Take her

1577 Words
Kararating lang ni Etel galing sa kanyang maghapong paglalako. Pakiramdam niya ay nauubos na ang kanyang lakas at iniinda pa niya ang sakit ng katawan. Nang maibigay na niya kay Ingka Besing ang bayad-puhunan, ay agad niyang tinungo ang kanilang bahay na walking distance lang mula doon. Matapos mailapag ang kanyang dala-dalang buslo ay agad niyang hinubad ang patong-patong na kasuotan. Nagbihis na agad siya hindi pa man nakakapag hilamos o ligo. Babad siya sa sikat ng araw, kaya ay pinalalamig muna niya ang katawan bago maligo. Nang nakabihis na ay kanya ng ininum ang gamot na binili upang maibsan ang p*******t ng kanyang mga pasa at sugat. Limitado lamang ang galaw ng dalaga dahil takot siyang magising ang ina. Sa ganito kasi na oras ay nagpapahinga ito upang maka punta ng kasino mamaya. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng ina doon. Basta ang alam lang ng dalaga ay lasing ang ina tuwing umuwi ito. Wala pa mang ilang minuto nang maka pasok siya sa loob ng kanyang k’warto ay natanaw niya si Ana sa may bintana. Laking pagtataka ni Etel nang makita si Ana na paparating, sapagkat sa pagkakaalam niya ay pupunta lang ang babae rito ’pag may lakad ito kasama ang kanyang ina. “Ana!” Napailing na lang si Etel nang makita ang ina na kumaripas palabas nang bahay upang salubungin si Ana. “Mami!” “Ang ganda mo, anak!” “Kanino ba magmamana? Syempre! Sa mami.” Napaismid si Etel nang makita ang dalawang babae na nagyakapan. Napapaisip din siya na mas nagmumukha talagang mag-ina ang dalawa. Dahil pareho sila kung manamit parang kinulang sa tela at kung maka makeup ay wagas. “Oy, Celeste!” tawag naman nito sa kanya. ‘Sarap talagang kutasan ng babaeng 'to, ang arte.’ Himutok ni Etel sa sarili. Napipilitan siyang ngumiti nang may pagka-plastic, dahil kung hindi ay baka magtutuos sila ng ina pag sila na lang dalawa. “Hi Ana! Ang ganda mo.” “I know! 'Di tulad mo, mukhang manang!” ‘Ab'at! Ang kapal.’ Gustong isigaw ng dalaga. Ngunit mas pinili na lamang niya ang yumuko at ’di na umimik pa. Iniisip niya na mukhang totoo naman siguro na mukha siyang manang. Wala pa kasing lalaking nagka-interest sa kanya kahit kailan. Lalabas na sana siya ng k'warto upang ihanda ang mga gamit ng ina bago ito umalis kasama si Ana. Nang may biglang pumarada na magarang sasakyan sa harapan mismo ng kanilang bahay. “Mr. Devrox!” wika ng kanyang nanay Katrina. Nahihiwagaan ang dalaga sapagkat kilala ng ina ang gwapong lalaking lumabas galing sa magarang kotse. Unang beses itong nangyari na may lalaking napadpad dito sa kanilang bahay. Inisip na lang niya na customer lto ni Ana. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na p****k ang babae kaya ay masyado nitong inaalagaan ang panlabas na anyo. Alam din niya na dating bugaw ang kanyang ina. “Siya na ba ang anak mo, Katrina?” Pa-inosenteng tanong ni Trevor na mistula hindi narinig ang usapan ni Katrina at Ana sa telepono. “Ay opo, Mr. Devrox.” Matapos iyong sabihin ay sinipat nang maigi ni Trevor, si Ana,mula ulo hanggang paa. Kunot-noo na napalabas ng bahay si Etel upang alamin kung ano ang nangyayari. “Okay, here's the money” Sabay abot sa ina ni Etel ng case na dala nito. Hindi alam ni Etel kung ano ang laman ng case. Ang nakikita lang niya ay mukha ng kanyang ina na ubod ng saya. Ngayon na lamang niya nakita ang ganoong klaseng ngiti ng ina. Hindi naglaon ay may isa pang magarang sasakyan ang pumarada katabi ng unang sasakyan na dumating. Nang bumukas ang pinto ng kotse ay iniluwa ang isang lalaki. Naka business suit ito at malulula ka sa sobrang tangkad na medyo moreno ang kulay ng balat. Hindi mapigilan ni Etel na mas-titigan pa ang lalaki. Ang tindig at awra nito ay talagang pamilyar sa kanya. “Son! You are here.” Pa tango-tango pa si Etel nang tinawag ni Trevor na anak ang bagong dating na lalaki. Halos ma buwal si Etel mula sa kanyang kinatatayuan nang hubarin ng lalaki ang suot netong eyeglasses. “Za-zackary!” Napalakas ang boses ng dalaga dahil sa sobrang gulat. Naging dahilan ito upang mapalingon silang lahat sa kanya. “Manang na amoy galunggong ang hininga?” “Oo, ako nga! Lalaking amoy bulok na itlog ang hininga.” Halos lumuwa na ang mata ng ina ni Etel sa kasesenyas nito na pumasok siya sa loob ng bahay. “Ano ba Etel! ’Wag ka ngang sumasabat d'yan. Punyeta kang bata ka!” Paika-ikang nagpahila si Etel sa kanyang ina. Wala siyang balak manlaban dahil masakit pa ang kanyang buong katawan. Ipapasok na sana siya nang sapilitan ni Katrina nang magsalita si Trevor. “No! It's okay Katrina, by the way, who is she?” tanong ni Trevor na hindi mapigilang mapataas ng kilay. Nakahinga lamang nang maluwag si Etel ng bitiwan na siya ng kanyang ina. Ramdam niya ang hapdi sa parte ng kanyang kamay na hinawakan nito nang mahigpit. Hinimas niya ang parteng iyon na unti-unti na ring namumula. “Ah, naku! Mr. Devrox, ’wag mo na lang po siyang pansinin. Wala lang po siya,” Matapos iyong sabihin ay galit na hinablot si Etel ng kanyang ina at muling pinapapasok sa loob. “Ikaw punyetang bata ka! Pasok sa loob!” Agad siyang napayuko. Papatak na anumang oras ang kanyang mga luha. Wala talagang pili ang kanyang ina. Pinapahiya siya nito sa kahit na anong paraan na maisip nito. Papasok na sana siya ng marinig niya ang sinabi ni Zack. “I want that manang, dad. Bring her with us!” Hindi alam ni Etel ang gagawin nang marinig ’yon. Para siyang tuod na nakatayo at nag-aabang sa susunod na mangyayari. “Okay, Katrina, 15 milyon for her. Take it or leave it.” Hindi makapaniwala si Etel sa kanyang mga naririnig. Mistula nasa isang subasta ang dating nito sa kanya, at siya ang isusubasta. “Sandi lang po, Mr. Devrox! Ay, ikaw naman, sige payag na ako!” Mas lalong naging blanko ang ekspresyon ni Etel. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Napapatanong siya sa sarili kung ganito ba dapat kumilos at mag-isip ang isang ina. Kahit saang anggulo niya tingnan ay hindi niya malaman kung ano ang mali sa kanya, at ganito na lang siya kung tratuhin ng ina. “Huh? No! No mami! 'Diba ako ang usapan!" Hinawakan ni Ana ang braso ni Katrina. Halatang ayaw nitong pumayag. Ni halos hindi rin maalis ang mga titig ni Ana kay Zackary. Subalit iwinaksi lang ni Katrina ang kamay ni Ana sabay hila kay Etel malapit kay Trevor. “Sumama ka sa kanila Etel!” Naglalandas ang mga luha ng dalaga nang marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ng ina. Doon lang niya napagtanto na mistula binugaw na rin siya ng kanyang ina. Hindi niya lubos maisip na darating ang panahon na hindi na lang ibang tao ang ibubugaw ng ina, kundi, misyong s’ya na rin. Ang masaklap lang ay mas malala ang gagawin ng kanyang ina sa kanya. “Sandali nay! Nay ’wag mo naman ’tong gawin sa akin oh,” pagmamakaawa ng dalaga na hindi na mapigilang mapaluhod at mapahagolgol. Kitang-kita niya kung paano permahan ng kanyang ina ang mga papeles na inabot ni Trevor kay Katrina. Matapos pumirma ay abot hanggang langit ang mga ngiti ni Katrina nang tanggapin ang dalawang briefcase na may lamang malaking halaga ng pera. “Dalhin niyo na po siya,” wika ng kanyang ina na para bang isa siyang pinaglumaan na pinamimigay na. Tila naubos na ang lakas ni Etel. Bumuhos sa kanyang alaala ang mga paghihirap na dinanas mula sa ina. “Take her!” Tila wala ng buhay si Etel na nagpahila na lang sa tauhan ni Trevor. Sa bawat hakbang na kanyang ginawa palayo sa bahay na kanyang kinalakihan ay dumudurog sa kanyang puso. Mabigat ang kanyang mga hakbang habang nakatingin sa ina na walang ibang inatupag kung hindi ang hawak nitong dalawang briefcase. Pakiramdam niya ay mas naririnig ng ina ang malutong na tunog ng pera kaysa sa kanyang mga hikbi. Nang tuluyan na s’yang makapasok sa loob ng kotse ay doon na kumawala ang kanyang masaganang mga luha at hikbi. Naisip niyang sana ay pinalayas na lang siya ulit ng ina. Na sana ay matutulog na lang siya ulit sa labas ng bahay nila. Na sana ay manghihingi na lang siya ulit ng pagkain sa kapit bahay dahil ayaw siyang papasukin ng ina. Mas matatanggap pa niya ang ediyang ’yon kaysa ang isipin na ibininta s’ya ng sariling ina. Wala sa sariling niyakap ni Etel ang sarili. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang pagmamahal at atensyon mula sa ina. Ginawa niya lahat mapasaya lang ito. Subalit ni katiting na pagmamahal ay wala itong maibigay sa kanya. “Wear this,” Nanlalabo ang mga mata ni Etel na lumingon sa pinanggalingan ng boses. Sisinghot-singhot siyang inabot ang itim na jacket at paunti-unting isinuot sa kanyang nilalamig na katawan. Walang ibang tumatakbo sa isipan at puso ni Etel kung hindi ang nakangiting mukha ng ina. Ngiti na hindi siya ang dahilan, kung hindi pera na laging mas pinipili nito kaysa sa kanya. Ipinid ng dalaga ang kanyang ulo sa salamin ng sasakyan. Nakapikit lamang siya at hinahayaan maglandas ang kanyang mapait na mga luha. Pigil ang hikbing sinasarili ang sakit na nadarama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD