Chapter 7 : Hinala ni Margo
"Buwisit! Paano nangyaring biglang lumubog ang mga paa natin at nagkaputik dito?!" iritadong sabi ni Tiffany habang punong-puno sila ng putik sa buong katawan dahil nang malaglag sila sa lumubog na semento roon ay tumalsik na rin sa mga ulo't katawan nila ang mga putik.
"Kainis! Pinagtitinginan na tuloy tayo," nahihiyang sabi ni Megan habang nagtatakip ng mukha.
"Tara na kaya sa banyo?!" aya ni Jem na nagtatakip na rin ng mukha. Hiyang-hiya na rin siya.
Isa-isa na silang umahon sa putikan. Nagtatakbo sila papunta sa malapit ng comport room roon. Mabuti na lang at walang tao sa banyo. Agad na ni-locked ni Clarissa ang pinto ng banyo.
"Nakakahiya. Lalo na kay Carson na bagong kakilala ni Trinity. Bet ko pa naman siya," sabi ni Tiffany.
"Wow! Talagang naisip mo pa ang lalaking iyon sa oras na ito?" hindi makapaniwalang sabi ni Margo na iirap-irap. Siya kasi ang halos buong mukha ang mayroong putik. Kitang-kita niya kanina kung paano siya pagtawanan ng mg student na nakakakita sa kanila.
"Pero, impyernes, guwapo nga ang Carson na iyon. Ang lakas maka-level sa mga bidang lalaki sa Hollywood movies. Kainis talaga ang Trinity na iyon, ang suwerte palagi sa mga lalaki," sabi naman ni Jem na nililinis ng ang sarili.
"Makakapasok pa kaya tayo nito? Wala pa naman akong extrang uniform sa locker cabinet ko," sabi ni Margo na pilit na nililinis ang sarili niya, pero ganoon pa rin, ayaw mawala ang mga putik sa puti niyang uniform.
"No choice, talagang uuwi na tayong lahat. Hindi tuloy natin mabu-buwisit si Trinity ngayon araw. Ang bilis nating karmahin ata," inis na sabi ni Clarissa na pumapadyak pa sa inis.
"Tara na, umuwi na muna tayo. Ako nang bahalang mag-message sa mga prof natin. Bukas na lang natin atupagin si Trinity," aya niya at saka sila lumabas sa banyo. Putikan pa rin sila kaya nagtatakip na lang sila ng mukha habang patungo sa parking area ng Neaveh University.
Pagdating doon ay mabilis silang pumasok sa sasakyan ni Tiffany.
"Buwisit na first day of school na ito. Isinusumpa ko ang araw na ito. Nakakahiya!" inis na sabi ni Tiffany.
"Totoo. Kasalanan ito ni Trinity. Kung hindi natin sila roon nakasalubong ay hindi sana tayo ang malulublob doon. Buwisit na talaga sa buhay natin ang babaeng iyon," sabi ni Jem.
Habang paandar na ang sasakyan ni Tiffany ay napapaisip si Margo. Dahil sa naguwapuhan din siya kay Carson kanina ay nakatitig siya rito. Nakita niya nakina na bago sumunod si Carson kina Trinity at Doti ay galit ang tingin nito sa kanila. Nang dumaan ito sa kanila ay tinititigan nito ang simento na pinagtatayuan nila at tila bumubulong ito ng mga lenggahe na hindi niya maintindihan. Pagkatapos noon ay bigla-bigla na lang silang nalaglag doon.
"Ang weird. Sobrang weird talaga," sabi ni Margo kaya napatingin sa kanya ang katabi niyang si Jem at Clarissa.
"Sino ang weird?" nagtatakang tanong ni Clarissa.
"Ang Carson na iyon," sagot niya.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Jem.
"Malakas ang kutob ko na siya ang may gawa kung bakit nalublob tayo sa putikan," sagot niya kaya natawa si Tiffany.
"Gaga ka talaga, Margo. Kakabasa mo iyan sa librong sikat ngayon, kaya kung anu-ano nang pinag-iisip mo," sagot ni Margo.
"Totoo. Iyong Moon Trap siguro ang nabasa niya. Na-inspired ang utak niya roon kaya ganyan iyan. Anong akala mo kay Carson, si Drusus o si Toscano?" sabat ni Megan na tumawa rin ng malakas.
"Pero, impyernes naman sa librong iyon, ang ganda rin. Kung totoo mang true story iyon ay nakakatakot isipin. Kawawa talaga si Tatiana na ikinulong sa buwan. Hindi tuloy sila nagkatuluyan ni Drusus," sabi ni Clarissa.
"Malay mo may book two. Hindi ba't sinabi ni Drusus na gaganti siya. Gagawin niya ang lahat para maibalik si Tatiana sa kanya," sabi ni Tiffany.
"Wow! Akala ko ba ay ayaw mong magbasa ng libro iyon? Bakit tila alam mo ang nangyari sa dulo ng story?" nagtatakang tanong ni Margo na siya naman ngayon ang tinatawanan.
"Bumili rin kasi ang kapatid ko no'n. Tapos na niyang basahin at nakita kong hahalang-halang sa lamesa namin ang librong iyon. Sikat na sikat iyon kaya naintriga na rin ako. Dinampot ko iyon sa lamesa at sinubukan ko ring basahin. Nagadahan naman ako sa kuwento kaya't tinapos ko na hanggang dulo," sagot ni Tiffany.
"Hindi niyo ba napapansin? Halos kamukha sa story ang p*****n na nagaganap sa Perno Town?" sabat na naman ni Margo.
"Feeling ko inspired ang librong iyon sa bayan natin. Dinagdagan na lang ng mga kung anu-ano para mas maganda. Pero, sigurado ako na kathang-isip na lamang sina Drusus at Toscano," sagot ni Megan.
"Sino ba kasi ang writer niyan? Masyadong ginalingan at halos ilang buwan na atang best seller ang 'Moon Trap' niya?" tanong ni Tiffany.
"God of the death ang nakalagay na pen name niya sa libro eh, siyempre, hindi siya magpapakilala. Karamihan naman sa mga writer eh, nagtatago. Pa-mystery ang mga iyan," sabi ni Megan na iirap-irap.
"Pero, marami akong naririnig na true story talaga siya. Totoong may Drusus at Toscano. Maaring si Toscano talaga ang pumapatay sa mga guwapong lalaki. Ayon diba sa libro ay kaya niya pinapatay ang mga guwapong lalaki ay dahil galit siya sa mga ito dahil pinaglalaruan lang nila ang mga kababaihan. Ang pagpatay sa kanila ang parang parusa ni Toscano sa kanila," seryosong sabi ni Margo kaya halos pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan niyan.
"kung may weird man dito ay ikaw iyon, Margo. Naniniwala ka sa mga baliw na iyon. Tumigil ka sa kakaisip mong iyan kung ayaw mong itakwil ka na rin namin gaya ni Trinity," sabi ni Tiffany na inis na rin sa kanya.
"Fine," maikling sagot na lang ni Margo at saka siya umirap. Para sa kanya ay totoo ang bali-balita. Kaya nga ang mga pinsan niyang mga guwapo na babaero ay lumisan na sa Perno town. Kahit ang mga ito ay natatakot din mamatay.
Drusus or Toscano. Maaring isa sa kanila si Carson. Malakas ang kutob ko roon. Sabi ni Margo sa isip niya.
"Hindi ko hahayaan na mapunta kay Trinity si Carson. Akin siya at sisiguraduhin kong sa akin siya babagsak," seryosong sabi ni Tiffany.
"Don't worry, tutulungan ka namin," nakangising sagot ni Jem.
"Good luck, Tiffany," sabi na lang ni Margon nang ihinto na niya ang sasakyan. Siya ang una nitong hinatid dahil ito ang pinakamalapit sa school nila.
Pagbaba niya ay saka siya umirap sa mga ito. Napapailing siya. "Maaring na sa panganib din si Trinity. Good luck na lang din sa kanya," sabi niya habang papasok na sa gate nila.
--***--
Pagkatapos ng klase ay lumabas ng Nevaeh University sina Trinity at Doti para magmiryenda. Pumunta sila sa malapit na coffee shop doon.
"Ayoko mag-coffee. Mag-strawberry shake na lang ako at kabado ako nito buong maghapon. Tiyak na buong maghapon tayong mag
papakilala sa klase," sabi ni Trinity nang maupo na sila
"Strawberry shake lang? Mag-bake macaroni ka na rin, sagot ko," alok ni Doti.
"Sige, nakaka-miss ding kumain no'n," sagot niya kaya tumayo na si Doti para pumila sa counter.
Habang nakaupo si Trinity ay nakatanaw siya sa labas. Nakita niyang naglalakad mag-isa si Carson habang papunta sa isang restaurant din. Parang may magnet ang mga mata ng babae kapag dumadaan siya. Halos lahat ay nakatingin sa kanya.
"15 minutes daw," sabi ni Doti nang bumalik na siya sa upuan nila habang bitbit ang number nila.
"Look, siguradong kikita ang restaurant na pinasukan ni Carson. Sinusundan kasi siya ng mga kababaihan," turo ni Trinity sa katapat na restaurant na pinasukan ni Carson.
"Ang guwapo niya talaga. Ang saya lang dahil kaklase natin siya. Pero, teka, bet mo ba?" tanong ni Doti habang nakatitig sa mata niya.
Umiwas siya ng tingin at saka umirap. "Tigilan mo ako. Kamamatay lang ni Cedrick," sagot niya kahit ang totoo ay crush niya nga ito.
"Sigurado? Kilala kita, Trinity. Kapag trip mo ang isang lalaki, tinititigan mo ito ng matagal. Palagi kaya kitang nahuhuli kanina sa class room natin na nakatitig sa kanya."
"Fine. Crush lang," sagot niya kaya natawa na lang si Doti.
"Anyway, kumusta kaya sina Tiffany? Sigurado akong umuwi na sila," sabi niya na kinairap naman ni Doti.
"Hayaan mo na ang mga bruhang iyon. Kinarma tuloy sila!"
"Sorry nga pala kung hindi ko na nasabi sa iyo na nag-abot kaming lahat sa puntod ni Cedrick. Hindi ko inaasahan na inaabangan pala talaga nila ako nang araw na iyon. Ayoko kasi na nakikipag-away ka sa kanila. Pati tuloy ikaw ay nasasaktan nang dahil sa akin."
"Balita ko ay sinugod ng mama ni Jem ang Tita Indira mo. Nai-kuwento sa akin ni Jam dahil nagkita kami nang araw na iyon. Hindi ko alam na dahil pala sa iyo, kaya sumugod ang mama nila sa tita mo. Kung alam ko lang ay pinuntahan kita at kinamusta kita," sabi ni Doti habang umiirap sa kanya.
Dumating na ang order nila kaya ibinigay na ni Doti ang number nila sa crew ng restaurant na iyon. "Salamat," sabi ni Trinity nang ilapag ng crew sa kanya ang strawberry shake at ang bake macaroni niya.
Habang kumakain sila ay biglang naisip ni Trinity ang nangyari kanina kina Tiffany at sa mga kasama nito. "Napansin mo ba ang nangyari kanina kina Tiffany?" tanong niya bigla habang punong-puno ng bake macaroni ang bibig niya.
"Oo, tawang-tawa nga ako sa itsura nila eh," sagot ni Doti na natatawa habang hinihigop ang mainit niyang kape.
"Hindi iyon. Ang gara kasi. Paano nangyari na magkaroon ng putik doon?"
"Ano ka ba, Trinity, siyempre matagal nang itinayo ang Nevaeh University kaya hindi maiiwasan na may biglang gumuho sa mga bahagi ng school na iyon dahil dapok o luma na talaga." Tumango na lang si Trinity. Hindi kasi mawala sa isip niya ang matalim na ngisi ni Carson habang nakatingin sa mga sumisigaw na sina Tiffany habang nakalublob sa putik.
Pagkatapos nilang kumain ng miryenda ay bumalik na ulit sila sa Nevaeh University. Tumuloy sila sa kitchen ng school dahil doon ang sila pinapapunta ni Miss Grande. Bago magsimula ang klase ay isa-isa muna ulit silang nagpakilala sa harap. Nang magpakilala si Carson ay lumikha na naman ng ingay ang mga kababaihan. Pero nang si Trinity naman ang magpakilala ay sigawan naman ang mga kalalakihan sa kanya. Kung magbobotohan sa kung sino ang muse at escort ay mukhang alam na kung sino ang mananalo.
Pagkatapos magpakilala ay nag-tour na sila sa kitchen doon na halos kasing laki ng dalawang normal na room sa Neaveh University. Kumpleto ang lahat ng mga gamit doon. Dahilan para maging excited si Trinity sa pagluluto. Gusto niya ng subukan ang mga gamit doon na wala sa bahay nila. Sadyang kumikinang ang mga mata niya habang tinitigan ang mahaba at kakaibang kalan doon na mukhang updated dahil halos lahat ng ito ay gawa sa salamin.
"Kinikilig ako,"sabi niya sa katabi niyang si Doti.
"Dahil kay Carson?" panunura niya kaya kinurot niya sa tagiliran si Doti.
"Gaga, hindi sa kanyan, kundi sa mga kalan. Look, gawa ito sa salamin. Ang sosyal!" sabi niya kaya tumawa si Doti.
"Ang ganda nga, pero masarap ka bang magluto," pagmamayabang ni Doti.
"Wow! Palibhasa, masarap kang magluto kaya ka ganyan. Sa oras na mas gumaling ako sa iyo, ako naman ang lalait sa iyo," sabi niya kaya tumawa na naman si Doti.
"Biro lang. Alam ko naman na masarap ka ring magluto."
Nahuli ni Trinity na pinagmamasdan siya ni Carson kaya tinaasan niya ito ng kilay. Imbis na iwasan siya ng tingin ay nginitian pa siya nito. Siya na lang ang umiwas ng tingin dahil bigla siyang nahiya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaiba sa titig nito. Hindi niya sigurado kung kilig ba o takot ang nararamdaman niya.
"Bakit ka umiwas ng tingin?"
Nagulat si Trinity nang biglang lumitaw sa tabi niya si Carson nang ganoong kabilis. "Nakakagulat ka naman," sabi niya habang nakahawak sa dibdib niya.
"Sorry," sabi niya habang natatawa.
"Natuwa kasi ako sa iyo. Kumikinang ang mga mata mo sa mga kalan. Masarap ka bang magluto?" tanong nito sa kanya habang sinusundan siya sa paglalakad. Saktong umalis si Miss Grande kaya nagkaroon sila ng time para makapagliwaliw sa kitchen.
"Konti lang. Hindi pa ako gaanong magaling dahil madalas lang din akong gumaya ng mga luto sa tutorial sa social media," sagot niya habang natatawa.
"Hi, Carson," bati sa kanya ng ilang sa mga kaklase niya pero hindi niya ito pinapansin. Kay Trinity lang siya nakatuon ng pansin.
"Sumplado naman pala," iritang sabi ng dalawang babae na lumapit sa kanya.
"Hindi mo manlang pinansin ang mga kaklase natin," sabi ni Trinity.
"Hayaan mo nga sila. Alam naman nilang may kausap ako, iistorbohin nila tayo. Anyway, kung gusto mong gumaling sa pagluluto, puwede kitang turuan. Masarap akong magluto," pagmamayabang nito kaya ngumisi si Trinity.
"Wow! Sana all," sagot na lang niya.
"Puwede kang gumala sa bahay namin kung gusto mo. Kahit anong gusto mong i-request na luto ay kaya kong gawin," aya pa niya pero sadyang naiilang pa rin si Trinity sa kanya.
"Gusto ko sana, kaya lang ay hindi pa tayong gaanong magkakilala. Siguro, saka na kapag nakilala na kita nang lubos," sagot niya kaya ito naman ang tumawa sa kanya.
Mayamaya ay biglang pumasok ulit sa kitchen si Miss Grande kaya nabaling ang tingin nila sa kanya. "Guys, puwede na kayong umuwi, may emergency meeting kasi kami," anunsyo niya kaya nagsigawan ang lahat.
Pagkatapos no'n ay binalik ulit ni Carson ang tingin kay Trinity. "Look, hindi ako gaya ng iniisip mo. Akala mo siguro ay masama akong tao. Pero hindi naman kita masisisi dahil mukhang masyado nga akong mabilis. Parang feeling close nga ang dating ko. Basta, sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong. Saka na lang siguro kita i-invite ulit kapag may tiwala ka na sa akin," sabi niya at bago umalis ay kinindatan pa siya nito.
Napapailing na lang si Trinity habang nakatingin sa kanya na palabas na sa kitchen.
Ibang klase din. Ganyang-ganyan din si Cedrick noong una ko siyang makilala. Natatawa na lang tuloy si Trinity habang papalabas na rin siya sa kitchen.