USAPAN

2046 Words

Hanggang sa dumating na ang mga in-order na pagkain ay halos ayaw kong mag-angat ng tingin sa gawi ni Larwin. Nagsasalita naman siya pero hindi gano’n kadalas. Napapansin ko rin ang paglingon lingon niya dito sa gawi ko kaya daig ko pa ang nalunok ang sariling dila dahil hindi ako makapagsalita! Ano ba naman ‘yan, Maureen? Mahahalata ka dahil d’yan sa ginagawa mong pananahimik! Umayos ako ng upo at saka pinilit ang sarili na makipag usap kay Architect Yura. Tumatawa ako pero pakiramdam ko ay napapasobra kaya inis na inis ako sa sarili ko lalo na kapag nakikita kong napapatagal ang titig ni Larwin sa akin! Baka iniisip niya ay nagpapapansin ako sa kanya dahil tawa ako nang tawa dito dahil natatawa ako sa mga sinasabi ni Architect Yura! “Tawa ka nang tawa huh? Gusto mo na bang mag-asawa?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD