Nagising si Ivy na masakit ang katawan. Sa sofa pala siya nakatulog at hindi pa siya komportable sa posisyon niya. Nakatulog na siya sa kahihintay kay Charles kagabi. Tinatawagan niya ito kagabi pero hindi sumasagot hanggang sa hindi na niya ito ma-contact. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at itinakip ang dalawang kamay sa mukha. Iniisip niya kung nasaan si Charles at bakit hindi nakauwi. Nag-aalala na rin siya dahil hindi naman nito ugali na basta na lang hindi magpaparamdam kapag may emergency na nangyari lalo na kapag hindi ito makakauwi. "Good morning, Ma'am Ivy," bati sa kanya ni Manang. Tinanguan niya lang ito. Alam niyang hindi pa dumadating si Charles dahil kapag umuuwi ito at naabutan siyang nakatulog na sa sofa ay kaagad siya nitong inililipat sa silid nila. "Manang, ikaw n