Halos nasa-alapaap ngayon ang pakiramdam ni Etel. Hindi niya lubos inakala na may magsasabi sa kanya na maganda siya, at siya ang may pinakamagandang mata na nakita ng lalaki. Mistula siyang kinikilig na natutuliro. Matagal ng inaasam ni Etel na may makapansin din sa kanyang nakatagong ganda. “I'm very gorgeous, hmm . . . Gorgeous me, lala . . . " Napapakanta pa si Etel habang hinahanda ang kanyang makakain. Hindi naman kalakihan ang kanilang siyudad ay matindi pa rin ito kung magka-traffic. Ito ang naging dahilan kung bakit hapon na ng makauwi ang dalaga. Kaya nang makauwi siya ay sinabon at pinagalitan siya ng matandang mayordoma na alalang-alala sa kanya. “Gorgeous me, oh . . . Gor—” “Will you shut up?” “Ay! Kabayong naka-heels!” Muntik ng natapon ang pagkain na ginagawa ni Etel na