Chapter 7
Kakatapos lang gamutin nang school nurse ang mukha ko gawa sa pagsuntok sa akin ni Jigs kanina.
"Hoy Khalia! Simula pa noong na-isyung naging tayo e halos, umiyak ang linggo o araw na hindi ako naaagrabyado nang Jigs na 'yan! Kaanu-ano mo ba 'yon? Kung makapagreact parang may ugnayan kayo sa isa't-isa! A--Aray!! Khalia!!" naputol ko naman ng pansesermon kay Khalia dahil piningot niya ang tenga kong may bandage rin!
"Ano ba! Kita mo na ngang may benda 'di ba? Wala ka talagang awa!!" inis kong pinalis ang kamay niya sa tenga ko. Naiinis ako dahil sa pinapairal niyang kabobohan! Kitang nasasaktan na ako! Dinadagdagan pa!! Bwesit!
Tumayo ako at sinabit na ang bag na napuno kanina sa buhangin!
"Saan ka pupunta!?" sigaw na tanong niya hahabulin sana niya ako nang bigla siyang natapilok.
"Arayy!" daing niya..
Hindi ako lumingon kahit na kunti! Bahala siya r'yan! Siya ang may kasalanang namaga ang mukha ko. "Drex!! Help!" sigaw pa rin niya sa akin pero hindi na talaga ako tumingin. Bahala siya.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakalabas na ako sa gate nang eskwelahan.
Hindi naman naging hassle ang pagsakay ko ng traysikol dahil may nag-aabang sa labas. Wala ring traffic kaya ilang minutong byahe lang ay nakarating na ako sa mismong bakuran namin.
Si mama lang ang naabutan ko rito sa bahay kaya nagmano na ako sa kanya kahit na may dala-dala siyang timba. Sa tantya ko ay galing ito sa pagdidilig ng mga halaman dahil mamasa-masa pa ang kanyang kamay.
"Mano po Ma," sabay halik ko sa kanyang pisngi.
"Kaawaan ka na ng Diyos anak, napaaga ka yat- oh! Anong nangyari r'yan sa mukha mo?" tss! Nakita pa tuloy!
"A-Ah kasi ma, nabangga lang po sa upuan, nang nahulog kasi ang ballpen ko ay kaagad akong napayuko kaya hindi ko namalayang may armchair pala ang upuan namin kaya...ito! Napuruhan." pagsisinungaling ko, dahil kapag sinabi ko ang totoo,.naku! Baka mangyari ulit ang kinakatakutan ko noong Elementary ako. Sumugod si Mama sa ekswelahan nang malaman niyang may nambubully sa aking mga batang pinupwersa akong gumawa ng kanilang mga assignments! Kaya ayon! Pinagsabihan niya ang mga bata. Kaya ang mga bata natakot at na trauma. Hindi na pumasok dahil kay Mama. Hindi naman nagreklamo ang mga magulang ng mga kaklase kong iyon! Mabuti rin sa kanila!
"Hmm, talaga Drex?" paninigurado ni Mama. Kapag talaga ganito, nanginginig ako kay Mama. Ayoko kasi talaga magsinungaling pero-
"Oh siya sige, pumasok ka na sa loob ng kwarto mo, at magbihis ka na nang pambahay. Tulungan mo ako rito sa pag-gagarden ko." ani ni Mama. Nagmamadali na rin akong napatakbo papasok ng bahay para naman hindi na mabalik sa akin ang usapan.
"Phew! Kinabahan ako ron ah!! Kapag talaga si Mama nagtatanong hindi ako nakakapagsinungaling ng tuloy-tuloy. Nakakakonsensya rin kasi." pagkakausap ko sa aking sarili habang hinuhubad ang aking uniporme at sapatos.
Naghalf-bath na muna ako bago nagbihis ng pambahay. Pakantakanta pa ako habang nagbibihis.
"La~ La~ La~ Dodidodido, Wooah oh oh oh!!!"
Naibagsak ko naman ang sarili sa sahig dahil sa pagkagulat dulot ng malakakas na katok ni Mama sa aking silid.
"Drex! Anak! Magmadali ka r'yan! May naghahanap sa'yo! Drex!! Anak?!!"
"Ah! Opo! Opo! Ma! Patapos na po!" pabalik kong sigaw.
"Sumunod ka kagad dito sa baba at maghahanda na muna ako nang meryenda!"
"Sino po pala ang bisita!?" tanong ko. Pero wala naman akong sagot na natanggap. "Ma?" ulit kong tanong. Pero wala pa ring sagot.
Kaya ang ginawa ko na lang ay nagmadali ako sa pagbibihis. Nang natapos na ako ay kaagad akong humingang malalim bago nagbukas ng pinto.
Nang nagkalakas na ako ng loob ay roon ko na binuksan ang pinto. Dahandahan akong lumabas at sinara ang pintuan. Nakatalikod pa ako sa salas namin pero nangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba dahil sa pagtawag sa akin nang pamilyar na boses.
"Mr. Herrera?" paunang sambit nang boses babaeng tumawag sa pangalan ko.
Marahan akong humarap sa kanila na prenting nakaupo sa aming salas. Pagkakita ko sa mukha nila ay nag-uunahan na sa pagtambol ang puso ko. Bakit ba kasi sila nandito? At bakit nila nalaman ang tirahan ko? Baka pakana na naman ito ni Dean!
"Magandang Hapon po, Mr. and Mrs. Dela Merced, napadalaw po kayo?" kaagad kong pagbati sa dalawang panauhin.
Kaagad namang dumating si Mama dala ang mga hinandang meryenda.
"Thank you Misis. Drex hijo, gusto lang namin sana sabihing prelim examination na ninyo bukas 'di ba?"
"Ah, Opo Mrs. Dela Merced. Hindi ko naman po nakakalimutan ang usapan po natin, tungkol sa pagtuturo ko kay Khalia, pero sana po, tulungan ninyo rin akong pagsabihan 'yong anak mo. Dahil paiba-iba ho kasi ang ugali." Paliwanag ko naman.
"Kami na ang bahala sa anak namin hijo, basta ikaw rin ay gagawin mo rin ang parte mo sa pagtuturo kay Khalia, at we aim for her a passing grade. At ito pala ang paunang bayad namin." sabay bigay ni Mr. Dela Merced sa isang puting envelope na may pera sa loob.
"Sobra naman po yata ito Mr. And Mrs. Dela Merced hindi ko p-"
"Naku! Madam, Sir!" at kinuha naman ni Mama ang pera. Sasawayin ko na sana siya pero inirapan niya lang ako. "Alam ko pong kayang-kaya 'yan nang anak ko na makapasa ang anak mo! At maraming salamat po rito!" ngising ngisi si Mama at tinalikuran kami. "Ma!" tawag ko pero hindi naman nakikinig sa akin.
"Pasensya na po kay Mama," paghingi ko naman ng paumanhin sa inasal ni Mama.
"Walang problema roon hijo, at nga pala, maari kayong sa bahay maglecture dahil may library kami roon at personal computer. Maari ka rin muna roon magstay until magsimula na ang Prelim Test." Anyaya nila sa akin. Naisip ko naman kaagad si Khalia, at baka malaman na naman nang Jigs na iyon na sa kay Khalia ako nakakatulog. Baka hindi lang ito ang mangyari sa aking mukha!
"Sana pag-isipan mo ang sinabi ko sa'yo hijo, bukas ang bahay namin para sa'yo. Tsaka ipapasabi ko rin kay Khalia ang napag-usapan natin ngayon at siya nga pala, galing kaming paaralan kanina, binugbog ka raw ni Jigs?" pagtatanong ng Daddy ni Khalia.
"Ah, Opo...selos lang daw po siguro, akala kasi niya na may relasyon kami ni Khalia," paliwanag ko.
"Tsk! Ginagamit pa rin talaga ang anak natin Mi! Para maitago ang kamalian sa sariling dugo!" pabalang na pahayag ni Mr. Dela Merced.
Nagpaalam na nga sinang dalawa at tsaka pagkatapos na umalis nang mag-asawa ay naalala ko naman saglit si Khalia.
"Dapat pagtuonan ko na nang pansin ang pagtuturo ko kay Khalia bukas, dahil bayad ako rito! Aba't oo nga pala! Si Mama! Ma!!!!?" naalala ko, na kay Mama pala ang pera! Tsk!