Chapter 3. Trust

1213 Words
Althea's POV . . Trust  . . Walanghiyang kliyente talaga si Mr. Lagdameo! Kung hindi ko lang nirerespeto ang asawa niya ay tiyak sampal na ang inabot niya sa akin kanina. . "Ba't naman kasi hayag ang dibdib mo, Thea?" si Geoff sa kabilang linya. Kausap ko siya ngayon. "Malay ko ba ano! Alam mo naman na tuwing umaga ng Sabado ang physical fitness gym ko. Kakatapos ng gym at pauwi na ako nang tumawag ka, bakla! Kaya nataranta na ako. Malay ko ba na lalabas pala ang dibdib ko!" . Natawa na siya sa kabilang linya na parang baliw. Bakla nga naman talaga! . "I should tell Cherry about this. Epic fail!" lakas na tawa niya sa linya. "Sige pag-fiestahan niyo ako. Diyaan naman kayo magaling e!" . I rolled my eyes while stepping outside the balcony. I took a deep breath while staring what's in front of me. Isang lumang gusali ang katapat ng gusaling ito. Condominium din pero kakaiba. At sa tuwing tinititigan ko ito ay naalala ko lang ang nakaraan ko. . Life was never easy for me back then. My mum is a single mother and I'm proud of it. I'm the eldest and my two younger brothers at that time were very young to understand the situation we are in. Wala pa silang alam sa nangyayari tungkol sa mga magulang ko, pero iba ako dahil nakikita ko ito. . They couldn't understand the type of living we are in. I was only ten at that time when I realized that my family will never be a perfect and complete family at all. . "Hoy, Althea! Nakikinig ka ba?" "H-Ha?" . Bumalik ako sa sariling mundo. Hindi ko tuloy alam kong ano ang pinagsasabi ni Geoff. Nawala kasi ako sa isip ko. . "Ano ulit?" kunot noo na tanong ko. "Ang sabi ko huwag ka ng magreklamo. Tutal pupirma na si Mr. Lagdameo, kahit pa nahawakan niya ang boobs mo!" malakas tawa niya. "Bwesit talaga!" lihim na mura ko at alam kong narinig niya ito. "Hayaan mo na, girl. Tutal nahipuan lang naman," arteng tugon ng baklang Geoff. "First offence iyon ha! Kapag inulit niya babaliin ko na talaga ang daliri ng manyak na iyon!" . Pinatay ko na ang tawag. Kung nakikita lang ang usok ay tiyak umuusok na ang tainga at ilong ko ngayon. Napatingin na tuloy ako sa hinaharap ko. Naligo na ako at nagpalit ng maayos na damit. Nandidiri ako sa manyak na iyon. . Huminga ako ng malalim at tinitigan ang iilang katao na nasa labas ng balkonahe ng lumang gusali sa harap ko. Ang iba ay nagsasampay sa damit na nilalabhan nila. Ang isang nasa baba, ay pinapakain ang anak niya sa labas. Palagi ko silang nakikita at napapangiti ako sa kanila. . Napansin ko agad ang isang lalaki na lumabas sa sariling balkonahe niya. Katapat ang balkonahe niya sa balkonahe ko. Pero unang beses ko pa lang siyang makikita. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pagpitas niya nang kamatis na tanim at kinain ito. Napangiwi ako. . Kung sa bagay kinakain naman talaga ang kamatis ng diretso. Pero iba kasi ako. Hindi ko makuhang kainin ang kamatis ng hindi niluluto. . Eww, ang asim siguro! Isip ko. . Napangiwi ako habang pinagmamasdan siya. Pumwesto ako sa gilid nang sa ganoon ay hindi niya ako makita. Mariin ko lang siyang tinitigan. May hitsura nga naman siya at matangkad pa. Namaywang siya at nakatitig nang buo sa gusali rito. Tumikhim na ako at pasimpling tumalikod para makapasok sa loob. . Sinarado ko ang sliding door nang makapasok. Nilibot nang tingin ang loob ng condo at nag-isip kong anong pwede kong gawin. Nagkalat ang mga blueprint at sketch plan sa office table ko na nasa bandang gilid. Bumuntong hininga ako. Ang dami kong gagawain nang maalala na kailangan kong tapusin ang desenyo ng isa ko pang kliyente. . This is my life. If you spend your weekends on your family mine is different. I spend it with my papers, sketches, blue prints, notes, pencils and etc. Naupo na agad ako rito at isa-isang hiniwalay ang tapos na at hindi pa. Nagkalat kasi ito sa ibabaw ng mesa. . After two hours of organising and finalizing things my tummy rumbles. Tumayo na ako at nagtungo sa napaka-eleganteng kusina ko. Walang ibang laman ang loob ng refrigerator maliban nga lang sa tropical drink na nandito. Ito na lang din ang kinuha at ininom ko. Bumalik na ako sa lamesa ko. My phone beep and a message from Geoff again. Bar hoping daw sila mamaya at gusto akong isama. . My message: I'm so busy, bakla! . Geoff message: Magsaya ka naman, Althea. Sige ka tatanda ka ng dalaga! . I pouted when I read it. It reminded me that the heck, I'm already forty. I should be married by now to a loving and caring husband. Siguro may anak na siguro akong isa o dalawa. Kung hindi lang nagloko si Wanton, e 'di sana masaya na ako ngayon. . Tinapon ko na ang cellphone sa malambot sa sofa. Nakakainis, dahil puno pa rin ng poot ang puso ko sa tuwing naalala ko ito. Ilang lalaki na ba ang naka-date ko? Hanggang date lang ang mga iyon at walang ni isa man lang na seryoso. Bukod kasi sa mga may edad na ang mga lalaking iyon, ay on the process pa ang mga annulment nila. . Ayaw ko sa mga may sabit. I hate it to admit it but I'm so picky when it comes to man. Gusto ko iyong malinis at walang issue. Walang babae, walang anak at higit sa lahat walang asawa. . Tumunog ang cellphone ko at tinitigan ko lang ito. I'm sure ang baklang Geoff ang tumatawag ngayon. Pero hindi rin nakatiis at tumayo na para kunin ito sa ibabaw ng sofa. Nawala ang kunot sa noo ko nang makita na si Bea ang tumatawag, ang best friend ko. . "Bea?" lawak na ngiti ko. "Hello, best. How are you? Huwag kang mawawala mamayang gabi okay. I'll meet it in El Fresko Reyal." Napakurap ako. Hindi ko tuloy makuha ang sinabi niya. "Ano? Pinagkakaisahan niyo ako ni Geoff ah." "Ngayon lang naman, best. Si Anton ang babysitter ko mamaya kay Sofia. Kaya party girl ako mamaya," excited sa boses niya. . Napangiti ako. Kahit papaano ay namiss ko rin naman ang bruhang ito. Abala na kasi siya dahil full time mama na. . "Sige na nga... Kung hindi dahil sa'yo hindi talaga ako sasama sa inyo. Marami kasi akong gagawin na project." "Hay naku, Althea. If you kept doing that you'll become an old maid. Nakakatakot mag-isa. Wala kang anak at waka ka pang asawa. Sige ka..." pananakot niya. "Oo na nga! Oo na. Tumahimik ka na." Natawa na agad siya at pati na rin ako. "Anong oras ba?" "Eight o'clock, best. Okay, I'll see you later!" sabay patay sa tawag niya. . Napailing na ako sa sarili ko at napangiti na rin. I even scrolled my social media which I have not visited for a while. I smile when I saw my best friend cute little angel on her husbands arms. . Sana magkaroon din sana ako ng akin... At sana hindi pa huli ito. Isip ko. . . C.M. LOUDEN  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD