SANDALI PA ay lumabas na si Mang Doming. Umiiling-iling ito. "Kailangan ko talagang gumawa ng qoutation para sa admin. Kailangan talagang mapalitan ito. Kung hindi eh tutulo at tutulo." Saad nito. "Gagawan ko lang ng rimedyo. Kailangan daw mamaya itong silid." Saad pa nito. Nang matapos sila ni mang Doming ay lumipat naman sa kabilang silid. Nakasunod lang siya sa matanda habang bitbit ang lahat ng gamit nila. "Kilala niyo po ba ang ex ni Giezl?" Maya-maya ay tanong rito habang papunta sa kabilang silid. Napatawa ang matanda. "Sinasabi ko na nga ba. Intiresado ka noh?" Wika nito. "Ha? Ahmmmmm..." aniya. "Huwag ka nang magkaila. Naku, mabait na bata iyang si Giezl. Iyonv ex niya sus! Ubod ng yabang purke sa isang bangko nagtatrabaho. Daig ko pa ang langgam sa liit ng tingin niya." Wik