NATAPOS NA ako sa paglilinis ng buong bahay nang bumaba si Felix. Napatigil siya sa paghakbang at kunot-noong tiningnan ako. "Ang aga mo yatang naglinis, Ann?" tanong niya sa akin. Madaling araw pa lang kasi. Alas kwatro pa ng umaga. "Nagising kasi ako tapos ayon, ‘di na ako makatulog. Isa pa, ‘di ba, maaga akong natulog kagabi?" Ngumiti ako sa kanya. Pinahiran ko ang pawis na nasa aking noo at tinali ang aking buhok. Nakakapagod! "Uh, dito natulog ang mga magulang mo? I saw an unfamiliar car outside. I was thinking na baka sa kanila 'yon." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. Inayos ko ang aking buhok. "Yes, dito sila natulog," sagot niya sa akin at bumaba ng hagdan. Nilampasan niya ako. Naamoy ko si Felix. Bigla akong nahiya. Hindi pa ako naligo. Pasimple kong inamoy ang akin