Chapter 41 - I'm Her Boyfriend

1477 Words

HINDI na kumatok si Marcus sa pinto ng bahay ni Zhamara at binuksan na lang niya ito at saka pumasok sa loob. Nagmamadali siyang umakyat sa taas at agad na nagtungo sa kwarto nito. Naging abala kasi siya ng ilang araw sa project na dinadala niya kaya hindi siya masyadong nakakabisita kay Zhamara. Pero ngayon ay na-mi-miss na niya ito ng sobra kung kaya't nagmamadali siyang pumunta sa bahay nito. Kumunot ang noo niya nang makitang wala rin ito sa kwarto nito. Hinanap na niya ito sa farm kanina pero ang sabi ng mga magsasaka ay hindi pa raw ito pumunta sa sakahan. Mabilis siyang bumaba at pumunta sa kusina pero hindi niya nakita si Nanay Rita. Nang marinig niyang parang naglalaro ang mga aso sa likuran ay mabilis siyang lumabas. Agad niyang nakita si Nanay Rita na pinapaliguan ang mga as

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD