Episode 5

1191 Words
Paglabas namin sa presinto ay agad akong sinalubong ng mga reporter,buong tapang akong humarap sa kanila,kahit na ang totoo ay kinakabahan ako. Kaya ko to!  Maam Ysa ano po ang masasabi nyo sa naglalabasang issue ngayon tungkol sa pagkabundol nyo sa driver ni Mr Lee? Paano po kung matuluyan na itong hindi magising?haharapin mo ba ang kaso?sunod sunod na tanong ng reporter. Ah…first ipagdasal nalang muna natin na as soon as possible magising na po sya, hindi ko po sinasadyang mabangga yung kotse I really feel sorry for what happened. I want to apologized Mr Lee this time at kung ano man ang kalalabasan ng lahat ng to,handa po akong harapin kung ano mang parusa,malumanay kung sagot sa mga reporter. Agad akong tumalikod pagkatapos kung sabihin yon,at sumakay na ng van na minamaneho ni Lou,agad kaming dumiretso sa hospital para dalawin ang driver ni Mr Lee ngunit hindi kami pinapasok ng mga nakabantay na body guards sa labas ng kwarto nito. Naghihina akong napasandal sa upuan ng van na sinakyan namin. Binuksan ko ang tv at nanuod ng balita,puro tungkol sa aksidenting naganap sa intersection kahapon ang laman ng balita kahit saan channel ko pa ito inilipat. Mukha ko ang nakikita ko sa tv at yung iba ay naka edit pa at dinagdagan ang maling impormasyon, Yung iba naman ay pinangalanan pa akong "caught in the act,"pero tinakasan ko pa rin daw, nasa blind item pa yung blurd ko na larawan. Umiling iling ako at kumuha ng soju,gusto kung uminum para makatolog agad,binabagabag ako ng konsensya ko sa nagyari kahapon bakit sa dinami dami ng sasakyan yung kay Mr Lee pa. Sana magising na yung driver ni Mr Lee para matapos na tong issue. Alam ko naman na may gusto yun sa akin,at matagal na akong niyaya nun na makipag date, Nilagok ko ulit ang laman ng soju. Kababa lang ni Lou ng cellphone nito at halatang galit sa kausap,napa hampas pa ito sa manibela ng sasakyan. Ysabelle lahat ng fashions show mo kinansela! What?paano—? Hindi ko alam!naka schedule na yun lahat! at naka pirma kana ng contrata sa agency na kumuha sayo pero lahat nag cancell.nang gagalaiti ito sa galit, Dahil ba yan sa issue ngayun?naiiyak akong tumingin kay Lou. Ganoon na nga,hayst,,,,lumipat ito ng upo malapit sa akin at hinangod ako sa likod. Magdasal lang tayo na malalampasan natin to,laban natin tong dalawa!hindi ka nag iisa.anito at ginagap ang aking kamay. Sa condo kana muna umuwi alam kung maraming reporter ang naghihintay sayo sa bahay mo. Tumango tango ako. Pabagsak akong naupo sa kama pagdating sa aking condo unit dito sa Makati,nasa kabilang unit lang din ang unit ni Lou kaya hinayaan ko na rin syang magpahinga. Nag quick shower muna ako bago nahiga sa kama,hindi naman ako makatolog agad kaya binuksan ko ang malaking flat screen na tv sa harapan ko. Napapailing nalang ako dahil ako pa rin ang laman ng balita,grrrr,ganito pala ako ka sikat?konting galaw ko lang buong pilipinas na ang nayanig hindi ko akalain na mangyari sa akin to. Kung saan nasa toktok na ako ng tagumpay saka naman may bagyong dumating,at hindi ko akalain na ma cancel lahat ng fashion show ko. Naghihina kong ini off ang tv at nagtalukbong ng kumot.hanggang sa makatolog ako. Pag gising ko nasa mesa na si Lou,may naka handa naring pagkain sa mesa at karga nito ang aso kong si Max. Hi Baby!i missed you,,,agad kung kinuha si Max sa kanya at hinalik halikan,mabuti naman naiisipan mong kunin si Max sa bahay, Oo naman! alam kung sya lang ang makapag pasaya sayo no! Oh kumain na muna tayo,tapos ko ng pakainin si Max. Umm,,,may schedule ba ako ngayun?tanong ko sa kanya habang sumusubo ng bacon,, Wala eh pero may lakad ako don sa ibang artist na hawak ko.,then sabi ni Direk Yam tapusin nalang daw yung scene na hindi mo pa na shoot bukas,then after that asikasuhin na muna natin yung tungkol sa issue mo, Ayaw naman ni Direk na pagkaguluhan ka ng mga reporter habang nasa site tayo,. Tumango tango ako, Si Ynna nga pala yung pansamantalang ipalit sayo habang wala ka. What?si Ynna Robles pa talaga?grrr….sa dinami dami ng actress  bat sya pa alam naman ni Direk na katunggali ko yon lage pagdating sa mga binibigay na rule sa akin. Tsk…tsk..napapalatak nalang ako at napabunga sa ere. Alam mo naman yung iba ang issue mo ang ginagamit pala malampasan ka,parang ngayun lang sa showbiz Ysa. Ngayon ko lang napagtanto Lou hindi lahat ng kaharap ko kakampi ko,nakakinis,sabagay hindi naman pera ang habol ko sa pag aartista ko mabubuhay ako kahit wala na ako sa showbiz. Pero syempre malulungkot alam muna  wala naman akong ibang gagawin sa buhay, Hmmp.pupunta na muna ako sa Taguig bibisitahin ko lang ang branch ko doon, Nextweek muna gagawin yan tumawag si Mr Lee nakikipag negotiate sayo, What?agad nanlaki ang aking mga mata, Well hindi naman maitatanggi na may gusto yon sayo,siguro ang pag urong ng kaso ang gusto nyang pag usapan nyo. Hayst….okay anung oras ba?walang buhay kung tanong sa kanya. 6pm sasamahan na kita! doon pa rin sa Grand hotel.sabay tayo nito at niligpit ang ginamit na plato. Napaisip naman ako,habang nakatingin sa hawak kung kutsara na may kanin. Isubo muna yan,mangangalay ka nyan Ysabelle.untag sa akin ni Lou. Mauna na ako kita nalang tayo mamaya tawagan mo ako,bye..paalam nito sa akin. tulala pa rin ako kahit ilang minuto ng nakaalis si Lou, Nawalan tuloy ako ng  ganang kumain, kaya niligpit ko nalang ang aking pinagkainan at hinugasan,nagbabad ako ng matagal sa bath thub at maagang nag ayos. 4pm palang ay nakahanda na ako , suot ang aking above the knee na black dress tenernohan ko ito ng black at gold na bag at nag shade ako, Para tuloy akong namatayan sa ayos ko,hindi na ako nag pustura ng bongga wala naman akong ganang makipag kita sa amoy lupa na matandang yon. Nasa elevator na ako ng may nakasabay akong pumasok.mga  nasa edad 20 ang mga yun at naghaharutan pa, Ang lakas pa ng mga boses kung makapag usap kaya rinding rindi ako,parang gusto ko tuloy singhalan kaso naalala ko may malaking issue pa akong hinaharap kaya dagdag issue na naman pag nagkataon. Hay naku besty alam mo idol ko pa naman si Ysa Finn kaso sa issue nya ngayun para tuloy akong nawalan ng gana, Tingnan mo nga oh may bago syang endorsement na brand ng summer outfit,nag alinlangan tuloy akong bilhin, Hay naku besty I really feel sorry for her,but alam mo ever since ngayun lang sya nagkaroon ng ganyang kalaking issue, Grabe naman yung iba comatose pa nga yung nabangga nya patay na sa balita,tinawag pa syang criminal. Grabe maloloka ako besty, Agad napataas ang kilay ko,what the hell!hanggang dito ba naman sa elevator hindi ako tinatantanan ng mga chismosa. Agad akong humakbang pagbukas ng elevator sa ground floor ayaw ko ng marinig pa ang mga komento nila sa akin,masakit sa tenga at lalong lalo na sa dibdib. Ggrrrr…agad akong sumakay ng kotse ko papunta sa Grand Hotel kung saan kami magkikita ni Mr Lee.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD