DAHAN-DAHANG idinilat ni Mikaela ang mga mata niya nang may marinig siyang boses. Lumingon siya sa likuran niya at si Ryan pala ito at may kausap ito sa cellphone. Kinusot niya ang mga mata niya at saka naghikab. “I will be there, Ma.” Kunot-noo siyang napatingin ulit rito nang makita niyang naka-long sleeve na ito at nakasuot ng pants na kulay itim. Maayos na rin ang buhok nito at mukhang pupunta ito sa isang party. Dahan-dahan siyang bumangon at inaantok na tinitigan ito. “Where are you going?” “At my parents house.” “At ganyan ang suot mo? Sa bahay ka lang naman ng parents mo pupunta.” “May party sa bahay kaya ganito ang suot ko.” Parang tumingkad ang tenga niya nang marinig niya ang salitang ‘party’. She loves partying — any kind of party. Gusto kasi niyang ipangalandakan