Gustong sampalin ni Fin ang sarili para magising ito sa bangungot niya. Pagkatapos silang makita ni Adrian ay ito pa mismo ang nagbukas ng gate para makapasok silang tatlo sa tahanan ng mga Villegas. Muntik ng makalimutan ni Fin na nagpagawa pala ito ng spare key para sa nobyo na nagagamit nila sa tuwing nakakalimutan ni Fin ang sariling susi. "Ibaba mo ako Rave!" Malakas na sigaw ni Fin sabay hampas sa balikat ng binata. Sinamaan naman ito ng tingin ni Rave, hindi nito binitawan ang dalaga kundi mas hinigpitan pa ang pagkakahawak dito. He stared at Adrian. It seems like he's telling the man beside him that she's mine. Hindi naman umimik si Adrian dito pero kita ni Fin ang higpit ng pagkakahawak ng nobyo sa dala dala nitong isang bouquet ng pink tulips na may kasamang mga imported choco