EZRA POV
" how old are you since you left the Philippines"...wika ni Amari habang naglalakad kami palabas ng airport. kaming dalawa lang ang mag kasama ang naunang pumunta sa pIlipinas habang hindi pa kami sigurado kung nasaan ang taong hinahanap namin.
" Im 7 years old biruin mo diko akalain na babalik pa din pala ako dito. How about you ilang taon ka ng huling napunta ka sa Philippines?." wikang tanong ko kay Amari, just like me isa din itong filipino pero nang mag asawa yung mother niya ng foreigner na inakalang mag aahon sa kanila sa kahirapan ay isang malaking pagkakamali pala ang naganap, binenta ang nanay niya sa ibang lahi pagdating nila ng India. Ng lumaon pati siya ay nasangkot sa child p*********y dahil sa idad niyang walo ay wala pa siyang alam sa mga pinagagawa sa kanya.
hanggang sa makatakas siya and met Pablito na kagaya ko ay pinag aral at sinanay at ngayon nga ay siya na ang tumatayong bodyguard con secretary nito.
" Im 5 years old" wikang tawa nito hindi nako masyadong nag usisa sa kanya though alam ko naman na ang lahat sa kanya dahil naikuwento na ito sakin ni Pablito noon.
Mabait at tahimik si Amari masyado lamang itong seryoso sa buhay bibihira lamang itong ngumiti pero kapag kasama mo ito talagang poprotektahan ka niya hanggang sa kamatayan. Just like in our last mission mapapatay at mahuhuli sana namin ito ngunit mas inuna akong protektahan ni Amari kesa habulin ang taong yun.
May magsusundo sa amin papunta sa bahay ng kaibigan ng mommy ko, Sila ni Pablito ang nag usap nun sa telepono at sinabi nga nitong pauwi kami at nag suggest silang susunduin kami sa airport.
" there you go, smile Ezra show what you are before." wika ni Amari, katulad niya ang masayahing Elise noon ay naglaho, napalitan na ito ng isang masungit na laging nakakunot noong Ezra.
" naka ngiti naman ako a, nangangalay na nga yung panga ko sa pag ngiti o."
" exactly, your smile is fake, kagaya nga ng sabi ni Pablito, isipin mo na isang bakasyon lamang ito at hindi isang misyon, kaya nga pinauna ka na para ma enjoy mo ang lahat."
" How can i enjoy kung yung taong makakaharap ko ay isa sa suspect sa pagkamatay ng magulang ko".
" exactly! suspect pa lang walang kasiguraduhan. Kaya takot si Pablito mag isa kang pumunta dito e, dahil alam niya na mag iiba yang aura mo at biglang lumabas ang buntot at sungay mo mapatay mo yung mga taong wala namang kinalaman sa mission mo."
" okay, im sorry, ill try to relax"
" thats my girl, come on ayan na siguro siya, may name mo na nakalagay, looks like Pablito forgot to tell about your name now.".......wika nito dahil nakalagay ang Elise Dyan Tan na hawak hawak ng isang babae na kilalang kilala kopadin,ganun pa rin naman ang itsura nito na nagkaedad lamang. Wala yung asawa niya na mukhang nahalata ata na parang may hinahanap ako.
" Elise! Elise ikaw na nga ba yan anak? ang ganda ganda mo anak kamukhang kamukha mo ang daddy mo kesa sa mommy mo hahah wag sana akong dalawin ng mommy mo, ayaw na ayaw nung maririnig na kamukha mo ang daddy mo kesa sa kanya hahaha, dalagang dalaga ka na anak..oh! im sorry my bad, did you understand me? im sorry anak alam mo namang hirap ako sa english hahahha"
" its okay Tita marunong pa din naman akong magtagalog.." wika ko sabay ngiting pilit
" siya nga po pala tita, kasama ko po si Amari Pinsan ko po and Tita hindi napo Elise ang name ko Ezra napo."
" Ganun ba? pasensiya na anak ha, nasanay na kase ako sa Elise pero sa totoo lang nakalimutan ko yung name na sinabi ni Pablito kagabi at dahil pagod ako at talagang antok na antok diko lang masyadong narinig yung sinabi ni Pablito kaya Elise na lang nilagay ko dito sa papel."
" okay lang po Tita, kung gusto po niyo na Elise itawag niyo okay lang po"..wika ko pero sa totoo lang ayoko na nang pangalang Elise dahil naaalalako lang ang lahat ng pangit na nangyari sa buhay ko.
" salamat anak, pasensiya kana at ako lang ang sumundo sayo alam mo na busy ang tito mo sa opisina at si Ashley alam mo na busy sa career niya , nag start na din siya gumawa ng bago niyang album kaya sobra na ang busy ng batang yun."..wika ng Tita Felise habang tumatakbo ang sasakyan patungo sa mansion nila, ayon kay Pablito wala na sila sa dating subdivision nakatira kung saan magkapitbahay lamang kami noon.
" album po? nagtatrabaho na yung anak niyo tita? I mean si Ashley?"
" Hindi mo siya napapanood sa tv? " wikang gulat nito ng umiling ako
" artista siya anak ang alam ko napalabas na sa ibang bansa yung dalawa niyang nagawa pero extra lang siya dun hahaha focus kase siya sa pagmomodel niya lang kesa pag aartista, saka matagal na din mula ng huli kayong nagkita kaya hindi mo na nga siya makikilala."
" pasensiya na tita hindi po kase ako palanood sa Tv saka kagaya ng sinabi niyo po hindi ko na siya kilala ngayon dahil mga bata pa kami nun."
" Magugulat yun kapag nakita ka, hindi pa namin nasasabi sa kaniya na uuwi ka, kahit ang tito mo nang malaman ang tungkol sa iyo sa tagal nang wala kaming balita at di namin makontak ang mga tito at tita mo para makibalita sayo, last time na pumunta sila ng pilipinas hindi sila tumawag man lang sa amin alam naman nila ang number sa bahay. Mabuti pa itong si Pablito lahat sinabi niya sa amin and here you are now."...wika nito sabay yakap muli sa akin, gumanti naman ako ng yakap sa kanya naalala ko pa noon na malapit ako sa kanya at madalas akong nagsusumbong sa kanya sa pambubully ng anak nito sa akin noon.
Hanggang sa dumating kami sa mansion nila napakalaki ng pinagbago ng buhay nila noon sa ngayon. Isa lamang empleyado ang asawa nito noon sa opisina ng papa ko ngunit mataas din naman ang posisyon nito noon dun dahil lagi kong naririnig sa mama na matalino at magaling ang asawa nito.
At kahit ayoko mang isipin na wala silang kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang ko ay hindi ko maiwasang may alam sila or sila mismo ang may pakana ng aksidenteng yun lalo pat magkakasama sila noon tapos ngayon ang bahay nilaay isa ng mansion, kung dati ay nangungapahan lamang sila sa katabing bahay namin ngayon sila na ang may ari ng mansiong bahay nila.
When I started to work with Pablito he promised me everything that he will helped me out para mabawi ang lahat ng dapat sa akin. Though i told him na wala na akong balak pang balikan at kuhanin pa ang pera na yun dahil masaya at kontento na ako kung ano man ang meron ako ngayon.
Ngunit hindi pumayag si Pablito at talagang kinontak nito ang lahat ng kakilala niya at napag alaman nga nito na may naiwang 20 million pesos sa trust fund ko ang papa at makukuha ko lamang ito when i turn 18 and my tita Felise and Tito Arnold will be the one who holds my funds until i turn 18. Kaya pala galit na galit ang tito at tita ko nun nang bumalik galing pilipinas dahil napag alaman nila ang bagay na ito.
And our business gets broke dahil yung kasosyo sa negosyo ng papa ay bigla na lang nawala nang malamang namatay sa aksidente ang mga magulang ko and my parents gots a lot of loan in the bank dahil na rin sa mga negosyo nito. ngunit ang nakapagtataka lamang ay ang bigla namang pag asenso ng pamilya at matalik na kaibigan ng mga magulang ko. Although ayon sa source ni Pablito ay magaling na businessman ang tito Arnold at nakakuha ito ng share galing sa company ng papa dahil na rin sa last will and testament nito at ngayon nga siya na ang tumatayong chairman sa dating company ng papa ko.
I met Tito Arnold sa dinner and we talked a lot about Ashly na ngayon daw ay nasa mundo na nang showbiz kaya madalas ay wala daw ito sa bahay nila.
" Anak alam kong hindi ito ang oras para sabihin sayo ang bagay na ito, but you know that you are still engage to Ashley right? and this is still stand dahil yun ang kagustuhan ng parents mo actually namin. gusto ko lang sanang itanong kung may Boyfriend kaba."...wika ng tito Arnold na siya namang nagpa ubo kay Amari ng marinig ang sinabi nitong boyfriend. sinipa ko na lamang ito sa paa sa ilalim ng lamesa.
humingi lamang ito ng paumanhin sa lahat at simpleng ngumiti ng tumingin sa akin habang patuloy pa din sa pagkain ito.
" Wala pong boyfriend yan tita, mas matapang pa siya sa mga lalaki kaya mahirap magka boyfriend yan" .wika ni Amari bago pa man ako magsalita. Natawa naman ang tita Felise sa sinabi ni Amari
" hahaha manang mana ka talaga sa mama mo alam mo bang bago sila mag kakilala ng papa mo may pagka boyish yang mama mo. at sabi niya nun hindi siya magkaka boyfriend kapag wala siyang nakitang lalaki na matapang." wika ng tita Felise na halatang masaya sa pagbabalik tanaw ng nakaraan nila ng mama.
" Naayos ko na nga pala yung enrollment mo kaya sa Monday pwede ka nang pumasok, nasabi kona kay Ashley na padating ka nga and kaya sasamahan ka niya pagpunta dun."..wika naman ng tito arnold kaya nagkatinginan kami ni Amari dahil may ibang plans kami on monday. Tumango lamang ito ng marahan na ibig sabihin sumang ayon lamang ako muna.
" Ahmm..tito kahit ako na lang po ang pumunta sa school and besides si Amari na lang ang maghahatid sakin sa school tutal paalis din siya baka idaan na lang niya ako dun saka diba sabi niyo po busy si Ashley kaya ayoko naman po siyang maistorbo sa mga ginagawa niya."
" okay lang iha, actually wala siyang schedule sa monday dahil talagang pinabakante ko sa kanya ang araw na yun."
" its okay Tito really, its more okay kung ako na lang po mag isa"..pamimilit na wika ko pa din ngunit sinipa ako ng marahan ni Amari sa paa para manahimik na lamang ako.
" Ahmm..hun siguro pagbigyan na lang natin si Elise este Ezra sa gusto niya alam mo na baka magkahiyaan lang sila ni Ashley kahit pa sabihin na engage sila, matagal na din magmula nung huli silang magkita."..wika naman ng tita Felise sa asawa nito.
" And besides tito alam niyo naman po na nung bata pa kami hindi kami magkasundo kaya baka magkailangan lang po kami if ever. and dont worry tito kaya ko naman pong mag isa, sa states nga po ako lang din mag isa lagi sa school nun diba Amari? " tapik ko kay Amari na mukahang sarap na sarap sa pagkain dahil kanina pa ito walang tigil sa pagkain ng pancit na luto mismo ng tita Felise.
" ah yes tita, tito, masyado pong independent yang si Ezra minsan nga po nagugulat na lang kami tapos na yung mission namin siya lang ang gumawa mag isa kase tulog pa kaming lahat."..wika naman ni Amari na mukhang nakalimutan ata nito na ibang tao ang kaharap niya.
" Mission?" ..wika ng tita ko na mukhang di nagets yung sinabi ni Amari tinignan ko na lang nang masama si Amari
" Mission po like yung mga gawain sa bahay, kapag wala po kase kaming pasok sa school may kanya kanya kaming toka"..wika ni Amari
" yes tito kase po gusto ni Pablito na matuto kaming gawaing bahay hindi laging aasa sa katulong para daw malaman namin ang nararamdaman at nararanasan ng mga taga silbi sa bahay para wag daw kaming lumaking bad sa mga ." pagpapatuloy na wika ko, although may katotohanan naman ang bagay na yun may kanya kanya naman kami talagang gawain sa bahay , kanya kanyang laba nga lang ng damit namin.
" ah okay, sige anak ikaw na ang bahala basta kapag may kailangan ka magsabi ka lang ha, nabigay ko naman na sayo yung number namin ng tito mo at yung kay Ashley diba?"
" yes tita salamat po"... nakahinga naman ako ng maluwag tungkol sa bagay na yun, at pagkatapos naming kumain ay hinatid na nito kami sa aming magiging silid , pumayag kaming dito muna mamalagi ng tatlong araw bago kami pumunta sa condo na binili ni Pablito para doon kami mamalagi pansamantala habang nandito kami sa Pilipinas.
napakaganda ng silid kung saan ako dinala ng tita Felise, napakalaki nang bahay nila at ang laki na din ng pinagbago ng itsura ni Ashley, diko sukat akalain na magiging modelo ang isang yun, napaka payat nito nung araw mas matangkad pa nga ako sa kanya kahit mas matanda siya sa akin, para kaming asot pusa na walang tigil sa pag aaway kapag nagkikita. wala kaming inaaksayang araw sa pag aaway.
At kaya nga nakapag salamin ako di oras nun dahil nagsindi ito ng lusis at tinapat sa mukha ko, im only 5 years old nun ng mangyari ang insidenteng yun siya naman 8 years old at nasa stage ng kakulitan talaga.
" Guwapo naman pala tong Fiancee mo no, lamang lang ng isang paligo sakin to e."...biglang wika ni Amari ma siyang ikinagulat ko dahil hindi ko naramdaman na nasa tabi ko na pala ito.
" alam mo, yan lang palang picture ng fiancee mo makakapag pabago ng talas ng pakiramdam mo hahaha kung nandito lang sila Lucy malamang nagpustahan na yung mga yun at nagtatawanan na, biruin mo ang number 1 sa pakiramdaman magiging frozen sa harap ng fiancee niya hahaha"...pang aasar na wika nito sakin kaya marahan ko itong binatukan ngunit natawa lang.
" sira ka talaga, hindi naman siya ang iniisip ko napa stop lang ako at natiyempo na nasa harapan niya ako"
" hahaha oo na oo na sabi mo e, siya nga pala tumawag ka daw kay Pablito mamaya ha, tumawag ako sa kanya kanina at hinahanap ka, sinabi ko lang na nasa ibaba kapa diko naman alam na nandito kapala sa harap ng jowa mo hahaha"
" umalis ka na nga dito baka di kita matantiya. Sa bahay hindi ka naman ganyan kadaldal pero ngayon ang ingay mo na"
" masarap kase yung pagkain kanina may gamot atang pampadaldal dun e, kidding aside, ako na muna ang lalakad sa monday, mas maganda na yun kesa makahalat sila okay? for now we need to rest at antok na antok na ko." wika nito at naglakad na papasok sa kwartong nilaan para sa kanya.
hanggang kinabukasan ay hindi dumating si Ashley, tama nga ang hula ko na hindi ito magpapakita dito sa bahay kahit pa alam nitong dumating na ako. Wala naman akong pakialam sa bagay na yun dahil hindi naman siya ang ipinunta ko dito. although gusto ko lang naman makita ang itsura niya sa personal.
Muling kumirot na naman ang ulo ko kaya hindi ako sinama ni Amari sa lakad namin kinagabihan, napapadalas na ang kirot ng ulo since last week kaya nababahala si Pablito sa akin, nangako naman ako na magpapatingin after lang ng mission nato.
First day of achool at mismong si tita Felise na ang naghatid sa akin sa school dahil hindi bumalik sa bahay si Amari ng gabing yun. Mabait si Tita sa akin pero kapag naiisip ko na may kinalaman sila sa pagkamatay ng mga magulang ko I feel mad about it.
" Sigurado ka anak na ayaw mong samahan kita sa loob?"
" okay lang tita maaga pa naman para maikot ko muna yung buong campus."
" o siya sige, tutal nandiyan naman si Ashley today kapag may mga tanong ka wag kang mahiyang magtanong sa kanya ha mabait naman si Ashly may pagka pilyo lang minsan, kilala mo naman yang kababata mo hanggang ngayon akala mo bata pa din kung umasta."..wika ng tita felise at bumaba na ako ng sasakyan at walang lingon lingon na pumasok sa gate kasabay ng ilang students din papasok sa loob ng campus.
May ilang students na patingin tingin sa akin, naka uniform na nga ako para hindi ako makakuha ng atensiyon ng lahat, id wear an eyeglasses instead of of my contact lenses na lagi kong suot. Si Amari ang nag suggest sa akin na yung eyeglasses ko na lang ang suutin ko kapag papasok sa school para magmuka daw akong nerd at di masyadong pansinin. id already colored my hair bago pa man kami bumalik ng pilipinas.
Id like my green hair id feel different like powerful. ewan koba kahit ilang beses na akong napapagalitan sa school dun sa states ng teacher ko talagang hindi ko binabago ang kulay ng buhok ko, just lately lang ng pumunta kami dito and i need to do that para na din sa mga plano ko.
" Hey, are you already in school?"..wika ni Amari sa phone mabuti na lamang at na silent ko yung phone ko naramdaman ko lamang sa bulsa ng skirt ko yung vibration ng phone ko . isa sa mga bilin ni tita kanina ay kailangan kong gawin yun dahil iba nga daw dito sa pilipinas baka manibago ako. Sa states kase ay walang pakialaman sa school namin though mahina lamang ito.
" yes, but im still outside maaga pa naman i was just walking around the campus"
" okay, dont forget on all the things id told you Ezra, remain calm and never show your powers to them, mukhang nakatunog si Gabina wala akong makuha yung assets natin ng kinaroroonan nito, mag ingat ka diyan hindi natin kilala ang mga tao nila at galaw dito sa pilipinas. Mabuti na din yung dun ka muna sa fiancee mo tumira pansamantala para mas makakuha tayo ng tip sa kinaroroonan nito."
" okay, actually yan din sana ang sasabihin ko sayo naunahan mo lang ako, id already put some secret camera sa bawat room at sulok ng bahay i will send you the link later."
" Good, siya nga pala nagkausap na ba kayo ni Pablito? hindi ka daw niya makontak he was worried baka daw sumasakit na naman ang ulo mo"
" hindi pa, wala kasing signal sa bahay nila tita felise and i need to go in the rooftop para lang magka signal ang kaso kada pupunta ako dun may bisita sila at hindi ako makadaan. pakisabi na lang kay Pablito wag siyang mag alala okay lang ako ill call him later after school."
" okay sige, and Ezra behave okay?"
" i know and dont worry im always behave " wika ko na naka ismid, dahil hindi ko lang alam kung gaano kalaki ang pasensiya ko sa mga student dito basta wag lang sila hahara hara sa dadaanan ko at subukang ibully ako baka diko mapigilan na patulan sila.
Pinatay ko na ang celphone at ibinalik sa bulsa ng skirt ko at nagsimulang maglakad muli sa campus.