Pumupunta pa rin naman siya doon, pero hindi na nagtatagal. Mainit ang dugo niya sa kanyang stepmother, dahil alam niyang pera lang ang habol nito sa kanila.
Nag-iwan ng messages si Easton kay Mr. Flores, para sabihing ipa-book siya ng hotel sa Baguio.
Nang maayos na niya ang mga damit. Tumawag siya kay Bobby Harward isa sa mga kaibigan niya.
"Zup dude!" Bungad niya kay Easton, kumunot ang kanyang noo dahil may narinig siyang ungol.
"Sino na namang babae yang kasama mo? hindi na ako magtataka kung may tulo ka ng hayop ka!" Malamig niyang sabi sa kaibigan, tumawa naman si Bobby.
"Mamaya ka na tumawag, wrong timing ka eh!" Napailing nalang si Easton bago ibaba ang tawag.
Nag-focus na lang siya sa pagmamaneho. Mahaba-haba ang kanyang biyahe, siguradong madaling araw na siya makakarating sa Baguio.
Pagkarating sa Baguio, mabilis na nag-check in si Easton sa hotel kung saan siya tutuloy. Pagkatapos ay dumiretso sa isang sikat na bar. Pagpasok niya ay napansin niyang maraming tao pa rin ang lugar, na ang ilan ay lasing na.
Pumunta si Easton sa bartender at agad na nag-order ng matatapang na inuming alkohol. Habang hinihintay niya ang kanyang order ay lumapit sa kanya ang isang napakaganda at matangkad na babae. Malamig niya itong tingnan.
"Hi." Malumanay na tono ang sinalubong ng babae ngunit malamig na titig ang itinugon niya rito.
Bagama't may pagkahumaling siya sa mga babae, masyado siyang pihikan. Hindi siya yung tipong lalapit lang kahit kanino. Dahil ang tingin niya sa mga babae, pera lang yung gusto dahil ganun ang iba niyang naging kalaguyo.
"I'm not attracted to you," malamig niyang sabi. Tumaas ang kilay ng babae at tahimik na tumawa. Ito ang unang pagkakataon na nakatagpo siya ng lalaking hindi nagpakita ng interes sa kanya.
"Gusto lang kitang makilala," she expressed, her smile still present. Lalong nakaramdam ng pagkairita si Easton. Tumayo ang binata at umiwas ng tingin sa kanya. Ang babae, na nakakaramdam ng pagkainis sa binata, hinayaan na lang niyan si Easton na umalis.
Habang naglalakad ang binata ay naghanap siya ng pwedeng mapwestohan. Napunta ang mga mata niya sa isang sulok, kung saan nakaupo ang isang babae. Napatingin sa kanya ang dalaga, at nagtama ang kanilang mga mata. Para bang nag-slow motion ang paligid ni Easton.
Ang dalaga ay nagtataglay ng isang nakamamanghang hitsura, ang kanyang maganda, inosente at dalisay na mukha ay nagpapataas ng kanyang kaakit-akit.
"She looks like a celestial entity who has fallen to Earth," he murmured softly, naglakad siya palapit sa dalaga.
"Hi, are you alone?" Nakangiting tanong niya sa dalaga, tumango naman ito bago nagsalita.
"May nakikita kabang kasama ko? O baka may nakikita kang hindi ko nakikita?" Sarkastikong pabalik na tanong ng dalaga, mahina siyang natawa.
"I'm Easton, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Nakangiti pa rin niyang tanong. Ngumiti ang dalaga na lalong nakadagdag sa kanyang kagandahan.
"I'm Eli, nice to meet you Mr. Easton." Magalang na pagpapakilala ng dalaga, bago makipagkamay sa binata.