Chapter 18 Lawrence's P.O.V Nakatingin ako kay Ate na busy sa pagpapadede kay Zephyrine, ang anak nilang babae ni kuya Lenus. "Paano mo siya napapatahan agad?" tanong ko kay ate. Sumenyas naman si ate na huwag ako magulo. "Kapag ina ka na, ramdam mo 'yung need ng anak mo. Na se-sense kong gusto niya ng dede kaya papadedehin ko siya." Napatango naman ako sa sinabi ni ate, ganoon rin kaya si Eryl sa magiging anak niya? Paano kapag parehong nagutom? Mabuti na lang at nandito ako. "Nu'ng nanganak ka, sobrang sakit ba?" tanong ko. "Labor, oo. Kapag mabilis lumabas ang baby, hindi sobrang hirap. Kapag normal 'yon, pero kapag Cesarean naman after birth ang mahirap," sagot ni ate sa tanong ko. Napatango naman ako sa kaniya. "Bakit hindi ka nag-breast feed?" tanong