DAHAN-DAHANG idinilat ni Zhamara ang mga mata niya. Lumingon siya sa bintana ng kwarto niya at madilim pa. Kinuha niya ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table niya ay mag-aalas kwatro y medya pa lang ng umaga. Mas nauna pa siyang nagising kaysa sa alarm clock niya. Tinitigan niya ang kisame at biglang pumasok sa isip niya si Marcus. Nasa kabilang kwarto ito ngayon natutulog. Wala pang isang taon niya itong nakilala pero hinayaan na niya itong matulog rito sa bahay niya. Parang ayos lang din naman sa kanya dahil hindi naman niya nararamdaman na parang masama itong tao. Hindi katulad ng nararamdaman niya kapag nasa paligid si Nikko. Sa palagay kasi niya ay parang palaging may balak itong masamang gagawin. At mukhang tama nga ang hinala niya dahil sa ginawa nito noong nakaraang araw