CHAPTER TWO

2429 Words
For your safety, please stay on the yellow line... “I HATE this day!” Mayumi hissed through gritted teeth as the door closed, slamming straight to her face. “Oy, dahan-dahan naman! Kanina pa ako naiipit dito!” reklamo ng isang commuter. “Arte mo naman, miss! Ayaw mo pala maipit, di sana nag-taxi ka.” Sagot naman ng antipatikong lalaki. Nakatayo ito sa tabi ng babaeng reklamador. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga bago frustrated na umiling. Reklamador din naman siya at maarte pero depende naman sa sitwasyon. Isa pa nauunawaan naman niya kung bakit ganoon ka-hype ang mga tao. Bukod kasi sa ber-month na ay tuluyan nang nawala ang virus na nagdulot ng matinding pagbabago sa buong mundo. The world finally bid goodbye to masks, face shields, redundant lockdowns, and constant isolations. Herd immunity was successful; everything's back to the way it was. Free at last. Ipinagpapasalamat niya ang katotohanang iyon, kaya lang sadyang nakakairita ang sitwasyong kanyang kinasadlakan ngayon. Given she has a handful of pet peeves such as braggarts, spoilers of endings may it be a book or a movie, dumb internet memes, people who take days to respond on email or text, and the list goes on. But being squeezed on a bustling crowd inside a mass transit was the ultimate frenzy that grates her nerves. The feeling of rubbing skin and sweat, of inhaling the same air, the endless pushing and pulling was high key stressing her. Sakaling nagkataon na disco pub iyon ay malamang na ikinasiya pa sana niya. Kung bakit kasi sinunod niya pa ang suhestiyon ni Andi, tuloy ay nagsisisi siyang tunay. She was still musing in her bubble of thoughts when the door opened hastily. Halos hindi magkamayaw ang mga lumalabas at nagtatangkang pumasok. It was like a f*****g zombie apocalypse! Napahigpit tuloy ang kapit niya sa handrail at sa stroller. More than anything else, she have to protect her baby. “Mga pasaway,” she grumbled. Hinila niya ang trolley palapit sa kanya. “Ikaw nga ang pasaway, eh. Alam mong may dala kang bata tapos dito ka sasakay.” Her head automatically snapped toward the cunt standing by her side. The girl was wearing a uniform of a well-known university and has a magnetic nameplate fastened on the upper right corner of the long-sleeve blouse. Yes, the rascal was pretty, still Yumi was triggered by her attitude. Inirapan niya ito. Pasalamat pa nga ang inday at suot niya ang Buvelle shades. Dahil kung hindi ay siguradong mas mai-imbyerna ito sa paraan ng pag-irap niya. “Ewan ko ba sa ibang tao, may priority lane naman para sa mga may bitbit na bata at matatanda pero dito pa rin sumiksik!” mainit na bira ulit ng babae. “Ang ganda nga ng awrahan pero shunga-shunga naman.” Aba't intrimitida talaga! At tinawag pa akong shunga-shunga. The nerve of this b***h!” She mentally hissed before letting out a heavy sigh. Kailangan niyang kumalma. Ayaw niyang patulan ang basher na ito kaya lalaitin na lang niya sa isipan. Hindi naman talaga alam ng dalaga na bawal doon ang may bitbit na stroller. Paano ba naman sa buong buhay niya dalawang beses pa lang siyang nakakasakay sa MRT. Unang beses ay noong college siya at nagbakasyon sa bahay ng tiyuhin na si Lambert, at sinisiguro niyang itong pagsakay niya ngayon ay huli na. Madalas siyang naka-kotse at kung hindi lang iyon nasira ay malamang hindi niya nakaharap ang huli. Her lips hardly pressed together. She wouldn’t want to argue with a random tramp in public. Hindi bagay sa regal beauty niya. “Dala pa ng stroller, muntanga lang, eh.” Okay that was enough. She'd been humiliated thoroughly. Papatulan na niya ito! Isang mahaba at malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Mayumi bago ibinaling muli ang tingin sa batang walang modo. Pero ang balak niya ay naudlot dahil bumukas ulit ang pintuan dahilan para mabangga siya ng mga bagong sakay na pasahero. “Ouch!” Mayumi snarled at the man who just got in. Nasagi kasi nito ang kanyang balikat. “I'm sorry, miss.” He apologized right away. The baritone, sexy voice of the man slithered through her ears. Dahil nasa likuran niya ang lalaki hindi niya tuloy masipat kung ang hitsura nito ay kasing-gwapo rin kaya ng kanyang boses. She made a sideways glance and was greeted by his veiny hands with long, dominant fingers that clamped against the handrail. Their bodies were knit-close, Yumi could smell his arousing scent. Napapikit tuloy ang dalaga habang ninanamnam ang mabining amoy nito. She was still in that position when her phone vibrated. Agad niyang dinukot ang gadget sa bulsa ng suot na boyfriend jeans. “San ka na ‘teh?” Andilyn asked from the other line. “Maybe on earth?” She was sarcastic. Naiinis pa rin siya sa kaibigan dahil sa nakakaurat na suggestion nito. Lagot talaga ito mamaya pagdating niya sa La Gueza. Another reason was she doesn’t like it when she takes a call in public where everyone was free to listen. Kinailangan niya lang sagutin ang tawag ng kaibigan dahil alam niyang nag-aalala na ito. Bilang hindi siya sanay makipagbalyahan sa ganoong uri ng transportasyon ay malamang na iniisip ng huli kung saang lupalop na siya nakarating. “Don’t get salty, sweetie.” Tumawa si Andilyn. “Just get here, we're waiting for you.” “Whatever, b***h!” she ended the call. Tapos ay iniikot niya ang tingin, hinanap ng mga mata niya iyong antipatikang estudyante kanina. Sa wakas malayo na ito sa pwesto niya. Maarte siyang ngumisi at bigla din napalitan ng pagngiwi. Kundangan ba naman ay pumreno ng bongga ang tren. Halos masubsob siya sa pintuan, pero ang higit niyang binigyang-pansin ay ang matigas na bagay na nakadaiti sa kanyang pang-upo. She was stunned by the tremendous amount of heat coming from their pressed bodies. It was crazy, but she liked it. She really do! Kasunod niyang narinig ay ang malakas na pagtikhim ng lalaki. “I’m sorry…again” the guy breathed, almost touching her face. His minty, fresh breath fanning against the shell of her ear. Baliw na siya dahil pakiramdam niya ay inaakit siya nito. Dapat ay magalit siya pero hindi iyon ang idinidikta ng kanyang isipan at katawan. Naramdaman niya ang pagkalas nito, unti-unting nawala ang init na nakahakab sa kanya kani-kanina lang. She wanted to see his face even just a glimpse; wanted to know his name! Alright, she would do this. She gathered all her strength and was about to peep at him, but it was interrupted by a familiar voice. Damn. “Guadalupe Station.” The driver announced. Nakagat ni Mayumi ang ibabang labi sa pagpipigil na ‘di makapagmura. Iyon na nga lang sana ang pambawi sa yamot na naramdaman niya tapos naunsiyami pa. “Nice timing.” Tumaltak ang lalaki. She heard the man said and promptly alighted the train. There was a disappointment in his voice, she's certain about it. Sinundan niya ng tingin ang malapad na likod ng lalaki habang papalayo ang bulto nito. Matangkad ito at nakasuot ng grey hoodie jacket. Sayang hindi niya nasilayan ang mukha nito. She silently wished their paths would cross again. Strange, yes, but she was f*****g intrigued. Baliw na talaga siya. Saglit siyang nawala sa huwisyo kaya naman nang bumalik sa katinuan ay saka pa lamang niya naalalang doon rin pala ang kanyang destinasyon. “Oh, no! Dito rin pala ako bababa.” Mabuti at hindi siya naipit sa papasarang pintuan ng tren. May pagmamadaling itinulak palabas ang stroller at saka huminga ng mabagal. Pagkatapos ay sinilip niya si Dollar na mahimbing pa rin ang tulog. Ang bait talaga ng anak niya at hindi man lang nag-tantrums. Her baby deserves a treat. Marahan niyang itinulak ang trolley at tinungo ang elevator. Pagdating sa groundfloor ay kaagad niyang nakita ang mga nakahilerang taxi. Ang totoo ay hindi rin trip ng dalaga ang pagsakay sa mga taxi pero mas pipiliin niya na iyon kaysa sumakay sa siksikang jeep. Kinuha niya muna ang plate number ng taxi bago sinabi sa driver kung saan ang kanyang destinasyon. ———— “WHAT took you so long?” “Na-trapik ako sa MRT.” Alistair snickered as he looked at Katherine's crumpled face. His sister called him to run some errands for her upcoming event tomorrow. Erin was the organizer for a “zombie flash mob” theme in Ortigas. It was a Halloween Party for a cause. Mahilig ang kapatid niya sa mga ganoong pakulo na suportado naman niya. At ngayon nga ay nag-meet na lang sila sa isang mall. Mamimili daw ito ng mga goodies na ipapamimigay sa mga dadalo at ng costume na rin. “Ang tagal mo, gutom na tuloy ako.” Katherine pouted and rolled her eyes. “Pasensya na mahal na prinsesa,” he jested, grinning. Inabot niya ang backpack ng kapatid bago isinukbit sa kanyang balikat. “Saan mo gustong kumain?” “Kahit saan po. Ikaw naman magbabayad, eh.” Ngumiti ng pagkatamis-tamis ang dalaga. “Says who?” “Says me.” Mabilis na sagot ng nakababatang kapatid. “Isusumbong kita kay Mommy ‘pag tinipid mo ako sa pagkain.” Natawa si Ali dahil doon. Slim si Erin pero malakas kumain. Nagtataka na nga siya kung saan inilalagay ng kapatid ang mga kinakain nito. Sa isang pang-masang food chain niya dinala ang kapatid dahil mahilig ito sa extra rice. At tulad ng nakasanayan nila tuwing pumupunta doon ay kakain sila ng naka-kamay. May isang beses kasi na kumain sila tapos itong si Erin ay gigil na gigil sa chicken inasal. Sa sobrang gigil ay tumalsik ang manok sa counter area kaya mula noon ay pinili nitong magkamay kapag kakain doon. Sa tuwing naaalala iyon ng binata ay hindi niya mapigilang humagalpak ng tawa. “Nako, Kuya, alam ko ‘yang mga ganyang tawa mo.” Inirapan siya ng kapatid. Uminom ng tubig si Ali at umiling. “What? Wala naman akong sinasabi, ah. Kumakain lang ako dito.” “Sus! Wala kang maloloko dito, Kuya.” “Sige na, sige na. Kumain ka na lang dyan.” Itinulak niya palapit sa kapatid ang chicken oil na agad nitong kinuha. “Oo nga pala, sabi mo sumakay ka sa MRT,” si Erin habang tinataktakan ng chicken oil ang umuusok na kanin. “Yup. Why?” Nilunok muna ni Erin ang nginunguya bago nagsalita ulit. “Buti hindi ka pinagkaguluhan doon. People are all over the place.” “Naka-shades ako, saka di ba eto,” itinuro niya ang hoodie. “Concern ka rin pala sa Kuya mo kahit paano.” “Concern my ass! Hindi po kaya ako nagwo-worry sa'yo. Nanghihinayang nga ako kasi hindi ka dinumog doon.” Ngumisi ang dalaga. “Ah, gano'n ba?” Sumandok siya ng kaunti sa special halu-halo at nilaro-laro iyon. “Hindi ko na siguro bibilhin ‘yung bagong issue ng magazine na gusto mo. Nagbago na isip ko.” Nabitin ang akmang pagsubo ng pagkain ng kapatid. Nakaawang ang bibig nito habang nakatitig sa kanya. He clasped his lips together, trying so hard not to chortle. Bukod sa mga kakaibang aktibidades ng kapatid ay trip din nito ang pangongolekta ng mga mamahaling fashion and beauty magazines. Erin's fashion style was always snatched. Siya ang tipong hindi nagpapahuli kung ano ang uso. Typical youngster of her generation. “I was just kidding.” Ngumuso ito. “Grabe ang tanda mo na kasi kaya nagiging sensitive ka na po.” Umayos sa pagkakaupo si Ali bago nginisihan ang kapatid. “Balita ko may special column daw do'n si Avva Mischonne.” His brows wriggling up and down. Nalaman niya ang scoop sa isa pa niyang kapatid, si Leona. Namilog ang mga mata ng dalaga. Avva Mischonne was her favorite fashion icon. Half-Italian, half-Filipina ang idol nito. Tuluyan nang nawalan ng gana si Erin at bigla na lang nilagok ang malamig na tubig. “O, tapos ka na kumain?” “Opo.” Matamlay ang boses ng bata. Pagkatapos doon ay derecho sila sa supermarket para bilhin ang lahat ng kailangan ni Erin. Nang makalabas ay saka pa lang siya kinausap ulit ng bunsong kapatid. “Kuya, restroom muna ako.” “Sure. Puntahan mo na lang ako sa Chat Box once you're done.” “Sige po.” Tumalikod na ito pero bigla din pumihit paharap. “Bili mo din ako milk tea, Kuya.” Matamlay pa rin ang boses. Tahimik siyang tumango saka sinundan ito ng tingin. Nang masigurong nakapasok na sa restroom si Erin ay nagmamadaling tinungo ni Ali ang bookstore. Mabilis niyang kinuha sa isang rack ang latest issue ng BLIXS, agad na binayaran sa counter saka umalis doon. Naabutan ni Erin ang Kuya niya na may kausap sa mobile phone kaya inatake niya na lang ang T-sugar milk tea. Paborito niya iyon. “Alright. See you Sunday.” Ali ended the call and swiftly glance at his sister. “Who were you talking to?” “Uncle Drei.” Umayos siya ng pagkakaupo. “Ah. Why? Did something happen?” Erin curiously asked. “No. It's just that he ask for my service.” “What exactly is that?” naiinip na tanong ng kapatid. “To be a booze consultant. I mean for cocktails improvement in SB.” Humiwa sa hangin ang matinding irap ni Erin bago muling nagsalita. “I don’t believe you, Kuya. SB has a lot of party animals at night, alam kong babae ang main goal mo do'n.” Ali sneered. Pangalawa lang naman sa dahilan iyong sinabi ni Erin kasi ang totoo hindi niya matanggihan si Dranrei Leviste. Kaibigang matalik iyon ng kanilang ama. Then he handed her a paper bag, she took it mindlessly. “What’s this for?” she apathetically huffed. “Open it.” Agad na binuksan ni Erin iyon at kapagdaka ay tumayo. She jumped up and down, smiling widely now. Pinagmasdan lang ni Ali ang kapatid hanggang sa mapagod at muling naupo. “Thank you so much, Kuya!” “No worries, princess.” Dahil nagmamadaling umuwi si Erin ay ipinasya nilang i-take out na lang ang mga inumin. Pumara ng taxi si Ali at habang biyahe ay sumagi sa isipan niya ang mainit na eksena sa MRT. Hindi niya malimutan ang nakakaakit na amoy ng babae. It was as if engraved into his soul. He squeezed his eyes shut and cross–fingered hope that maybe next time their paths would meet again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD