[Infinity’s POV] Kulang na lang ay lagyan ko ng bobby pin ang mga labi ko upang huwag bumagsak ang mga ngiti ko habang kaharap namin ang mga myembro ng BOD ng Eshia. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Rave na halatang sanay na sanay na sa ganitong kalakaran. Gusto ko nang maupo at kumain ng nakahandang snacks ngunit heto't halos isang oras na kaming nakikipagbatian at kwentuhan sa mga taong umattend ng meeting. Oh my! Hindi ko naisip na ganito pala ang pakiramdam ng may hinahawakang mataas na posisyon sa isang malaking kumpanya. "Nice to meet you, Mrs. Fierro," nakangiting turan nang isang matangkad, maputi at singkit na lalaking lumapit sa kinatatayuan namin ni Rave. Hula ko ay nasa edad kwarenta na ito ngunit kitang kita pa rin ang kanyang kagwapuhan, nakasuot ito ng kulay gray s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books