Damn it! Lihim na mura ni Charles sa sarili niya habang patungo sila sa paboritong restaurant ni Ivy, kailangan niyang bumawi rito. Nakalimutan niya ang araw ngayon na dapat ay mamili sila ng mga dekorasyon. Pero ang nangyari ay silang dalawa ni Chantal ang nandito ngayon sa mall para mamili ng Christmas tree at decorations. Pasalamat na lang siya at hindi siya nakita ng anak niya na kasama niya si Chantal kung hindi ay baka nakita na silang dalawa ni Ivy na magkasama. Shit talaga! Ano ba ang pinasok mong gulo, Charles? Litanya niya sa sarili. "Table 8," saad ng hostess na sumalubong sa kanila pagpasok nila sa restaurant. Dumeretso sila sa table 8. Hindi talaga siya mapakali dahil iniisip niya si Chantal. "Charles, ano ang gusto mo? Ganoon pa rin ba?" Malambing na tanong ni Ivy sa ka