Tinignan ang orasan at three-thirty iyon ng hapon. Ibig sabihin ay mamayang alas onse pa ito uuwi. Kaya bababa na lamang siya bago mag-alas onse para ihatid ito. Hinablot ang laptop na nasa kama niya. Kailangan niyang tapusin ang ginagawa niyang pag-aaral sa ilang policies nila at kung papaano mapapataas ang wages ng mga empleyado nila. Nasa ganoong posisyon siya nang hindi namamalayang dalawang oras na ang lumipas at sumakit ang ulo niya dahil babad sa kompyuter niya. Napangiti ng matapos iyon. Ipo-forward na lang sa HR at sila na ang mag-inform sa mga empleyado nila o ilagay nila sa bulletin. Nakita niya kasing ang costs ng pagha-hire ng new employment ay kasing halaga rin ng itataas niyang wages. Why not taasan na lang ang mga dati na alam na ang kanilang trabaho than to risks hiring