CHAPTER 21

1020 Words

Kulang na lang ay maputol ang kamay ko sa lakas ng ginagawa niyang  paghila palabas ng Alberto’s sa akin. “Sakay!” bulyaw niya sa akin kaya nagmamadali akong sumakay sa kotse niya nang makarating kami sa parking area. Nagmamadali kong ikinabit ang seatbelt ko nang humagibis ang kotse niya sa kalsada. “Jake!” natatakot kong tawag sa kanya nang muntik na kaming bumangga sa isang kotse sa may intersection. “f**k!” naiinis na mura niya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nagdasal na sana ay hindi kami madisgrasya. Nang makarating kami sa condo niya ay nagmamadali siyang sumakay sa elevator. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. “Ano ba ang gusto mong palabasin, ha?!” salubong niya sa akin nang maisara ko na ang pintuan ng condo niya. “Ano ba ang pinagpuputok ng butse mo dyan, Jacob?!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD