Chapter 14 Joeryl's P.O.V Weeks passed. Madaming nabago. Natuloy ang relasyon namin ni Ruzzel, samantalang hindi na maayos ang pagkakaibigan namin ni Rence. He couldn't look at me straight in my eyes. "Ako na lang sasama sa 'yo sa pageant mo," sabi ni Sabeth at pilit na ngumiti. Napatingin ako kay Rence, kasama niya ang mga kaklase niya at kumakain sila ng isaw. Hindi ko maiwasang hindi maging malungkot, heto ang ayoko mangyare, 'yung mawala ang pagkakaibigan namin. "Nakausap ko si Rence kaninang Recess. Nagsisisi siyang umamin siya sa 'yo, wala pa daw siyang lakas ng loob magsalita sa 'yo," Hinawakan ni Sabeth ang kamay ko. Pinanlakihan niya ako ng mata dahil alam niyang malungkot ako. Ano namang magagawa ko? Hindi ko kaya mawala si Rence pero nangyare na. Hinila