Nagising si Etel sa pamamagitan nang marahan na tapik sa kanyang balikat. Pupungas-pungas niyang idinilat ang mga mata at pagod na tumitig sa taong nasa kanyang harapan. Ngunit, panandalian lang ang reaksyon na iyon. Laking gulat na lang niya ng kanyang napagtanto kung sino ang kasama niya ngayon. Halos maduling na siya sa sobrang lapit nang mukha ng lalaki sa kanyang mukha.
“Za-Zackary Devrox . . .” bulong ng dalaga na hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakikita. Pinagmasdan niyang maigi ang mukha ni Zack. Aakalain mong kinakabisado niya ito sa paraan ng kanyang pagkakatitig. Naramdaman na lang ng dalaga ang mainit na kamay ni Zack na bahagyang dumampi sa kanyang baba.
“You're drooling,” saad ng lalaki na halos nagpa-akyat ng dugo ni Etel sa kanyang mukha.
“By the way, we're already here. So, would you mind?” Nakanganga lang si Etel habang nakatingin pa rin sa mukha ni Zack. Tanging tango lang ang isinagot niya sa lalaki nang ituro nito ang suot niyang seatbelt. Matapos matanggal ang lock ng kanyang seatbelt ay bumaba na si Zack ng sasakyan at umikot ito sa maygawi niya. Kinikilig na iniisip ni Etel na pagbubuksan siya ng pinto ni Zack. Ngunit na dismaya na lang siya ng katukin nito ang bintana ng kotse at sumisenyas ito na lumabas na siya.
Naka-busangot na bumaba si Etel sa kotse. Na-disappoint siya sa kanyang sariling pagka-pelengera. Nang nagsimula na siyang maglakad upang sumunod kay Zack ay napahinto siya bigla. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahan na nadarama nang maamoy niya ang halimuyak ng bulaklak na gustong-gusto niya, ang rosas.
Kusang kumilos ang kanyang mga paa patungo sa lugar na mas matapang ang ibinibigay na halimuyak. Kitang-kitang ang kasayahan sa mukha ng dalaga nang mapagtanto niyang nasa isang hardin na siya. Isa itong napakalaking hardin na taniman ng iba't ibang kulay ng rosas. Nakahanay ang pagtatanim nito ayon sa kanilang mga kulay. Sa sobrang mangha ay hindi na namalayan ni Etel na pumitas na siya ng isang puting rosas
“What are you doing?” Halos mabitiwan ni Etel ang hawak na rosas nang marinig niya ang galit na boses ni Zackary. Naka-yuko siyang humarap sa lalaki at sinubukang magpaliwanag.
“Ah . . . kasi, pasensya na po, sir Zack. Nagandahan kasi a—"
"Who gave you permission to get in my mom's garden?” Matigas ang tono ng pananalita ni Zack na talagang nagbigay ng kakaibang takot kay Etel.
“Pa-pasensya na talaga, s-sir Zack, sige i-itatanim ko na po ulit,”
Gamit ang kanyang mga kamay ay hinukay niya ng konti ang lupa. Alam niyang hindi na ito mabubuhay, pero kailangan niya itong ibalik dahil alam niyang hindi ito para sa kanya.
“Come with me. My dad wants to talk to you," sabi ni Zack na nagpatiuna ng naglalakad papasok sa kanilang mansyon.
Habang nakasunod sa lalaki ay hindi niya namalayang nakatitig na pala siya sa sa malamang p’wet nito. Nasabi niya na lang sa sarili na talagang perpekto ang lalaking kanyang iniibig, mayka-sungitan nga lang. Hindi niya maiwasang mapangiti sapagkat sino ba ang mag-aakala na ang maliit na magazine cut na nakadikit sa dingding ng kanyang k’warto ay magiging totoo ngayon.
“Ay! Kabayo!” Walang kalaban-labang natumba si Etel sa kanilang dinadaanan nang biglaang humarap ang lalaki sa kanya. Bumangga siya sa dibdib nito at tumama ang kanyang p'wet sa matigas na isle.
“Tsk, ang tanga talaga. Tayo r'yan! And, don't you ever come near my mom's garden again! Did I make myself clear?"
"Oo . . . Oo! Promise po, sir Zack." Para siyang nanunumpa ng katapatan sa watawat nang itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at nagsimulang mangako.
Nakahinga lang siya nang maluwag ng makapasok na sa loob ng mansyon si Zackary.
Bilang hindi siya taga-rito ay hinihimas niya ang sumakit na pang-upo at dali-dali siyang sumunod sa likuran nito. Ngunit muling nanaig ang kanyang katangahan ng sa pangalawang pagkakataon ay inagaw na naman ang kanyang buong atensyon ng magandang mga tanawin sa loob ng mansyon. Mistula siyang batang mangha sa kanyang mga nakikita. Huli na nang maalala niyang dapat ay sumusunod siya kay Zack. Nalilito siyang nagpa linga-linga at naghahanap sa lalaki. Naglalakad siya na walang direksyon at nagsisimula ng mag-alala. Naiisip niya ang mga nakikitang palabas sa mga pelikula na haunted mansions. Dahil talagang ganito ang mga disenyo ng pintuan at mga paintings na naka lagay doon. Nagsisimula ng magsitayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan, ngunit nawala ang kanyang takot nang makarinig siya ng isang magandang musika.
Sa pakikinig niya sa labas ng isang malaking pintuan ay bahagya itong bumukas. Napangiti ang dalaga nang masilayan ang isang Ginang na marahang tinitipa ang isang malaking piano. Nakapikit ito na tila ninanamnam ang bawat notang nililikha ng kanyang pagtipa.
Napasandal si Etel sa pinto habang maiging nakikinig sa babae. Nasisiyahan siyang nakikinig sa bawat notang mistula tunog ng pagmamahal.
Nang magmulat ng mata ang Ginang ay nakangiti itong lumingon sa kanya. Sa paraan ng pagkakangiti nito ay hindi napigilan ni Etel na mapangiti na rin.
“Anak! Zackerah, is it you? Honey! Honey! Kerah is here! She's back! Our little angel is back!” Bigla na lang patakbo ng lumapit sa kanya ang babae at niyakap siya nang Mahigpit. Natulala si Etel sa paraan ng pagyakap ng Ginang. Nakakaramdam siya ng sobra-sobrang pangungulila. Ito ang unang pagkakataon na may yumakap sa kanya na nararamdaman niya na isa siyang importanteng tao. Na may silbi at may natutuwa na narito siya. Hindi man alam ni Etel ang mga nangyari sa babae ay tinugon niya pa rin ang mainit na yakap nito.
“Madame Elecia! Ay nako! Madame. Hali ka po rito.” Napaangat ng tingin si Etel ng marinig ang boses ng isang babae.
“Pasensya kana ijah huh. Halika ka na po madame, baka kung ma paano ka r'yan.”
“No! Stay away from me! I only want my baby Kerah! Away! Away!” Napangiti si Etel sa kanya puso. Mistula isang batang nagmamaktol ang Ginang ngayon na ayaw humiwalay sa kanya at tila wala itong balak na siya ay bitiwan.
“Okay lang po ’yon, hayaan niyo na po muna siya, ” Hinihimas-himas ni Etel ang likuran ng umiiyak na babae. Naisip niyang may-special need ang babae kaya ganito ito kung umasta. Abala siya sa pag-aalo sa Ginang nang biglang bumukas ang pinto.
“Honey! What's happening here judith? Bakit sumisigaw si Elecia?” Paumanhing tumingin si Etel kay Trevor nang dumako ang paningin nito sa kanilang banda. Hanggang ngayon ay hindi siya maka-kilos dahil sa higpit ng kapit ni Elecia sa kanya.
“Mom!” Maging si Zack ay napasugod din sa k’warto ng ina nang marinig ang sumisigaw na boses nito.
“Honey, come here! Our baby Kerah is back! Look at her! She did come back for us!" napakasayang turan ni Elecia.
“Honey, no. She's not baby Kerah, Kerah died many years ago,” mahinang sambit ni Trevor na nag-iwan ng mapait na ekspresyon sa magandang mukha ni Elecia.
“Huhu . . . no, nooo!”
Kitang-kita sa mukha ng Ginang ang pagka-bigla, ang takot, ang pait at ang galit.
“My daughter! Where is my daughter?” Sumisigaw si Elecia at muling umataki ang pagkawala niya sa katinuan.
“Mom! Please, please, calm down.” Pagkakalma ni Zack sa ina, ngunit tumingin lang sa kanya si Elecia na may matinding galit sa mga mata.
“You! You're a monster! Why did you let your sister die? You killed her, you killed her! I hate you! Stay away from me!” Nagwawala si Elecia nang bumitiw ito mula kay Etel. Lubhang nalulungkot si Etel sa kanyang nakikita. Buong akala niya na, kung mayaman ang isang tao ay wala na itong masyadong suliranin. Ngunit mas mabigat ang dinadala ng pamilya ng lalaking mahal niya. Naaawa siyang nakatingin kay Zack. Mapait ang mga luhang pumapatak ngayon mula sa mata ng lalaking minamahal. Pakiramdam ni Etel ay isang matalas na punyal ang tumutusok sa kanyang puso sa bawat butil ng luha na nalalaglag mula sa malungkot na mga mata ni Zack.
“Mom . . .” mahinang sambit ni Zack. Mapait na napatingala si Etel. Iniisip niya na maging si Zack ay naghahanap din ng kalinga at pagmamahal ng isang ina.
“Honey, please . . . It's me, Trev. Your husband. Please calm down love,” mahina at masuyong sambit ni Trevor sa asawang sinusumpong ng sakit.
“No! I want my daughter! I want my daughter! I want my daughter!”
Tila may sariling pag-iisip ang mga paa ni Etel at naglakad palapit kay Elecia.
Hindi na niya matiis ang mga nangyayari.
“Tahan na po." Hawak ng dalaga ang mga nanginginig na kamay ng Ginang. Pinilit niyang pasayahin ang kanyang malungkot na mga ngiti at pinunasan ang mga luhang bumasa sa makinis na pisngi ni Elecia.
“Hayaan mo po, p'wede mo naman po akong maging anak din,” mahinang sambit ni Etel. Ngunit, sapat na iyon para maintindihan at maunawaan ng Ginang.
Agad na niyakap nang mahigpit ni Elecia si Etel.
“Mahal kita, Kerah. Mahal na mahal ka ng mommy. ’Wag mo na akong iwan ulit huh.” Hindi mapigilan ni Etel na mapa-hikbi sa mga katagang binitawan ng Ginang. Iniisip niya kung ganito lang sana magmahal ang lahat ng ina sa mundo.
“Celeste? Ijah?” bumalik lang ang atensyon ni Etel sa paligid nang marinig ang boses ni Trevor.
“Ako na ang bahala sa asawa ko.” Nagtatakang napatingin ang dalaga kay Elecia. Napangiti siya ng makita itong mahimbing na natutulog. Walang kahirap-hirap na binuhat ni Trevor ang asawa. Spagkat matangkad man ito ay payat naman ang katawan.
Nang tuluyan ng maihiga ni Trevor si Elecia ay nagpasya ng tumayo si Etel mula sa pagkakasalampak niya sa sahig.
Matamang pinagmasdan ni Etel ang mag-asawa ng bigla na lang siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang kanang paa. “Oh, gosh . . .” bulong ni Etel ng mapagtanto na pinupulikat siya. Paikaika siyang naglakad papunta sa malapit na upuan, pigil na pigil ang sarili at hakbang na ’wag makagawa ng ingay.
“Let me help you.” Halos mapigtas ang hininga ng dalaga nang maramdaman niya ang pagbuhat ni Zackary sa kanya.
Nang mailapag na siya ng lalaki sa upuan ay itinaas nito ng kaunti ang pajamang kanyang suot.
“E mamasahe ko lang para bumalik ang tamang daloy ng dugo. Just stay still.” Tango na lamang ang isinagot ng dalaga, tanda ng pagsang-ayon sa nais gawin ni Zack. Hindi niya mapigilang mapangiti habang nakatingin sa lalaki. Hindi niya lubos maisip na ang isang hamak na babaeng kagaya niya ay makakasama ang isang lalaking ’singtaas ng langit at mahirap abutin.
“Alam mo? Mukha ka talagang timang, pero, salamat.” Hindi nakatakas sa paningin ni Etel ang pagngiti ni Zack. Kinikilig siyang ngumiti habang iniisip na mistula rollercoaster ang kanyang emosyon ngayong araw na ito.