Chapter 1

1212 Words
JENYFER "Jenyfer!" malakas na sigaw ni mama mula sa baba ng hagdan. "Ano ba! Bumaba ka dito, 'wag mong ubusin ang pasensya ko, babae ka!" Pumikit ako at ilang buga ng hangin ang pinakawalan ko. Kinabahan ako, kapag ganito ang timbre ng boses ni mama ay natatakot na naman ako. Kulang na lang ay tumakbo ako sulok ng silid ko at mag-sumiksik doon o kaya naman ay magtago sa ilalim ng kama dahil hudyat ito na maaaring masaktan na naman ako. "Lintik! Kanina pa kita tinatawag! Bababa ka ba o hindi?" nanggagalaiti na panay ang sigaw na tanong nito. "Pababa na po!" Agad na humakbang ako at mabilis na bumaba ng hagdan matapos na sagutin ko ang tawag ni mama sa akin . "Pinagtataguan mo ba ako, ha, Jenyfer?" galit na bulyaw na tanong pa nito. Sanay na ako sa ganitong trato ni mama sa akin dahil mula ng mag-kamalay ako ay ganito na ang sitwasyon ko. Mukhang natalo na naman ito sa sugal at ako naman ang napag-balingan. "P-pasensya na po. N-nagbibihis po ako ng dumating kayo," na uutal na paliwanag ko. "Sinungaling!" Napaigik na lamang ako ng mabilis na naabot nito ang mahabang buhok ko at mahigpit na dakot ito dahilan para makaramdam ako ng sakit sa anit ko pati na rin sa nabanat na ugat sa leeg ko. Pakiramdam ko nga nalagas na naman ang buhok sa higpit ng pagkakadakot nito dahil masakit ang anit ko at muntik akong matumba dahil umikot ang paningin ko. "Aray ko po," nakapikit na sabi ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni mama sa buhok ko. Alam ko kasi na nakainom rin pala si mama dahil sa amoy alak na nalalanghap ko mula sa katawan niya ngayong malapit ako sa kan'ya. "Sa susunod na pagtaguan mo ako, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" galit na singhal pa ni mama saka para akong basahan na marahas na pinakawalan kaya napasalampak ako sa sahig. "Makinig kang mabuti, magbihis at magpaganda ka. Mamayang gabi may interview ka sa isang sikat na modeling agency. Kailangang galingan mo para naman may silbi ka at makabayad ako ng utang namin ng papa mo. Nakakulong ngayon si papa dahil sa utang, 'yan ang sabi ni mama. Sigurado akong ito rin ang dahilan kaya hindi na naman napapakali sa sulok ang aking ina. "Magkano po ang utang natin, ma?" kinakabahan na tanong ko. Lihim na nanalangin ako na sagutin ni mama ang tanong ko at baka sakali na magawan ko ng paraan na mabayaran ito gaya ng mga pagkakautang nilang dalawa noon. Hindi man malaki ang kinikita ko sa mga raket ko ay nakapag-ipon ako kahit paano. Bukod kasi sa nag-aaral ako sa araw ay pumapasok rin ako sa trabaho sa gabi. Ang hirap lang sa sitwasyon ko dahil may mga magulang nga ako pero heto daig ko pa ang mga batang lumaki sa kalsada. May bahay nga along tinutuluyan at bubong na masisilungan pero walang kapayapaan dahil parehong lulong sa bisyo ang aking mga magulang. Madalas uminom at magkasino si mama. Si papa naman kun'di babae ay may bisyo rin naman na inaatupag. Ako, lumaki akong ang tanging concern ko ay makatapos ng pag-aaral para magkaroon ng maayos na buhay. Nagsusumikap akong igapang ang pag-aaral ko dahil alam kong balang araw kapag nakatapos ako ay magagamit ko ito para lumaban at ng matatag sa hamon ng buhay. "Nakikinig ka ba?" galit na tanong ni mama. "Po?" "Sabi ko labinlimang milyon ang utang ng magaling na ama mo. Ipinatalo niya sa sugal ang investment ng mga investors kaya kailangan natin ng malaking pera para mailabas siya dahil kung hindi, mabubulok siya sa bilangguan!" Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko sa narinig ko. Labinlimang milyon, saang sulok ng mundo kami makakahanap ng gano'ng halaga? Itong bahay, nakasanla na rin. Nalugi na ang mga negosyo nila kaya ano pa ba ang natitira? "Hindi ka na naman nakikinig!" gigil na sigaw na naman ni mama sa akin. Nataranta ako ng akmang ihahanpas nito sa akin ang pigurin na nadampot. Kung bakit ngayon pa ako nawala sa sarili kung kailan kausap ko siya which is ayaw na ayaw ni mama ng ganitong para akong tuod na nakatayo sa harap nito. "Pasalamat kang babae ka, kailangan mong humarap sa magiging amo mo dahil kung hindi babasagin ko iyang walang laman na ulo mo!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko na pahayag ni mama. Ngayon ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. "Mama, may trabaho na po ako. Ayos naman po ako doon," dahilan ko. "Anong napala mo sa trabaho mo sa restaurant? Uuwi ka dito ng amoy sibuyas tapos barya lang and sahod mo. Mabuting 'wag ka ng pumasok kung ayaw mong samain sa akin!" Napalunok ako, hindi ko alam kung paano ko kumbinsihin ang mama ko ngayong may sarili na siyang plano sa akin. "P-pero m-ma," nauutal na sagot ko. Hindi ko na ito natuloy dahil pinukol ako ni mama ng masamang tingin. "Ayaw kong makarinig ng kahit anong salita mula sa'yo. Kapag sinabi kong gawin mo, gagawin mo!" matinis at galit na singhal nito sa akin. "Ito na nga lang ang silbi mo sa amin tapos mag-inarte ka pa. Alalahanin mo, kung pinatay kita noon, hindi ka na sana humihinga na nakatayo ngayon sa harap ko!" Tuluyan ng bumagsak ang luhang pilit na pinipigilan ko sa mga mata ko. Ito kasi ang malimit sabihin sa akin ni mama tuwing ganitong galit siya sa akin. Obviously, ayaw ng mga magulang ko sa akin. Ako ang sinisisi nila kung bakit nawala ang bunsong kapatid ko matapos malunod sa swimming pool dahil naglalaro kami at parehong nahulog. Wala noon ang mga magulang namin at dahil bata at mga kasambahay lamang ang kasama ay hindi ko na isalba si Quin. Siyam na taon pa lamang ako at pitong taon naman ang kapatid ko. Sabay kaming nahulog dahil itinulak niya ako pero dahil sa gulat at pagkataranta ay na hagip ko ang kamay niya kaya nahatak ko at kasamang bumagsak sa tubig. Hindi ko alam kung paano kami na punta sa ospital dahil doon na ako nagkaroon ng malay habang ang kapatid ko naman ay binawian na pala ng buhay. Sa akin mabunton ang lahat ng sisi, naging malupit ang sumunod na nangyari dahil walang araw na hindi ko naranasan ang masasakit na salitang galing mismo sa mga magulang ko. Physically, emotionally and mentally I'm exhausted pero wala akong magawa kun'di manalangin at hilingin sa diyos na balang araw ay magbago ang lahat. Natuto akong tumayo sa sariling mga paa. Nag-aaral sa pampublikong paaralan kahit may pera naman ang mga magulang ko na laging nagbabangayan. Sinusubukan kong maging matatag at kinaya kong huwag umasa sa kanila dahil napagod na akong isipin na balang araw magbabago ang lahat. Sinanay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon at pamumuhay dahil ito lamang ang kaya kong gawin para maka-survive. "Fix yourself, maligo ka. Mamaya umayos ka, kailangan na maganda ka 'pag humarap ka sa bagong boss mo," walang pakialam na sabi ni mama bago ako tinalikuran at naglakad papasok sa kusina habang naiwan akong nakatayo at patuloy na pumapatak ang mga luha. Saglit pa ay narinig ko ang sunod-sunod na kalabog sa kusina, tanda ito na hindi na naman nagustuhan ng mama ko ang pagkain na nakita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD