Kung namangha si Etel sa display area ng Cleopatra Rensé mas namangha siya ngayon sa loob ng mismong parlour nito. ’Liban sa halos salamin ang isang bahagi ng dingding ay napalilibutan rin ito ng mamahaling mga kagamitan. Habang ang mga staffs naman sa loob ay naka suot ng magagarang mga damit. Nang maka upo na s’ya sa upuan upang ayusan ay tila tinatambol ang kanyang dibdib. Sa paraan kasi ng pagkakatitig sa kanya ng mga staffs ay mukhang lalamunin na s’ya nang buhay anytime. “What is your relationship to Mr. Phoenix, babae?” Parang gustong sumigaw ni Etel sa sakit nang pagkakasuklay sa kanyang buhok. Tila nais ng babeng nag-aayos sa buhok n’ya na s’ya ay kalbuhin. “Ka-kaibigan po n’ya ako, Ma'am,” Nanginginig ang boses ni Etel habang napangiwi sa sakit. Napapaisip din siya kung bakit