Prologue
One day, there was a girl named Khalia Dela Merced. Kaklase ko sa Psychology major in Humanities. She's pretty, nice and witty. Pero kulang lang talaga sa aruga, in short...iresponsableng bata. First day of school pa lang ay nagagandahan na ako sa kanya, lakad niya pa lang makalaglag brief na. Makapanindig balahibo pa, at higit sa lahat...mapapalingon ka talaga. Pero same day and time, ang hundred percent na pagkakagusto ko sa kanya ay bumagsak na lang bigla, galing langit patungong lupa! As in lumagapak talaga.
Ikaw ba naman tapunan nang itlog na bulok, harinang may halong alikabok at samahan pa ng tubig na malamig dahil galing sa ref. Mananatili pa kaya ang pagkamangha mo sa kanya o magwawala ka at sasabunutan na siya.
Take note! Hindi ako bakla at galit ako sa mga babaeng kinukutya akong bakla!
"Akala ko trashcan, sorry." Maarteng pananalita ni Khalia.
Nagpupuyos na ako sa inis at nanatili pa rin akong nakayuko sa aking kinatatayuan at kinukuyom ang dalawang kamao. Hindi ito ang unang beses na ginanito ako ni Khalia. Dahil nalaman ko rin ngayon na siya rin pala ang nagtapon sa akin ng kumpol na papel noong enrollment.
"Khalia," Pagpipigil ko sa aking galit.
"Yes Drex? My Ex? I mean Ex stalker or baka stalker pa rin kita hanggang ngayon ha!?" Aniya.
"Stalker? Ako? Hoy Khalia! Maybe ikaw ang stalker sa ating dalawa." Pagbaliktad ko sa sitwasyon. 'Di ko kasi gets ang pagiging rude sa akin ni Khalia, parang ang laking balakid ko sa kanyang buhay.
"Woah? Bro, 'di tayo talo! Nerd ka at..."
"Bobo ka," Naririnig ko ang tawanan sa buong pasilyo na kung saan ay nakakaagaw na kami nang eksena sa buong lugar.
"How dare you call me bobo? H-hindi 'yan t-totoo!" Nauutal at nag-aalburoto niyang pagsagot sa akin.
"Ow? Ba't ka galit sa akin?" At may naalala naman akong nangyari sa enrollment noon, na magkatabi kami sa entrance exam pero wala siyang naisagot kaya kinalabit niya ako at tsaka 'di ko siya binalingan kasi nga naka-focus ako sa sinasagotang papel. "Alam ko na! Naalala ko na!" Biglang sigaw ko.
Nababakas sa kanyang mukha ang labis na pamumutla na para bang natuyo na lang bigla lahat ng dugo sa kanyang katawan. At balisang inilibot ang buong paningin sa paligid, sa buong estudyante.
"T-tara na girls!" Alok niya sa kanyang mga kasama pero 'di ito nagpahila.
"Wait lang Khally, let's hear this nerd first." Pagsasalita nang kasama niya lagi.
Nagtapang-tapangan naman siya. "Oh s-sige! S-sabihin mo n-na!" Kausap niya sa akin. Alam kong nagtatapang-tapangan lang siya.
"Are you sure? Baka masira image mo rito sa school?" Pananakot ko sa kanya.
"B-bakit naman m-masisira, huh! As if naman!" Still matapang pa rin ang mukha.
"Remember the entrance exam thingy?"
"Anong meron doon?"
"That was the reason for all of this rudeness right?" Pagpapaalala ko sa kanya.
"What do you mean?"
Mataman lang na tinititigan kami ng mga estudyante. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Kahit ganyan ang katangian niya, still she's a person, tao pa rin siya may pakiramdam. Kaya para mawala na sa amin ang mga mata nila. Ay inakbayan ko na lang siya.
Nagpupumiglas siya. Pero dahil mas matangkad ako sa kanya at malaman ay 'di niya ako magawang ilayo.
"Guys, paumanhin po sa ginawang eksena namin ngayon. Pero away magjowa lang 'to kaya pwede na kayong bumalik sa inyong mga klase. Mag-uusap lang kami ng babe ko. 'Di ba Babe?" Hinarap ko siya habang nakaakbay pa rin ako sa kanya. Kinunotan niya ako ng noo at patuloy pa rin sa pagpupumiglas.
"Away magjowa lang pala, tara na nga!"
"Sila pala? Paano?"
"Kailan lang ba naging sila?"
"Baka ginayuma ni Drex!"
"Baliw! Gwapo naman si Drex, kahit na nerd 'yan! For your info crush ko 'yan! Matalino pa!"
Mga naririnig ko sa ibang estudyante. Nakangiti lang kami sa harap ng mga estudyante at hinihintay namin na mawala na sila sa harapan namin. Kahit na kanina pa ako kinukurot ni Khalia sa tagiliran ko para lang pakawalan ko siya pero 'di ako nagpatinag.
Napansin kong nandito pa rin ang mga kasama ni Khalia kaya hinarap ko rin sila at kinausap na ewan na muna kami ni Khalia para makapag-usap.
"H'wag kayong umalis please," Nagmamakaawa si Khalia sa kanyang mga kaibigan.
"Kita na lang tayo mamaya sa classroom Khalia, bye!"
At nagmamadali silang umalis sa harap namin, kaya nang wala na ang mga estudyante ay roon na ako lumayo sa kanila at paimpit na iniinda ang napakasakit na dulot ng pangungurot niya sa akin.
"Ahhhray!!!" Pigil na sigaw ko.
"Hoy! Drex! For your information! Anong magjowa ang sinasabi mo! Ang feeling mo naman boy! Ulol mo! D'yan ka na nga!" At nagmartsa na siya palayo sa akin. 'Di ko na lang siya hinabol at baka lalo pa siyang magalit sa'kin.
KINABUKASAN
Nakita ko si Khalia na papanaog sa kanilang sasakyan at para bang pinapagalitan ng kanyang Daddy at Mommy. Kaya nagtago ako sa isang poste at matamang nakikinig sa kanilang usapan.
"Khalia, we did not send you to this prestigious school para lang magkalat ka ng pagiging walang laman ng utak mo! Kapag 'di ko makitang matataas ang marka mo! We will sent you to the state with your Kuya Lohanne! Bakit pa kasi 'di ka nagmana sa Kuya mong matalino! Puro ka lang porma at pagpapaganda! Bobo ka naman!" Pangungutya ng sariling Daddy niya sa kanya.
"H'wag kang maging kahihiyan sa pamilya Khalia! Isa kang Dela Merced! Por Dyos Por Santo! Tara na Gilberto! Nag-iinit ang ulo ko sa anak mong ito!"
At 'di naman nagtagal ay lumarga na ang sasakyan nila Khalia at ngayo'y nakatingin ako kay Khalia at matamang sinusundan ang bawat galaw niya. Isinaksak niya ang headset sa kanyang tenga at pumasok na sa gate ng school.
Sinusundan ko naman siya at nakasalampak din ang headset sa aking tenga. At 'di ako nagpahalatang sinusundan ko siya.
Nasa pasilyo kami at nagsalita siya.
"Better shut your mouth Herrera! Or else I'll kick your ass!"