Chapter 6 - First day of school

2747 Words
Chapter 6 : First day of school Alingawngaw ng alarm clock ni Trinity ang gumising sa kanya. Papungay-pungay siyang bumangon sa kama niya. Agad na tumapat sa mukha niya ang sinag ng araw na tumatagos sa nakabukas na bintana niya. Biglang kumabog ang dibdib niya nang maisip niyang ngayon ang first day of school niya sa Nevaeh University. Agad siyang tumayo at saka inayos ang kama niya. Pagbaba niya sa hagdanan ay bumungad sa ilong niya ang amoy ng bagong luto na fried rice. Nangiti siya. Hindi niya inaasahan na maagang babangon ang mama niya para ipagluto siya ng almusal. Kadalasan kasi tuwing babangon ito ay halos magtatanghalian na dahil palagi itong puyat sa kakapanuod ng korean drama. Dinaig pa siya. Kung minsan tuloy ay siya na ang nagluluto ng tanghalian nila. Hinahayaan naman niya ito dahil gusto niya ay palaging enjoy ang mama niya sa lahat ng bagay. Ayaw niyang mapares ito sa tiyahin niyang si Indira na halos nilalaan na ang oras sa puro kapootan sa buhay. Masyadong seryoso at palaging galit. "Mabuti naman at gising ka na. Akala ko e, ako pa ang gigising sa iyo," anito nang makita siyang maupo sa hapagkainan. Natuwa siya lalo nang makita ang mga nakahain sa lamesa. May hotdog, ham, longganisa, fried chicken at itlog. For the first time ay hindi lang kape at pandesal ang almusal niya ngayon. "Wow! Ang bongga po ng almusal ngayon!" sabi niya habang kumikinang ang mga mata sa mga pagkain sa lamesa. Nagtatalo sa ilong niya ang mga amoy ng ulam. "Sinadya ko talaga ito para matuwa ka naman. Baka kasi isipin mo na ginugutom kita. Saka, first day of school mo ngayon kaya dapat lang na masarap ang almusal mo," sagot nito sa kanya at saka siya inabutan ng plato, kutsara at tinidor. "Thank you, Ma. Natuwa ako, promise." "Oh, siya, kumain ka na at baka ma-late ka pa." Ilang minuto lang ang nakalipas ay tila dinilaan ng sawa ang plato ni Trinity. Tuwang-tuwa ang mama niya dahil kitang-kita niya kung paano mag-enjoy ngayong umaga sa pagkaing ng almusal ang anak niya. Ang totoo ay dahil sa pagkawala ni Tatiana ay kaya niya naisip na alagaan pang mabuti si Trinity kahit dalaga na ito. Naisip kasi niya na baka 'di ito nag-eenjoy sa kanya. Na baka hindi niya naibibigay ang gusto nito. Na baka 'di lang ito nagsasabi sa kanya dahil nahihiya. Ayaw niyang mangyari na pagdating ng araw ay kamuhian siya nito. Hindi niya kakayanin kung pati ito mawala pa sa kanya. Ilang taon pa namang maglalagi sa ibang bansa ang asawa niya dahil hanggang ngayon ay may hinuhulugan pa silang lupa para sa future nilang pamilya. Balak nilang ikuha ng lupa si Trinity para paglaki nito ay kasado na ang magiging buhay nito. Ayaw nila na maranasan nito ang naging buhay nila dati na halos hindi na kumakain ng almusal, makapasok lang sa eskuwelahan. Patayo na si Trinity para pumunta sa banyo nang bigla siyang tawagin ni Tessa. "Anak?" Napalingon si Trinity na tila nagulat sa pagtawag nito sa kanya. "Bakit po?" "Kapag may kailangan ka, mag-sabi ka lang, ha? Huwag kang mahiya dahil may pera naman tayo," sabi niya kaya nagulat si Trinity. "Wala naman po akong kailangan," sagot niya agad. "Kapag may problema ka, mag-sabi ka lang din. Nandito lang ako, anak," seryoso pa rin niyang sabi. "Ma, ayos ka lang ba? May sakit ka ba? Hindi ako sanay na ganyan ka," sagot ni Trinity kaya napairap si Tessa. "Maligo ka na nga at baka ma-late ka pa," sabi na lang niya at saka siya tinalikuran. Iiling-iling na pumasok sa banyo si Trinity. Bago siya tuluyang naligo ay pinatugtog niya muna ang playlist ng mga favorite song nila ni Cedrick. Nakasanayan na niya itong gawin kahit noong nabubuhay pa si Cedrick. Bigla tuloy niyang naalala ang lalaking nakasabay niya kahapon sa tricycle. Tumatak sa kanya ang mukha nito dahil parang nakita niya si Cedrick sa pagkatao nito. Dahil na rin sa magkamuka sila ng pabango nito. "Sana makita ko siya ulit," mahina niyang sabi habang nagbababad sa bathtub. Hindi mawala sa isip niya ang mukha nito nang dumungaw siya sa tricycle para lang magpakilala sa kanya. Pagkatapos maligo ay agad na siyang tumungo sa kuwarto niya para magbihis. Hang sinusuot na niya ang uniform niya ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Nakita niyang si Doti iyon kaya agad niyang sinagot. "Yes?" "Nakagayak ka na ba?" tanong nito sa kabilang linya. "Yes," maikli niyang sagot habang naglalagay na siya ng liptint. Iyon lang ay sapat na sa kanya. Hindi na kailangan ng mga powder at kung anu-ano pang kolorete. "Good. Sumabay ka na sa akin at dadalhin ko kasi ang sasakyan ko," sabi nito kaya natuwa siya. Mabuti naman at hindi na siya magta-tricycle. Nalibre pa siya ng pamasahe ngayon. "I'm ready na kaya palabas na rin ako," sabi pa niya habang sinusukbit na ang bag niya sa likod niya. "Okay, palabas na rin ako, bye," sabi niya at saka pinatay ang linya. Pagbaba niya sa hagdanan ay sinalubong siya ng mama niya. "Nakita mo ba ang allowance mo para sa isang linggo?" tanong niya. "Opo, nakita ko kanina sa table ko. Thank you po and aalis na ako," paalam niya. "Okay, ingat and mag-aral kang mabuti," sagot nito at saka siya hinatid ng tingin sa labas. Nadatnan ni Trinity na naka-start na ang makina ng sasakyan ni Doti sa tapat ng bahay nila. Pagpasok niya sa sasakyan ay sinalubong siya ng ngiti ni Doti na nerd na nerd na naman ang itsura. "Let's go," sabi niya at saka nilakas ni Doti ang tunog sa sasakyan. Masaya si Trinity dahil kahit pa paano ay may Doti'ng naiwan sa kanya. Naalala niya tuloy ang nangyari kahapon. Kung malalaman ni Doti iyon ay tiyak na susugurin na naman niya si Tifanny. Kaya para walang away ay hindi na lang niya sinabi kay Doti. Ayaw din naman niyang nasasaktan si Doti. Talo rin kasi ito sa dami nila Tifanny. Madalas na rin itong mabugbog nang dahil sa kanya. "Kumusta ang story ng librong binigay ko sa iyo?" tanong niya. "Iyong Moon Trap?" "Yup." "Tapos ko na. Ang weird lang. Parang inspired siya sa mga nangyayari sa bayan natin. Hindi kaya taga-rito ang writer ng librong iyon?" tanong niya na kinailing ni Doti. "Hindi ko rin sure. Sino ba ang Drusus na iyon? Nakakatawa nga dahil sinali niya ang sarili niya sa kuwento. Hindi ba't siya ang anak ng God of death? Ang naging boyfriend ni Tatiana roon?" sabi ni Doti. "Kaya nga. Sobrang weird talaga dahil kapangalan pa siya ng pinsan kong si Tatiana. Si Tatiana na isang taon na raw nawawala sabi ng Tita Indira ko." "What?! Ito ba iyong kinukuwento mo na madalas niyong galain noong bata ka pa?" tanong ni Doti habang nanlalaki ang mga mata. "Oo. Nag-aalala nga ako. Isang taon na siyang nawawala. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kanya." "O.M.G! Hindi kaya siya talaga ang Tatiana na nasa libro?" Napairap si Trinity. "Kinulong sa buwan? Naku, Dotilyn, hindi na kapani-paniwala iyan. Baliw na lang ang maniniwala sa storyang iyon," sagot ni Trinity na tatawa-tawa sa kanya. "Sabagay. Pero hindi eh, isipin mo iyong mga pinatay na mga guwapong lalaki. Halos parehas din sa libro ang nangyari sa bayan natin. Wakwak ang mga puso nila. Sa libro ay kaya wakwak ang mga dibdib nila ay kinakain ito ni Toscano. Isa pa, kaya pinapatay ang mga guwapong lalaki sa libro ay galit si Toscano sa mga lalaking mapanakit ng mga babae." Tumawa si Trinity. "Ibig sabihin ay babaero si Cedrick kaya namatay siya? Tumigil ka nga, Doti. Kilala ko si Cedrick. Mabait iyon at kaylan man ay hindi niya ako kayang lokohin." Nang sabihin iyon ni Trinity at tumahimik na si Doti. Napatingin tuloy sa kanya si Trinity dahil natigil na talaga ito at tila hindi na maipinta ang mukha. "Ayos ka lang?" tanong bigla ni Trinity kaya tinapunan siya ng tingin ni Doti at saka siya nginitian ng matipid. "Yeah. Tama ka nga. Malayong-malayong mangyari na magkatotoo ang kuwento sa libro." "Talaga naman eh. Sinong maniniwala na pupunta rito si Drusus na anak ng god of death? Sinong maniniwala na bumababa sa lupa ang God of the moon na si Toscano? Totoo bang may mga god-god na iyan? Kalokohan. Isa lang ang diyos natin at si Jesus lang iyon, period." "Enough, Trinity. Malapit na tayo sa school. Mag-ready ka na," anunsyo ni Doti kaya napatingin na sa daan si Trinity. Inayos na ni Trinity ang kanyang sarili. Saglit niyang tinignan ang itsura sa salamin. Nang makitang okay ang itsura niya ay isinukbit na ulit ang bag sa likod niya. Muling bumalot ang lungkot sa kanyang dibdib. Naalala niya si Cedrick. Kung buhay ito ay siya sana ang kasabay niya ngayong pumapasok sa Nevaeh University. "Ang dami na agad estudyante," sabi ni Doti nang pumasok na sila sa loob ng Nevaeh University. Astig ang tingin sa kanya dahil may dala siyang sasakyan. Ang ilang estudyante tuloy ay nakatingin sa sasakyan niya. Pagka-park nila sa parking area ng school ay sabay na silang naglakad. Masaya si Trinity dahil kaklase niya si Doti. Hotel and Resturant Management ang kursong kinuha nila. "Ang laki talaga ng Nevaeh University. Elementary pa lang ako ay pangarap ko nang makapag-aral sa school na ito. Hindi ko inaasahan na ito na ako ngayon, nasa Nevaeh University na ako," masayang sabi ni Doti habang ginagandahan pa ang paglalakad. Tatawa-tawa tuloy si Trinity. "Alam kong hindi para sa pag-aaral ang eksena mo rito. Alam kong purong guwapong lalaki ang aatupagin mo. Kilala kita, Doti," panunura ni Trinity kaya parehas silang nagtawanan. "Oo na. Pero mag-aaral pa rin akong mabuti para mabigyan ko naman ng magandang kinabukasan ang sarili ko. Alam kong hindi habang-buhay ay nakakapit ako sa mga magulang ko. Darating ang araw na kailangan ko ring tumayo sa sarili kong paa." Natingin sa kanya si Trinity. Hindi niya inaasahan na lalabas sa bibig iyon ng kaibigan niya. "Nice one, Doti. I'm so proud of you. Nagbago ka na nga. Sanay lang ay matupad lahat ng pangarap mo," sabi niya kaya kinindatan siya ni Doti. Napansin ni Trinity na madalas siyang tignan ng mga lalaking nakakakita sa kanila ni Doti. Alam niyang dahil sa kagandahan niya kaya pinagtitinginan sila. Ito rin ang dahilan ni Doti kung bakit gusto niyang isabay si Trinity. Ito ay para madamay siya sa pagtitinginan na alam niyang mangyayari kay Trinity dahil alam niyang dyosa ang kaibigan niyang ito. Simula pagkabata ay tila hindi nawawala sa pagka-muse si Trinity. Nasaksihan iyon ni Doti dahil simula kinder hanggang highschool ay magkaklase sila. "Nakakainggit. Liptint lang ang nasa mukha mo pero halos lahat ng tingin ng kalalakihan ay sa 'yo nakatingin. Samantalang ako...lahat ata ng koloreto na sa mukha ko na, pero tila kulang pa rin. Ikaw na talaga, Trinity." Nagdaan sila sa mahabang hallway. Mas lalong madaming student na nagkalat doon. Ang ilan ay maingay na tila masaya sa unang araw nila sa school na iyon, habang ang ilan naman ay tahimik at tila kinakabahan. "Anong number ba ang room natin ngayong umaga?" tanong ni Doti. "Room 6 tayo ngayon," sagot ni Trinity. Natigil sa paglalakad sina Trinity at Doti nang makasalubong nila sina Tiffany, Megan, Jem, Margo at Clarissa. Nakapamewang ang mga ito at tila inaangasan sila. "HRM din ang kinuha nila?" tanong ni Trinity na tila nagulat pa. "Gaga, iyan naman talaga ang gusto nila noong magkakaibigan pa tayo. Hindi mo ba natatandaan?" sagot ni Doti. "W-wala akong natatandaan na sinabi nila iyon," sagot ni Trinity. "Ay naalala ko na. Nalasing ka nga pala noon. Maaga kang hinatid ni Cedrick dahil weak ka." "Ito ba iyong nag-aya kayong mag-inuman sa bahay nila Margo?" tanong pa niya. "Correct." Tila nawala sa mood si Trinity. Pakiramdam niya ay tila magiging worst ang pag-aaral niya roon. Sigurado siya na palagi siyang guguluhin ng mga ito. Tinapik ni Doti ang likod niya dahil napansin niyang nalungkot ang mukha ni Trinity. "Don't worry, Trinity, nandito lang ako palagi sa tabi mo. Huwag kang matakot dahil ako ang magtatanggol sa iyo sa mga baliw nating kaibigan," sabi niya kaya nangiti si Trinity kahit pilit. Kusang lumapit sina Tiffany at ang mga kasama niya kina Trinity at Doti. "Umpisa na nang impyerno mo, Trinity. Sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya rito," pananakot agad ni Tifanny. "Talaga ba? Subukan mo lang. Makikita mo ang hinahanap mo," sagot ni Doti at saka namewang sa harap ni Tiffany. Natigil ang bangayan nila nang makarinig sila ng mga sigawan. Napunta ang atensyo nila sa nag-iisang lalaki na naglalakad papunta sa kanila. Nanlaki ang mata ni Trinity nang makita niya kung sino ito. Napanganga si Doti at ang mga kaibigan niya nang makita nilang lumapit ito kay Trinity. "Carson?" bulong ni Trinity. "HRM ka rin?" tanong nito kay Trinity na tulalang nakatingin sa kanya. Tila kumikinang ang mata niya habang kausap siya nito. Hindi siya makapagsalita dahil hindi niya inaakalang dito rin ito mag-aaral. Aminado siyang natuwa siya dahil muli niya itong nakita. Sa kabila ng kalungkutan na naramdaman niya sa pananakot nila Tiffany ay tila sumaya siya bigla dahil mukhang matagal niyang makikita at makakasama ang lalaking gumising muli sa natutulog niyang puso. "Oo," maikling sagot ni Trinity. "T-teka, magkakilala kayo?" nanlalaking matang tanong ni Doti na sumingit talaga sa gitna nilang dalawa. "Bago pa lang. Kahapon ko lang siya nakilala," sagot ni Carson kaya lalong nangiti si Doti. Umandar na naman ang pagiging active ng kakulitan niya. Inilapit niya ang bibig sa tenga ni Trinity at saka bumulong. "Jackpot ka na naman, Trinity. Ang guwapo niya!" "Nagkasabay kami sa tricycle kahapon," sabi pa ni Trinity habang nilalakas ang boses. Sinadya niya iyon para hindi siya pag-isipan ng masama nila Tiffany. Baka kasi isipin ng mga ito na dati na niya itong kakilala at dati pa lang ay niloloko na niya si Cedrick. Malaking gulo na naman pag nagkataong ganoon ang isipin ng mga ito. "Nice to meet you, again, Trinity. I'm happy na dito ka rin mag-aaral," sabi niya kaya nangiti si Doti. Siya ang kinikilig para sa kaibigan niya. "T-teka," singit ni Tiffany kaya napatingin sa kanya si Carson. "Nung kasabay mo ba siya sa tricycle ay punong-puno siya ng ice cream?" tanong ni Tiffany habang natatawa. "Oo, tama ka," sagot ni Carson. "Teka, bakit? Ano na naman ang ginawa niyo sa kanya kahapon? Bakit hindi ko ito alam, Trinity? tanong agad ni Doti na nagulat sa narinig niya. "Sabi niya ay aksidente niyang natapunan ang sarili niya ng ice cream kaya ganoon ang itsura niya," sabi ni Carson kaya lumakas ang tawa nila Tiffany. "Binully niyo na naman ba si Trinity?" tanong ni Doti na galit ang mukha. Tinignan ni Carson si Trinity. Nakunot ang mukha nito na tila hindi makakibo. Naamoy ni Carson na tila iba ang sinabi nito sa kanya kahapon. Nagulat si Tiffany nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Carson. Naramdaman niyang tila nanlamig ang katawan niya. "A-anong ginagawa mo?" tanong ni Tiffany na gulat na gulat. "W-wala," sagot ni Carson at saka siya bumalik sa tabi ni Trinity. "Sumagot ka, Trinity. Anong ginawa nila sa iyo kahapon?" tanong pa rin ni Doti. "Sila ang nagtapon sa iyo ng ice cream. Hindi pala aksidente ang nangyari," sabi ni Carson kaya nagulat si Trinity at sila Tiffany. "P-paano mo nalaman?" tanong ni Trinity na nanlalaki ang mata. "Totoo ba iyon?" tanong ulit ni Doti na gigil na gigil na ngayon. "Oo," sagot na lang ni Trinity. "Mga hayop talaga kayo!" sabi niya at susugurin sana niya sina Tiffany pero pinigilan na lang siya ni Trinity. Ayaw niyang gumawa ng ingay ngayong first day of school nila kaya umiwas na lang sila sa mga ito. Hinila niya si Doti at saka mabilis na lumayo sa kanila. Sinundan sila ni Carson. Pero bago sila tuluyang makaalis doon ay napahinto sila sa paglalakad nang madinig nilang nagsigawan sila Tiffany. Nang tignan nila Trinity ang mga ito ay nanlaki ang mga mata nila ni Doti. Nakalublob na sa putikan sina Tiffany. "Karma is real," tatawa-tawang sabi ni Doti habang pinapanuod silang nagsisigawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD