Althea's POV . Bunos . . "Kaloka panalo talaga," ngiwi ni Cherry. "Sinabi mo pa!" tawang tugon ni Bea. . Napailing na ako. Kabaliwan na naman ito. Bakit ba kasi ako pumayag na makipagkita sa mga bruhang ito. Mabuti na lang at wala na akong trabaho ngayong hapon kaya half day lang ako sa trabaho. Hindi rin natuloy ang bar hoping namin ni Olivia dahil may emergency operation si Andrea, doktor lang naman siya. Kaya on call sa mga emergencies. . "Nakita niyo ba ang billboard ni Xirus sa highway? Ang yummy talaga!" tili ng bakla. "Dios ko 'te! Hindi ko nga nakilala. Parang lumabas ang mga mata ko. I can't believe that Althea's hotdog is the best!" halaklak ni Cherry. . Napatitig na silang tatlo sa akin. Seryoso akong kumain at tahimik lang din. Dapat sana ay mag di-dinner out kami