"YOU FAILED BASTARD!" Nanggagalaiting wika ng lalaki sa binata bago niya ito sinuntok ng malakas sa mukha. Hindi pa man gumagaling ang mga pasang natamo nito noong nakaraang gabi ay nasundan na naman ito ng panibago mula sa kanyang amo. "Sorry - -" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sinukmuraan siya nito. Masakit man ay kinaya niya ang parusa nito sa kanya. Pinilit niyang tumayo at maupo sa isang sulok habang pinagmamasdan ang pagbalik ng amo sa kinauupuan nitong swivel chair. Pinunasan nalang nito ang dugo sa kanyang labi gamit ang sariling kamay. He's disappointed, hindi dahil pumalpak ang trabahong ibinigay sa kanya kun'di dahil hindi natuloy ang plano nitong angkinin si Fin. He tried to maintain his fake identity just to make her fell for him pero hindi niya inaasahang maga