Chapter 12 Joeryl's P. O. V Malungkot ako buong klase. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng lola ni Ruzzel sa akin. Naiintindihan ko naman kung minamaliit niya ang trabaho ni Papa dahil... Sa totoo lang ay walang wala kung ikukumpara sa kanila. Ang masakit lang, wala namang masama sa trabaho ni Papa at marangal iyon, pinagpapaguran. Bakit hindi niya man lang na-appreciate iyon? Wala man lang konsidirasyon. "Kulang ka sa isaw 'no?" biglang sambit ni Rence. Naramdaman ko ang braso niya sa balikat ko, mas hinigit niya pa ako papalapit sa kaniya. Habang patawid kami ng kalsada at naka-akbay lamang ako sa kaniya. "Ilang isaw ba kailangan para ngumiti ka na?" tanong ni Rence. "Baliw, hindi naman kasi isaw. Nasaan ba si Sabeth?" tanong ko. "Nagpunta pa sa prof niya. Kak