Althea's POV . Meant to be? . . Nakangiti ako nang pumasok kami sa loob ng Campus na pinagtuturuan niya. Huling araw ng pasukan ngayon, kaya lahat ng mga stuyante ay walang uniporme at wala ng klase. Napako agad ang paningin ng lahat ng studyante sa amin at panay lang din ang ngiti ni Xirus. . "Good morning, Sir!" tugon ng halos lahat na studyante na nasasalubong namin. "Hala sino iyan? Girlfriend ba ni Sir? Model din ba?" tugon ng isa sa kanila. . Peke na akong ngumiti at hinawi ang buhok. Ang ganda ko 'te! Engineer ako, pero okay na rin kung model ang tingin nila sa akin. . "Ang ganda niya ano? Parang manika. Nakakainis! Crush ko pa naman si Sir," lihim na tugon ng isa pa. . Tumikhim na si Xirus at humawak na siya sa baywang ko nang umakyat kami sa hagdanan ng