Bumibilis ang t***k ng puso ni Ivy sa isiping may hinalikan na ibang babae ang asawa niya. Hindi niya mapigilan ang luhang namuo sa mga mata niya. "Baby, relax ka lang... ganito kasi iyan." "Ano, Charles? Magpaliwanag ka..." usal niya sa paos na boses. Pinipigilan niyang hindi mapaiyak. Malambing siyang niyakap nito. "Oo, baby, lipstick iyan. Ang totoo niyan may biglang humalik sa akin dahil napagkamalan niya akong boyfriend niya, lasing na rin ang babae at hindi alam ang ginagawa." Paliwanag nito. Bumuntonghininga siya. Pina-process ng utak niya ang paliwanag nito. Sa tingin niya ay valid naman ang rason nito dahil nasa club ito kanina, maraming mga babae at halos lahat ay lasing na. Kaya ayaw niya sa lugar na ganoon. Medyo kumalma ang puso niya sa sinabi nito pero may konting ki