chapter 1
"shanaya pov"
" ang boring naman " sa isip ni shanaya wala kasi sya maisip na gawin.wala kc ang kaibigan nyang si maya nag lalaba pa daw sa ilog sabi ng mama nya.
nakatira kc si shanaya sa probinsya ng bukidnon masarap ang hangin at masaya ang buhay nya.madaming kaibigan at walang tao na hindi mahal si shanaya likas na kasi saknya ang pagiging mabait at matulongin naganda si shanaya 5'6 ang height at may magandang katawan malaki ang hinaharap makinis ang kutis kahit na sya ang morena maliit ang labi matangos ang ilong at masarap kasama .
"puntahan ko kaya si maya sa ilog ng may magawa ako"
agad na tumayo si shanaya sa pagkakahiga nya sa kama at nag shot ng maikling short at t'shirt. pag baba nya sa hagdan
agad syang nag paalam sa lola nya.
"la punta muna ako sa ilog tutulongan ko si maya mag laba ng may makasama ako mag laro ng basketball mamaya sa court"
"oh sha sige mag iingat ka sa daan apo "
"opo lola kung maganda "sabay halik sa pisngi ng lola
"asus ang apo ko talaga nambola pa"
"sige la lalarga na po ako"
at agad ng tumakbo si shanaya pa labas ng gate.
maliit lang ang bahay ng lola ni shanaya two story ang bahay ng lola nya di mo mahahalatang may kaya sa buhay ang pamilya ni shanaya simple lang kc ang bahay nila pati pananamit may dalawang katulong at tatlong sasakyan na di naman lagi ginagamit ng pamilya pag pupunta kasi sila sa bayan mag gusto nila mag trisikil kaysa mag sasakyan .
ayaw kasi nila ng agaw pansin at pag usapan ng tao .mas gusto din nila mamili sa pam publikong bilihan kaysa sa mall mas fresh at mas quality kasi ang nabibili sa palingke .
habang naglalakad si shanaya sa daan may nakasalubong siyang may edad na babae di nya kilala siguro dayo lang sa lugar nila at may dinalaw na kamag anak kaya di nya kilala ang mukha.dahil likas kay shanaya ang pag tulong sa kapwa agad nya nilapitan ang matanda at tinanong.
"lola nawawala ka po ba ?" tanong ni shanaya sa matanda
" hindi ining nag lalakad lakad lang ako kasi inaayos pa ng driver ko ang sasakyan nasiraan kasi kami at naiinip na ako kaya nag lakad lakad ako dito " sabi ng lola
" ay! ganon po ba nako malayo layo pa naman po ang mga bahay bahay dito lola baka makain ka ng tyanak sa daan hehehe " pabiro na sabi ni shanaya
" ay nako ining di na ako kaya ng tyanak kainin makunat na ang balat ko baka mawalan sila ng ngipin " pabiro na sagot naman ng matanda
" ay oo nga pala lola gusto mo po bang samahan na muna kita dito para di ka mainip sasayawan kita " sabi naman ni shamaya
" magaling kang sumayaw ining? "
" aba! lola watch and learn" sabay tawa ni shanaya at kinuha nya ang kanyang cellphone para mag hanap ng togtog ng pang saayaw at ng nahanap na nya ay agad nya dinala ang matanda sa gili ng may nakita siya malinis at malapad ba bato at don nya pina upo ang lola.
sinayawan ni shanaya ang matanda ng "shutdown" by black pink sa lambot ng katawan ni shanaya namangha ang matanda ng nakita nya na magaling sumayaw si shanaya at sinasabayan pa nya ang kanta na kanyang sinasayaw.pagka tapos ng kanta at sayaw ni shanaya may pumalakpak isa na don ang matanda na namamangha sa angkin nyang ganda habang sumasayaw halata ng matanda na masaya sya sa ginagawa nya kasi habang sumasayaw at kanta si shanaya nakangite pa sya .
di namalayan ni shanaya na madami na pala ang tao na nanunuod sakanya naka fucos kasi sya sa sayaw at kanta nya kaya nakalimotan nya nasa labas pala sya ng bahay nila at wla sa studio nya . lahat ng taong dumadaan ay huminto para panuorin ang magandang sayaw ni shanaya may nag vedio pa at pumapalakpak.
"maraming salamat po " nahihiyang sabi ni shanaya
"ang galing galing mo naman ining " sabi ng lola na sinamahan nya
"ang galing "
"ang lambot ng katawan "
"sana all" kuminto ng mga nanunuod
" salamat po " ang nasabi nalang ni shanaya habang namumula ang pisngi
nagsialisan na din ang mga tao na may ngiti sa labi dahil nakakita sila ng magandang preformance para sila nakapanuod ng live dance consert dahil sa galing ni shanaya habang ang matanda naman ay namamangha sa angking galing ni shanaya .
"san ka natoto sumayaw at kumanta ining" tanong ng matanda
"wala lola libangan ko lang po talaga yan pag wala akong ginagawa" sagot naman ni shanaya
di alam ni shanaya na isa sa mga nakapanuod sa kanya kanina ay si jay shion habang pabalik c shion sa kotse nila na inaayos nasaisip pa din nya ang muka ng babae na masayang nagsasayaw na para bang wlang pakialam na madami ng nakakapanood sakanya .
"sino kaya yon? subrang galing naman nya at maganda pa " sa isip ni shion na parang di pa naka get over sa kanyang napanuod.nang sumakay na ang lola ni shoin di nya namalayan na pinag mamasdan na pala siya ng lola nya habang natulala sa kawalan.
"apo may nangyari ba sayo? may problima ka bang malaki sa kompanya?" nasabi nalang ng matanda feeling nya kasi malaki ang problima ng apo sa lalim ng kanyan iniisip di nya na namalayan na anjan na pala ang lola nya nakabalik na galing nagpahangin sa labas .
" wala ito lola may iniisip lang ako" baliwalang sabi ni shoin pero d padin mawala sa isip nya ang mukha ng babae subrang lakas ng t***k ng puso nya na ni minsan di nya naranasan sa mga babaing nka fling nya sa maynila.
habang si shanaya naman masayang naglalakad habang binabati ng mga nakakasalubong nya na mga kakilala
kilala kasi si shanaya sa baranggay nila dahil sa walang palya ang panalo nila ng team ng girls basketball may dumadayo pa galing sa ibang bayan para makalaban sila minsan pustahan minsan naman laro laro lang ang talo bibili ng coke .lahat ng napanalonan ni shanaya sa mga laro nila ng ka team nya ang binibili nila ng mga sangkap at nag luluto sila para ipa kain sa mga kababayan nila lalong lalo na sa baranggay nila na madami ang mga taong hikahos sa buhay minsan lang makatikim ng masarap na ulam .
sa lahat ng laro ng team ni shanaya ay inaalay nila sa mga ka baranggay nila.kaya tuwing may dayo para makipag laro sakanila ay para may paliga ang baranggay sahil sa dami ng tao.
kaya na bobored si shanaya kasi di nag text si ontoy ang kaibigan nya na lagi nagbabalita sakanya tuwing may laban sila kaya habang di pa busy si shanaya tutulongan nya muna si maya maglaba para malibang sya.