Chapter 10 Joeryl's P. O. V "Hindi ko na siya gusto para sa 'yo." Napayuko ako sa sinabi ni Papa. Nakatitig lang sa akin si Mirela. Naawa din naman ako sa sarili ko, palagi ko na lang sinisisi ang sarili ko. "Pakiramdam ko wala na akong nagawang tama--" Ela cut me off. "Ate, alam mong hindi 'yan totoo," sabi niya. "Kahit gaano pa katigas ang ulo mo, kahit sobrang kulit mo, kahit ang daming mali sa 'yo. Bilang isang lalakeng tunay na nagmamahal sa 'yo. Gagawa at gagawa siya ng paraan para maramdaman mong mahal ka niya. Ganoon ang ginawa ko sa Mama niyo at kung hindi niya kaya tapatan ang pagmamahal ko sa inyo at sa Ina niyo. Hindi ako pumapayag," seryosong sabi ni Papa. "Sorry po... Mahal ko po siya, Pa. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi po ba, walang perpektong re