"Ako yung sinamahan mo.. Ibig sabihin ba nun, ako 'yung pinili mo?" Tanong ni Johnny. Ngumiti lang ako saka nilagyan ng bulak na may betadine yung gilid ng lips niya. Nasa opisina kame ng Pyramid at ginagamot yung sugat ni Johnny na sinuntok ni Brad and then he stormed out. Nabobother parin naman ako sa nakita kong lungkot sa mga mata niya but still, hindi makatarungang basta nalang niya saktan si Johnny. aAangan namang iwan ko yung tao na nakahandusay 'diba? Isa pa, bigla siyang nag walk out eh. "Bakit hindi mo siya sinundan Liz?" tanong ulit ni Johnny. Itinapon ko yung bulak sa trash bin saka ko iniligpit yung mga ginamit ko sa medicine box saka ako bumalik sa pagkakaupo dun sa may dulo ng lamesa. "Ni hindi ko nga sigurado kung gusto niyang sundan ko siya eh. You see, bigla lang siyan