Umalingawngaw sa buong paligid ng stardom ang isang sikat na musika. Kasabay ng pagkanta ng isang babae ay ang sigaw ng kanyang mga tagahanga. Umindayog si Filicity at masiglang kinanta ang chorus ng isa sa kanyang mga sikat na awitin. Mas lalong lumitaw ang kanyang ganda ng tinamaan ito ng ilaw na akma sa kulay ng kanyang balat. Mistula siyang isang Diyosa na sinasamba sa gitna ng entablado. Hindi maalis sa kanyang mga labi ang ngiti habang nakikita kung gaano nagwawala ang mga fans habang nagpe-perform siya. Ito ang pakiramdam na talagang hindi niya kayang bitiwan.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging buhay kung hindi siya magtatanghal at makagawa ng panibagong mga kanta. Filicity Falcon is a talented performer. She sings perfectly, writes her own music and is an excellent dancer. Nasa bantayog pa siya ng kasikatan. Ito ay matagal niyang pinangarap lalong-lalo na ng kanyang frustrated singer na ina. Nang nabuntis ang kanyang ina sa kasagsagan ng kasikatan nito ay lumugar na ito sa tahimik at pinakasalan ang kanyang ama. Masaya naman ang naging buhay nila, lalo na noong ipinanganak siya. Ngunit, nagbago ang lahat ng maaksidente ang kanyang ama na siyang ikinamatay nito. Filicity was sixteen years old at that time. Simula noon ay naging obsessed na ang kanyang ina ng nagpakitang gilas siya sa musika. Her mother personally trained and handled her. Ito ang kanyang nagsilbing mentor and manager. Sa pagtupad niya ng kanyang mga pangarap ay hindi lang sa kanya ang natutupad, kundi maging ang sa kanyang ina. Kaya ngayon na natatamasa nila ito ay hindi ganoon ka dalali ang umalis at iwanan ito.
“I love you all, guys!” sigaw ni Filicity bago tuluyang umalis sa stage.
Nang makarating na siya sa backstage ay hindi pa rin mawala-wala ang kanyang mga ngiti. Kaliwat kanan ang kanyang natanggap na papuri galing sa kanyang mga staffs at co-performer.
“Good job honey! You always make me feel so proud of you!” ’Yan lage ang naririnig niya mula sa kanyang Ina na gustong-gusto niya namang marinig. Simula ng namatay ang kanyang Ama ay naging super duper hands on na ang ina sa kanya. Kahit paano ay nakalimutan nito ang pag-iyak at magmukmok. Isa ito sa nagsisilbi niyang motibasyon upang mas pagbutihan pa ang kanyang mga gagawin.
"Thank you, Mom!” sagot ng dalaga sa Ina na masaya rin at hindi mapatid ang mga ngiti sa labi. Sa kabilang banda ay nagui-guilty siya. Alam niya kasi na whether she likes it or not, malalaman din at malalaman ng kanyang Ina ang matagal na niyang itinatago. Hindi niya pa rin alam kung ano ang magiging reaksyon ng Ina ’pag nalaman nito ang tungkol sa kanya at kay Zackary. Si Zackary na mahal na mahal niya na isang Devrox. Hindi rin alam ng dalaga kung ano ang naging alitan ng kanilang pamilya. Kaya ngayon ay silang dalawa ni Zack ang nahihirapan.
Matapos magpaalam sa Ina ay dali-daling tinungo ni Filicity ang kanyang private room. Halos liparin na niya ang kinaroroonan ng kanyang telepono. Hindi na kasi siya nakapag paalam kay Zack at hindi na sila nagkakapag-usap simula kahapon. Agad na idinayal ng dalaga ang numero ni Zack ng makita niya ang fifteen missed calls nito.
Nakakunot-noo si Filicity ng matapos na lang mag ring ang number ni Zack ay wala pa ring sumasagot. Ito ang unang beses na hindi agad siya nasagot ng mahal na lalaki. Napapadasal na lang siya na hindi talagang nagtampo ang lalaki. Nagpasya na lang siya na idayal ulit ang numero dahil baka hindi lang napansin ni Zack ang kanyang tawag.
“Hello, babe?”
“Babe! What took you so long to answer my call?” inis na bungad ni Filicity sa nobyo.
“It's just a single missed call, Filicity!” Agad siyang natahimik ng marinig ang iritadong boses ni Zack sa kabilang linya. She was shocked. Hindi pa siya kailanman pinagtaasan ng boses ni Zack, ngayon lang. Kaya ay ikinalma niya ang sarili, dahil kahit saang anggulo tingnan ay kasalanan niya naman.
“I'm sorry, babe . . . ” naiiyak na turan ni Filicity.
“Hey, I'm sorry, babe. I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses, hindi na ’yon mauulit. Please don't cry."
“No! Kasalanan ko naman, I deserved it!”
“Shs . . . Stop crying, now, okay? I love you, Filicity.”
“I love you too, Zackary. I'm sorry kung hindi na kita na-e-message o hindi ko na nasagot ang mga calls mo.”
“It's okay babe, I fully understand."
Sa loob naman ng mansyon ng mga Devrox ay hindi maitago ni Etel ang kanyang pagkadismaya. Hindi na niya mapigil ang maging osyosera ng hindi pa rin bumabalik si Zack nang umalis ito upang sagutin ang kanyang telepono.
Dahan-dahan siyang naglakad at nang makita niya si Zack na nakatalikod habang seryoso ang mukha na nakikipag-usap sa phone, ay nag kasya na lang siyang tingnan ito.
“I love you Filicity.”
“I love you Filicity.”
“I love you Filicity.”
“Ouch . . . ” bulong ni Etel ng marinig niya ang sinabi ni Zack sa kausap nito. Bagsak ang kanyang mga balikat na muling umupo sa inuupuan niya kanina. Hindi niya mapigilan ang sarili kung bakit ganoon na lang ka pangit ang kanyang nararamdaman.
“’Yan ang nangyayari sa mga chismosa, nagiging broken hearted,” muling bulong ni Etel sa sarili. Sinusubukan isilsil sa kanyang kukute na hindi siya dapat magselos dahil ni katiting na label ay wala sila ni Zack. Ni friend nga ay hindi sila.
Hindi mapakali si Etel sa sama ng kanyang pakiramdam. Pakiwari niya ay naghalo na lahat ng sama ng loob at sakit ng katawan sa kanyang sistema ngayon.
‘Bakit ba kasi napaka paasa mo kung umasta, Zack baby?’ Himutok ni Etel sa sarili.
“Celeste, Hija?” Litong napatingin si Etel kay Trevor ng marinig niyang tinatawag siya nito.
“Po, Sir?”
“I said, you don't look okay. Would you like to go to your room and rest first?”
Nakatitig lamang siya kay Trevor, hindi niya magawang magsalita sapagkat pakiramdam niya ay babaliktad na ang kanyang sikmura ano mang oras. Talagang hindi matanggap ni Etel na may nobya na ang lalaking matagal na niyang pinangarap.
“You should rest, Hija.”
Nakatingin lang si Etel kay Trevor habang may tinatawagan ito. Ilang sandali pa man ay may pumasok na isang babaeng maykatandaan na at nakasuot ng uniporme.
“Yaya Meding, kindly bring Etel to the guest room. Hija, papupuntahan na lang kita ulit kapag bumuti na ’yang pakiramdam mo. For now, you should rest.” Ngumiti na lang si Etel sa mga sinabi ni Trevor. Sumunod na lang siya sa matanda na sumundo sa kanya. Iiling-iling pa rin siya sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam.
“Hija, anak, okay ka lang ba? Namumutla ka at malamig ang iyong kamay. Gusto mo bang sabihin ko kay Trevor na papuntahin ang family doctor dito?”
“Ay, nako, hindi na po, Ma'am. Kailangan ko lang po ng pahinga. Magiging okay na rin po ako.”
“Tawagin mo na lang akong yaya Meding Hija. Ako ang mayor doma ng pamilya Devrox. Sa ngayon, ako muna ang mag-aalaga sa iyo hangga’t hindi ko pa alam kung ano ang rason kung bakit ka narito.” Isang ngiti ang iginawad ng matanda kay Etel matapos sabihin sa kanya ang mga nais nitong sabihin kanina pa nang makita siya nito sa hardin.
“Magpahinga ka muna, maghahanda ako ng sopas at gamot para sa iyo.”
Nang maka labas na si Yaya Meding ay agad na humiga si Etel sa kama ng kuwarto na kanyang pinasukan. Ramdam niya ang pagod ng kanyang katawan at pag-iisip. Habang nakapikit ay unti-unti na namang nanunumbalik sa kanyang isipan ang nakangiting mukha ng Ina habang hawak-hawak ang isang briefcase. Hindi rin nagtagal ay ang mga salitang narinig niya naman galing kay Zackary ang kanyang iniisip. Hindi namalayan ni Etel na muli na naman siyang umiiyak. Sarado man ang mga mata ay hindi maitatago ng hapo niyang mukha ang mga sakit na nadarama.
Lumipas ang isang linggo ay hindi pa rin ipinatawag si Etel. Nagtataka man ang dalaga ay hindi na lang n’ya ito iniisip pa. Lubos na ang kanyang kasiyahan ng mapagbigyan siya ni yaya Meding sa kanyang kahilingan na maging isa sa tagapag bunot ng d**o sa rose garden ni Elecia. Sa paglipas din ng mga araw ay mas lalong napapalapit si Etel kay Elecia. Pinupunan ng Ginang ang mga puwang sa puso ng dalaga.
Katatapos lang maligo ni Etel. Ilang oras din ang ginugol niya upang masiguro lang na wala ng mga ligaw na d**o sa mga naggagandahang mga rosas sa hardin. Matapos makapag bihis ay magiliw na tinitingnan ni Etel ang sariling repleksyon sa salamin. Sa halos buong buhay niya ay ngayon lang siya nakadama ng kakaibang kaginhawaan sa katawan. Masaya siyang makita na unti-unti ng nawawala ang mga sugat at pasa sa katawan. Hindi man mawala ang mga peklat na natamo dahil sa kalupitan ng Ina ay hindi na niya iyon iniinda. Hindi mapigilan ng dalaga na mapangiti, nakikita niya sa salamin ang kanyang hitsura na iba ang kasuotan. Hindi na ito ’yong dating balot na balot siya na aakalain mong isa siyang suman.
“Etel, Hija, tapos ka na bang maligo?” Naririnig ni Etel ang boses ni yaya Meding kaya ay nagmamadali siya sa pagkilos. Sa maikling panahon na narito siya sa mansyon ay naging malapit na siya sa ibang mga utusan dito, lalo na sa matandang mayordoma.
“Yaya Meding.” Nakangiting bungad ni Etel sa matanda.
“Hali ka na at pinatatawag ka na ni Trevor. ’Wag kang mag-alala Anak, sa tingin ko ay mabuti ang balita na bubungad sa ’yo dahil nasa masayang mood si Trevor.”
Nakaramdam man ng kaba ay sumunod na lamang si Etel sa matandang nauna ng maglakad sa kanya. Naging palaisipan sa dalaga kung ano ang mga mangyayari. Bumabalik na naman ang kanyang baliw na teyorya na baka gawin siyang s*x slave ng mag-ama. Wala sa loob na natampal ni Etel ang sarili. Sapagkat kahit sa maikling panahon ay nalaman niyang hindi ganoong uri ng tao ang mag-amang Devrox.
Nang buksan ni Yaya Meding ang pinto ng opisina ni Trevor ay abala pa ito sa harapan ng kanyang laptop. Matapos maihatid ang dalaga ay lumabas na ang matanda.
Hindi mapakali si Etel sa kanyang kinatatayuan. Parte ng isipan niya ang nagsasabing lumabas siya, tumakbo at magtago.
“Celeste, Celeste,” wika ni Trevor habang winawasiwas ang kamay sa mukha ng dalagang tulala.
“O-opo, Sir!” tarantang sagot niya kay Trevor.
“I said, have a seat, Celeste.”
“Sa-salamat po. Etel na lang po, Mr.Devrox,”
“You too. You can call me daddy from now on.”
“Po?”
“You heard me right, Etel. From now on, call me daddy.”
“Pe-pero bakit po?”
“Because you're gonna be my son's wife. And whether you like it or not, magpapakasal ka sa kanya. Since we already bought you. You have no other choice but to do what we want.” Hindi alam ni Etel kung paano magre-react. Mistula siyang na statwa at hindi siya makaimik.
“By the way, hija, thank you sa ginawa mo kay Elecia. I appreciated it so much.”
“Walang ano man po iyon, Mr—”
“Ep!”
“Da-daddy po pala. Walang ano man po iyon.”
"Yes manang, magpapakasal tayo." Hindi namalayan ng dalawa na nakapasok na pala si Zack. Si Etel naman ay mukhang tinakasan ng kaluluwa sa kanyang narinig.
"Well hija, I need you to read all of this papers. By tomorrow, pag-uusapan natin ang mga detalye ng kasal ninyo ng anak ko. And we need you to know our conditions. Because we need this marriage to happen, as soon as next week." Napa tango-tango na lang si Etel sa mga sinasabi ni Trevor sabay kuha ng mga iniabot nitong papeles.
“Son, talk to her more nang magkakilala naman kayo kahit paano.”
“We don't need to do that, Dad. This marriage is for convenience only.”
“Son, please . . . ”
“Whatever, Dad.” Napapailing na lang si Trevor matapos makita ang anak na nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina.
“Si-sige po Da-daddy. Aalis na po ako." Ginawaran lamang siya ng ngiti ni Trevor sabay pag-wave ng kamay nito. Habang ang magiging husband-to-be naman niya walang ka lingon-lingon na naglakad paalis.