"Sir, Eto na po yung file na pinapa research nyo sa akin." Inabot sa akin ng secretary ko yung folder na naglalaman nung mga information about Lorenzo Fuentes.
Ang kilalang business magnate ng Cebu. May gaganaping bidding para sa construction ng isang five star hotel na balak niyang ipatayo next year and I'm one of the bidders. So i need to know a thing or two about him para may edge ako sa ibang bidders.
And according to this files, may nag iisang anak siyang babae. Kapangalan pa ni Lesbi.
Natigilan ako nung bigla kong nakita yung nalaglag na picture na nakaipit sa mga dokumentong hawak ko.
Picture ni Lorenzo Fuentes kasama si Lizzie Fuentes. My Lizzie Fuentes. My lesbian. The photo was taken during Lizzie's College Graduation.
The odds are at my favor.
Nakasulat din dun na she's arranged to be married to a certain Walter Sy, which Lizzie don't want to. Kaya sila umalis ng kaibigan niya sa Cebu at napadpad sa Metro.
And what's more shocking is that her girlfriend, the one who punched me is the only daughter of the sitting Governor. I don't need to worry about f*****g with them. I won't get in trouble. Really not get in trouble.
Napasandal ako sa upuan ko. I'm not f*****g with her, she's f*****g me. Like always. And since I have Lizzie, i can use her as my advantage.
LIZZIE
Sinamahan ko si Yngrid mag grocery ngayon dahil qoute-unqote, Anniversary daw nila ni Louie. What the f**k?! Sinong kabit ang nagce-celebrate ng anniversary?
Siya lang yun. Si Yngrid lang. Ka-buang na jud. Wahahaha. Buti na lang talaga kaibigan at mahal ko 'tong babaeng to kaya sige pagbigyan. Isa pa masaya ako sa development nung operation make Johnny jealous namin ni Brad tapos palagi pang may pa-free taste si Brad tuwing magkasama kami.
"Iba ka talaga Yngrid. Ikaw lang ang kilala kong nagce celebrate ng mistress anniversary." Nakikilagay na din ako ng mga items ko sa cart niya. Wala na nga din pala akong stock sa condo.
"Bkit Lizzie, may iba ka pa bang kabit na kilala?" Tanong niya habang namimili.
"Ikaw lang. At wala na kong balak magdagdag pa. Kayang-kaya mo nang pasakitin ang ulo ko, wala na kong planong magdagdag pa.
"Kase nga mahal ko. Even if its me against the world. Something you won't understand because you've never been in a relationship and you've never been inlove." Naglakad siya papunta sa may meat section habang nakasunod ako sa kanya.
"I don't need to experience being inlove and to be in a relationship just to understand you. I can see you, i can see through you. And what I'm seeing is ugly. What I'm seeing isn't fair. If love is this ugly, then i don't want any of it." Kumuha ako ng apple, ipinunas yon sa damit ko at saka yon kinagat. "Oh wait, what am i saying, you're not in a relationship too."
"Shut up will you? You're so annoying.."
"Shut up will you, You're so annnoying.. Tse, mukha mo annoying."
Naglakad lakad pa kami dun nung may mapansin kaming bata na umiiyak. Nilapitan namin dahil si Yngrid ay isang good Samaritan.
"Hey kiddo, why are you crying?" Maryosep! Kahawig ni Louie yung bata!
"My mommy left me. *sob*" Umiiyak pa rin siya pero hindi na ganun kalakas.
"Aaah Maam, Anak nyo po?" Tanong nung guard. ta
Tanga tangahan? Sabi nga nung bagets his mom left him tapos tatanungin kami kung anak namin?
But, there are other pressing matters at hand. Like the fact that the more i look at this kid, the more its clear that he really looks like Louie.
"Bish, kamukha ni Louie yung bagets." Hindi ko na natiis. I know, napansin din ni Yngrid yon, ayaw niya lang ientertain yung idea kase nga tanga siya.
"Oo nga, Baka nagkataon lang." May gusto pa sana akong sabihin e. Kaya lang si Louie ang topic, e sensitive pa naman si Ybgrid pagdating sa kanya.
Saglit lang naman may dumating na nagclaim na nanay dun sa bata. Nakalimutan daw si Rylie dahil tumawag ang asawa. So kapag nakakapag asawa nakakalimutan ang anak?
********
"SIGURADO ka ba ayaw mong tulungan kita?" Nasa unit na kami ni Yngrid. Nag ooffer na nga akong tutulungan ko siya ayaw pa. Edi don't.
"No thanks.. Kaya ko na to."
Kaya na naman pala eh, di lumayas na ako dun. Nag shower lang ako at nagpalit ng malaking shirt saka cotton panty saka sumalampak sa carpet. In-on ko yung t.v at naghanap ng magandang movie sa star movies at hbo.
THE VOW ni Channing Tatum ang palabas. At yun nag cart wheel ako sa kilig. OMO MAHAL KO YAN EH!Contrary to what Yngrid believes, I know how to love. Mahal na mahal ko nga si Tatum lalo na sa Magic Mike.
Kumuha ako ng Chips sa cupboard at juice sa ref. Naiiyak na naman ako. Kawawa si Papa Channing eh. Kasi naman sabi ko sa kanya ako na lang eh. Hahaha!
*DingDong DingDong*
Ang kulit nung nagdo doorbell! Hindi ko na nga pinapansin para isiping walang tao eh! Busy ako kay Channing bahala ka diyan!
*DingDong DingDong*
"Hay buwiset!" Padabog akong nagpunta sa may pintuan. Marahas kong binuksan yun at nakita ang nakangangang Brad Boromeo sa tapat ng pintuan ko.
"Oh? Anong kelangan mo?!" Tinaasan ko pa siya ng kilay sabay pameywang. Wala siyang ibang ginawa kundi tumitig lang sa akin pababa sa katawan ko.
"Hoy! Ano ba? Tititigan mo lang ako? ano bang kailangan mo?!" I snapped my fingers in front of him. Nun lang naalis yung tingin niya sa katawan ko saka siya tumingin sa mukha ko. Napalunok siya saka nag Iwas ng tingin sa akin.
"Uhbh.. Nagdala ako ng pizza." saka niya itinaas yung kamay niyang may hawak na dalawang box ng pizza.
"Hindi ako mahilig sa Pizza." Kahit ang totoo niyan nagke crave ako sa dala niya. "Saka ano ba talagang kailangan mo? Youu wouldn't just barge in here para lang yayain ako kumain ng pizza 'di ba?"
"I won't if I'm not really hungry. Saka hindi masarap kumain mag isa. c'mon Lizzie kakain lang tayo ng pizza. It's not that may gagawin pa tayong iba, unless may gusto ka pang gawin pagkatapos." Nginisian niya ako .
Naginit naman ang ulo ko. Istorbo sa date namin ni Channing eh.
Sabagay sayang ang pizza. Hahaha!
Nilakihan ko yung bukas nung pinto and let him come in. Pinaikot niya yung mga mata niya na parang may hinahanap.
"Wala dito yung girlfriend mo?" Kinunutan ko siya ng noo. "Yung nakahuli sa atin last time? hindi ko nga pala natanong kung nag away ba kayo nun."
Girlfriend? Ah. Oo nga pala, akala niya tibo ako. Pero sinong---
"Hahahahaha!" Hindi ko napigilang hindi matawa nung narealize ko kung sino yung sinasabi niya.
"May nakakatawa ba?" Ipinatong niya pa yung mga kamay niya sa bewang. Hindi ko na talaga natiis. pasalampak akong naupo sa sofa. Itinaas ko pa yung paa ko na parang fetus.
"Ano ba?! Umayos ka nga! Walang nakakatawa sa sinabi ko! Saka pwede ibaba mo yang paa mo!"
Aba! Lakas ng loob sigaw-sigawan ako ha? Gusto ata niya na naman makausap yung assault riffle ko eh.
"Ano bang pakialam mo sa paraan ng pag upo ko? Saka FYI Mr. Boromeo.. hindi ko girlfriend si Yngrid, Babaeng kaibigan oo! Anong akala mo sa akin tibo?! Hahaha! may sariling unit yon dito at busy yon sa jinojowa niya. hahaha!" Tawa pa rin ako ng tawa.
"Okay fine! Hindi mo na girlfriend kung hindi. Pero pwede ba? Umayos ka nga ng upo!"
"ANO BANG PROBLEMA MO SA PAG UPO KO?!"
"NAKIKITA KO ANG MANI MO!" Pasigaw na sagot din niya. "Sinasadya mo bang gawin yan para akitin ako? Because it's working!"
Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin. Nataranta ako kaya agad agad kong inayos yung upo ko. Nag cross legs pa ako sabay hila nung dulo ng t-shirt ko pababa.
"There.. Much better." He said with a grin. Naupo siya sa tabi ko saka binuksan yung isang box ng pizza. Binigay niya sa akin yung isang isang slice saka tahimik na lang kaming nanood. Sa totoo lang naiilang ako sa presensiya niya pero ayoko namang ipahalata kaya nanahimik nalang ako.
"Akala ko ba wala sa bokabularyo mo ang salitang love, then bakit ka nanonood ng the vow?" Bigla na lang tinanong niya.
"Wala nga sa bokabularyo ko ang salitang love but it doesn't mean na allergic na din ako sa mga sweet flicks. Hindi lang ako naniniwala sa idea ng love pero hindi naman siguro ako bawal magka-crush 'diba?" Kumagat ulit ako dun sa pizza. "Hay! Ang sarap talaga tignan ni Channing Tatum noh? Abs palang ulam na!" k
Kinikilig na sabi ko.
"Hey! What are you doing?!" Nataranta ako nung bigla niyang hubarin yung shirt niya. Pakiramdam ko nagka dyspepsia ako sa ginawa niya.
"Pagnanasahan mo pa yan.. Nandito naman ako." Kinuha niya pa yung kamay ko at ipinahaplos niya yun sa katawan niya. Natuyuan ako ng laway sa lalamunan ko.
"P-pwede ba Brad! He's way better than you are!-- What the?! h-hey ano ba?!" Nawawalan ako ng sasabihin kapag ang lapit-lapit sa akin netong kupal na ito. He pushed me para mapahiga ako sa sofa then dumagan siya sa akin.
"I'm here, I'm real. And I'm better than him." Malalim na malalim yung tingin niya at hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya. My heart's skipping a beat.
Nalipat yung atensyon naming dalawa nung nagsimulang magkiss sila Channing Tatum saka si Rachel Adams pagkatapos nilang mag skindip sa lake.
Bumalik yung tingin niya sa akin, sa mga labi ko. He leaned down, hindi ko ugaling pumikit pag nakikipag halikan pero hindi pa naglalapat yung mga labi namin napapikit na ako.
Ayokong mabasa niya ako.
Ayokong may makita siya sa mga mata ko.
---------