Althea's POV . Party . . "I've heard you got a boyfriend now, Ate. Sino? Ipakilala mo nga ako," si Steven sa kabilang linya. Nahinto agad ako sa ginagawa. Ang pesting bakla talaga! Siya lang naman ang gumagawa sa akin ng ganito. "Who told you?" "Si Geoff, Ate. I have rang him the other day. And by the way I will be there in Manila in the following days. May project lang, at tatlong araw lang din. Pakilala mo ako okay? I want to know him," bahagyang tawa niya sa kabilang linya. Pinaikot ko na ang mga mata ko. Heto na talaga ito, at wala na akong magagawa pa. Kaloka! "Okay. I'll see you then." Sabay baba sa tawag sa cellphone. . Tumayo na ako at inayos na ang lahat. I will be late for a date. Hindi ko naman susunduin si Xirus, magkikita lang kami. Abala siya sa photosh